Ngayon ang balik namin sa manila,at kasalukuyan kaming nasa labad ng hotel na pinag-check in-an namin mula ng dumating kami ng davao.Hinihintay na lang namin si mang Erwin dahil umuwi ito sa kanila kahapon kaya nag commute lang kami kahapon..
"nasan na ba ang mang Erwin na yan?!..Bakit napakatagal nya...Alam naman nya kasi na ngayon ang balik natin umuwi pa sa kanina tsk.."naibaling ko kay Halley ang aking paningin dahil sa pag rereklamo nya.Bakas na bakas sa mukha nya ang iretasyon dahil sa pag sasalubong ng mga kilay nito at maging sa naging tuno ng pananalita nya..
"pwede ba halley itigil mo na yang kakareklamo mo pare pareho lang naman tayong nag hihintay dito hindi lang ikaw,kaya manahimik ka na jan ang init init tapos bunganga ka ng bunganga jan!"paanas na sambit ni cathleen kay halley bakas din ang inis sa kanyang pananalita.
Kanina pa kasi kami nag hihintay kay mang Erwin,mahigit apat na oras na rin ang nakakalipas at talagang nabibilad na kami sa init dito sa labas..
"what? I'm stating the fact here cathy..Alam nya namang ngayon ang balik natin pero umuwi pa sya..Hindi sya nag iisip balibhasa driver lang!!"
"naririnig mo ba ang sinasabi mo Halley?!!..Will I guess you're not!! Dahil kung makapag salita ka akala mo kung sino ka!! Yes may mali sya but you didn't have to say na parang hindi ka nag kakamali!! Once is enough bakit kailangan mo pang mag paulit ulit!!..Malay ba natin kung anong rason nga kung bakit wala pa sya hanggang ngayon ni hindi nga natin itinanong kunv bakit sya nag mamadaling umuwi sa kanila!! Stop being selfish halley! Hindi mo inilalagay ang sitwasyon mo sa sitwasyon nya!!"ramdam ang tensyon sa pagitan nilang dahilan para pamagitnaan sila ni Ryde at kuya Gio..
"halley enough!..Cath was right you need to be patient baka may nangyare lang na emergency kay mang Erwin.."sambit ni Ryde kay halley na matalim parin ang tingin kay cathleen..
"hey guys...I know the weather is very very hot...Kaya wag naman kayong makisabay...Chill guys ako din naiinitan nag papawis na nga kilikili ko oh..."sambit ni kuya Gio na sinusubokang pagaanin ang tensyon sa pagitan nila halley at cath.
"o-owh...Joke hehehe..."napapahiyang usal nya ng matalim syang tignan ng dalawa.
"tsk!"sambit ni cath saka tinalikuran kami.Sinundan ko naman sya hanggang sa huminto ito hindi kalayoan sa kaninang pwesto namin
"nakakainit ng ulo!!"usal ni cathleen saka may hinugot na bottle of water sa back pack nya.
"huminahon ka muna"
"tsk! How?...Hindi lang naman sya ang tinutuod na sa kakahintay doon..She always like that!! Nakakainit ng ulo..Embes nanahimik sya ang dami nya pang sinasabi nakakainit ng ulo lalo!!"napabuntong hininga na lang ako dahil kahit ako ay na iembyerna na rin kay Halley kanina dahil sa pag huhuramintado nya at mga salitang lumalabas sa bibig nya patungkol kay mang Erwin...
"napaka arte nya"
Lumipas ang isang oras pa na pag hihintay namin kay mang Erwin maya maya pa ah may isang jeep na huminto mismo sa harapan nila Ryde.Hindi kami ganoon kalayo sa kanila kaya kita ko pa rin sila mula rito sa kinatatayoan namin ni cath..
"hey cath...Lapitan natin sila baka si mang Erwin iyong bumaba doon sa jeep oh..'aya ko kay cathleen ng may makita akong lalaking bumaba sa jeep na huminto mismo sa harap nila Ryde.
"what?..Mamomove ng ilang araw?!!"bakas na naman ang inis sa pananalita ni Halley nang tuloyan kaming makalapit sa gawi nila.Hindi ako nag kamali dahil si mang Erwin nga iyong lalaking bumaba kanina sa isang jeep.
"pasensya na talaga,may nasira kasing pyesa sa van at sabi ng nag rerepair ay baka daw matagalan dahil ubos na daw ang pyesa na kailangang palitan sa van at ilang araw pa bago bumalik ng davao ang isa nilang trabahador na namimili ng mga pyesa sa manila"
"what the hell!! Ilang araw daw ba?"
"i-iyon po ang hindi ko paalam"
"arrugghh!! What a shit!! Bakit ba kasi nasira yan! Maayos naman iyon nung bago ka umalis ah!"
"halley ano ba?!...Ikakamatay mo ba ang pag istay dito ng ilan pang araw?..Stop acting like there is an infectious disease here kaya atat na atat kang umalis dito!"ramdam na naman ang tensyon na kaninang namagitan sa kanilang dalawa.Dahil katabi ko si cath ay minabuti kong hawakan sya dahil baka kung ano pa ang magawa nya.Sobrang init talaga ngayon ng ulo nya at hindi ko alam kong bakit..
"pwede ba cathy...Wag mo akong pakialaman!!..I'm not saying na may nakakahawang sakit dito ang akin lang ay gusto ko ng makaalis dito dahil sa nakakairita sa matang palagi kong nakikita!!"sambit nito saka sakin ibinaling ang kanyang paningin...
Teka? Bakit pakiramdam ko ay ako ang pinapatungkolan nya.
"tsk! Halley I said enough! Wala na tayong magagawa kundi ang mag hintay"sabat ni Ryde
"pasensya na talaga kayo ah..Hindi ko kasi na check ng maayos ang van bago umalis"pag hingi ng pasensya ni mang Erwin na kita kong ikinairap ni Halley sa hangin...
Ngayon ko mas na papatunayan na lahat ng mga ipinapakita nya sa ibang tao ay puro peke at ito...
Ito ang totoong Halley Klein Garcia.....
"pano mag checheck in ulit tayo saka alam na ba to ni Mrs.E?"tanong ni kuya Gio samin at kay mang erwin.
"ah..O-opo na sabi ko na po kanina pumayag naman sya...Tungkol sa tutuloyan nyo ay nag sabi din ako na sa amin na muna kayo tumuloy..Ayos lang ba sa inyo?"
"what? No way--"
"oo naman mang Erwin..Pano tara na?"sambit ni Ryde na kaagad namang ikinatuwa ni mang Erwin.Nakita ko na naman ang pag irap ni halley sa hangin...
Kahit ako ay nag uumpisa ng mairita sa inaasal nya..
Alam ko at ramdam na ramdam ko na ako ang pinapatungkolan nya kanina.
She hate me huh?..
Kung ayaw nya sakin ay pareho lang kami...Ngayon na alam ko na kung ano ang totoong ugali nya? Nandidiri ako sa kanya...
Ang galing nyang mag panggap na parang santo samantalang ikinukuble nya ang kanyang totoong pag katao...

YOU ARE READING
🌠A dream of A fan Girl🌠
FanfictionSimple lang ang hiling ko yun ay ang mapansin ako ng aking iniidolo.. Suntok sa buwan para sakin ang magustohan ng lalaking pangrap ng halos nakararami.. But could it really be?posible kaya na ang isang Fan Girl na tulad ko ay magustohan o kahit map...