"alam mo unti na lang iisipin kong naka druga ka!"singhal sakin ni dianne nakauwi na kami at kasalukoyang nakahiga sa kanya kanya naming kama.
Hindi ko kasi maalis alis yong imahe ni Ryde sa isipan ko...Parang naka auto flash iyong itsura nya kanina sa utak ko..
Noon lang ako nag karoon ng pag kakataon na makita ang mukha nya damn it!! It was all worth it...
I can still recall his figure...He was a pointed nose,pinkish lips na ang lakas makapang akit at ang nagi nya lang ipinapakita ang mapupungay nyang mga mata at makakapal na kilay na mas lalong nag papagwapo sa kanya..
Dapakkk!! Adik na nga ata ako..
Adik sa kanya...
Shit!!
"nakita mo yun hah....Dianne ang gwapoooo nyaaaa"kinikilig na sambit ko tas nag pagulong gulong pa ako sa kama ko..
Whaaa lord you can now take me...
Basta isama mo si Ryde whaaa...
"taena itae mo nga muna iyong mga kinain mo kanina baka na sobrahan ka!"nakangiwing sambit nito sa akin kaya napabangon ako at sinamaan ko sya ng tingin.
"gaga! Wala nga ako halos na kain kanina ei.."sambit ko na mas lalong nag pangiwi sa kanga.
"eh baka gutom ka kaya ganyan ang epekto sayo...Tara kain tayo ng matigil yang kabaliwan mo"sambit nya saka tumayo sa kinahihigaan nya..
Eh? Seryoso ba sya?....
Embis na umangal ay sumunod na lang din ako sa kanya ng lumabas ito sa kwarto namin...
Naupo ako sa maliit na sofa at nag hintay na dumating sya mula sa kusina.Pag balik nya ay may dala dala na itong dalawang platito na may lamang tigisang slice ng cake at ipit ipit nya sa kili kili nya yong ice cream..
Kahit kailan ang bagra talaga ng babaeng to...
"ayan na madam nakakahiya naman..Hindi mo manlang ako pinuntahan sa kusina para tulongan"sarkastikong sambit nya saka inilapag sa maliit na lamesa sa harap ng sofa iyong pag kain na dala dala nya..
"in fairness sayo ah laging may nag bibigay ng cake...Salamat sa mga reader mo laging puno ng kung ano ano ang ref.Natin hindi tulad ng dati na ½ na manok at baboy tas hotdog lang ang laman.."sambit nya sabay subo nuong nasa kutsara nyang cake..
"sira ka"na sambit ko na lang..
Well she right matapos ng book signing ko kanina ay napakadaming nag aabot sa akin ng kung ano ano...
Ganun pala ang feeling ng sikat..Maraming nag bibigay..
Sya kaya ganun din?...
Marami rin kayang nag bibigay ng kung ano ano sa kanya mula sa mga reader nyang babae?....
Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa isiping iyon.
Ang weird nuh? Nasasaktan tayo sa mga taong kahit kailan hindi naman tayo pinahalagahan...Because they don't know that we'd love them...
"hoy...Ano tulaley hah?...Kanina na pa yan ah..Alam mo siguro dapat na kitang ipacheck up..."
"gaga! Natulala lang check up agad?"
"malay ko ba kong tinamaan ka na........Sa kanya"
Tengna keneleg ako...
"kinilig naman ang gaga!"bawi nya sa sinabi nya kaya na pa simangot na lang ako..
Bwesit!...Andun na ako eh
Kinikilig na ako ehh..
Tas biglang hihirit -/-
Ano yan parang manloloko bumabanat ng may harot tapos sasabihin sa dulo charot!
Sarap nya tusokin ng tinidor ei -/-
"panira ka"
"hindi ah..Nag expect ka lang talaga.Kung pinatapos mo ako sa sasabihin ko di sana di ka nag expect.Eh ikaw kinikilig ka agad sa banat hindi mo iniintay yong charot pag katapos ng harot...Tsk!tsk!tsk!"
At kasalanan ko pa...
Kung makahugot kala mo may pinag dadaanan....
"pero seryoso hindi ko nagustohan iyong ugali nung....Sino ba yon?...Helly?"
"Halley"pag tatama ko
"what ever is her name is basta hindi ko sya gusto may na sesense akong kaplastikan sa kanya"napangiwi ako sa sinabi nya..
Kahit naman ako ay hindi ko nagustohan ang paraan ng pananalita nya kanina..Para bang punong puno ito ng sarkasmo.
"the way she talk? Arghh! She was so plastic..."pansin nya rin pala..
"ano ka ba..M-malay mo gusto nya lang talaga tayo makilala ako...Kasi nga diba magiging parte na ako dun sa company na humahawak din sa kanila"sambit ko na lang..
Ayokong mag isip ng kung ano ano about sa kanya...Isa pa iniidolo ko sya..
"what ever! Ikaw na paka ewan mo ano manhid ka kaya di mo na pansin the way she talk about you?"
"hay naku..Kumain ka na nga lang jan"
"pffft! Ewan ko sayo..At talagang pilit nya pang inalala kung sino ka ah..."napailing na lang ako saka ipinag patuloy ang pag kain
"teka nga...Matanong kita ano bang nagustohan mo sa Ryde na yon na hindi ko makita?"tanong nya sakin na kamuntik pa akong mabilaokan.
"what the heck! Nakakabigla ba ang tanong ko?"
Ay hindi mauubo ba ako kung hindi...
"ano bang klasing tanong yan?"I ask her back pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
"a question just for you my dear friend"sarkastiko ang pag kakasambit nya nun -/-
Inilapag ko ang platitong hawak ko ng maubos ang laman nun saka kinuha ang lalagyan ng ice cream na nakapatong sa lamesa.Sumubo pa ako ng isang kutsara saka nag salita.
"I don't know I just feel it one day na nahuhulog na ako sa kanya...Isa pa gwapo kasi sya.."natawa sya dahil sa sinabi ko at hindi ko maintindihan kong bakit at saan banda ang nakakatawa sa sinabi ko..
"s-seriously?...Gwapo? Sanbanda aber sa itim na maskarang suot suot nya?...Ibang klase"hindi makapaniwalang sambit nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Hindi nya ba nakita kanina sk Ryde? He was beyond perfect guy..May pag sa suplado nga lang..
"ok...Mukhang in lababo ka na nga....Hayy buhay parang life"sambit nya saka kumuha sa ice cream na hawak hawak ko.
Naubos namin ang ice cream na kinuha ni dianne sa ref.Matapos nun ay bumalik na kami sa kwarto namin saka sabay na nahiga.
"matulog ka na at please lang mag sawa ka..wag mo ng panaginipan iyong Ryde na yun"she said as she turn off the light.
Napairap na lang ako sa hangin dahil sa sinabi nya...
Bahala sya....
Basta sa papanaginipan ko sya ngayon...
Hahahaha...
Nakangiting ipinikit ko ang mga mata ko saka tuloyang nag palamon sa antok...
YOU ARE READING
🌠A dream of A fan Girl🌠
ФанфикSimple lang ang hiling ko yun ay ang mapansin ako ng aking iniidolo.. Suntok sa buwan para sakin ang magustohan ng lalaking pangrap ng halos nakararami.. But could it really be?posible kaya na ang isang Fan Girl na tulad ko ay magustohan o kahit map...