Kabanata 5

69 2 0
                                    

Sa makailang ulit na pagpasok ko dito sa school ay hindi ko na mabilang ang pagkakataong nakita ko iyong lalaking minsang nanggulo sa loob ng paaralan. Kaya dito nalang din ako sa likod dumadaan para hindi ko masaksihan ang pagkasalbahe ng grupong iyon.

Ilang grupo rin ng kababaihan ang nagpapansin sa kanila. 'Yong ibang barkada ng lalaki ay panay ang pambabae samantalang siya naman, 'yong parang pinuno ay nasa sports car lang nito at nakapikit na parang antok na antok siya. Hindi siya nakisalamuha sa mga babae dito at halatang bored na bored.

" You really have a habit of avoiding a mess huh? " Biglang sambit ng isang lalaki sa gilid ko upang huminto at bumaling sa kanya.

The SSG president eyes was on me already, curious. Kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad sumunod naman ito.

" Hindi masama kung umiwas. " Sagot ko habang pansin ko na nasa gilid na siya, sumasabay sa akin sa paglalakad.

" Balita ko'y iyang lalaki na 'yan ang apo ng gobernador. At may nakapagsabi ring may nagugustuhan daw 'yan na babae dito. Hindi kaya ikaw 'yon? " Tumawa ako sa narinig.

" You're too judgemental Mr. SSG President. Hindi porke't maganda ako ay ako na agad ang pinupuntahan ng kahit sinong lalaki diyan. Maganda lang ako pero hindi malandi. " Deretsahan kong sambit upang tumawa siya ng mahina.

" Iba ka nga talaga. "Mahina niyang sambit at tuluyan na kami nasa loob ng paaralan.

Pero bago paman ako nakapasok sa building ay may tatlong rosas na naman ang binigay sa akin ng isang babae. Nasa likod ko na ngayon ang SSG President. Nagmamasid.

" Sino ang nagpapabigay niyan Shee. " Usisa ng SSG President upang takot itong tiningnan ng babae.

" H-indi ko alam, nakalagay lang 'yan sa mesa ko at may sulat na ibigay ko kay Rosalia Amelia Cuervas. " Nauutal na paliwanag ng babae upang humakbang yong SSG President at inagaw ang bulalak sa kaharap at tinapakan ito. Nanlaki ang mata ko sa nakita pati yong babae ay nabigla.

" Delikado ang tumanggap ng regalo sa hindi mo kakilala kaya mas mabuting hindi ka na tumatanggap ng ganito mula ngayon. " Saad niya upang hindi ako kumibo. May punto siya at ayaw ko nang makipagtalo pa dahil ayaw kong isipin ng kahit sino na may pinapaboran akong manliligaw. Lahat sila ay hindi ko binibigyan ng pag-asa.

Mahirap lang kami at ang kung iisipin ko pa ang bagay na iyon ay dadagdag lang iyon sa problema namin ni Inay. Kailangan ko munang tapusin ang pag-aaral bago lumandi.

Pero habang dinadaanan ang bulaklak na tinapakan ng kasama ay napatingin muna ako sa card nito. Balak ko sa itong kunin ng hawakan ang braso ko ng kung sino.

" Stop it. " Aniya ng SSG president upang umayos ako sa pagkakatayo at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Agad naman niya itong binawi.

" I'm sorry. " Sa pagkakasambit niyang ito ay hindi na ako umimik pa at tumango nalang.

Hindi ako mapalagay sa pagkakataong ito. Parang may mali o dahil hindi ko nabasa iyong sulat ay ganito nalang ang pagkabalisa ko.

" Ngayong darating na Araw ng mga Puso ay may gaganaping Senior at Junior Prom so prepare your best gowns ladies and boys prepare your suits. " Hindi na magkamayaw ang mga kaklase ko sa narinig. First time ko ito kung sakali man. Pero ang problema ko ay iyong gown. Mangrerenta nalang kaya ako? At magkano naman?

Umiling nalang ako habang iniisip ito. Napakalaki ng posibilidad na hindi ako makakasali.

Narinig ko na naman ang ingay ng mga kaklase ng inanunsyo ng guro namin ang patimpalak sa gabing yon.

Prom King and Prom Queen ang magiging highlight. Wala naman daw rampang magaganap pero kailangan pumili ng bawat section para magiging candidate nito.

Destined HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon