Kabanata 2

100 2 0
                                    

Dear Destiny,
      

August 05, 2014



The sands witness my footprints with him.

The wind embraces us to be together.

And you that tangled my hearts with him.

Fortify us with love and faith.

Someday....


--Rosalia Amelia





Habang nakasunod kay Aris ay hindi ko mapigilang mamangha dito sa resort Ferello. Ang maputing buhangin, malawak na asul na dagat at napakagandang Ferello Hotel di kalayuan ng mansiyon. Isang perpektong lugar na buong buhay kong pinangarap na magiging tahanan. Sana ito ang magiging tahanan ko.

" Ouch. "

Napahawak nalang ako sa mukha ng mabunggo sa sa matigas na bagay.

" Rosalia, are you blind? " Nanlaki ang mata ko sa narinig kaya agad kong yumuko sa harap ng among gwapo.

" Pasensya na señorito! Pasensya na at ang tanga-tanga ko dahil nabangga ko ang puso mo este ang likod mo! " Taranta kong sambit upang mas kumunot pa ang noo niya.

Umatras pa ako ng isang beses dahil sa sobrang ilang ko sa titig niya. Huminga lang siya ng malalim bago muling tumalikod.

" Walk beside me. Hindi yong nasa likuran ka at binubunggo mo ako. " Mabilis kong tinakbo ang gilid ni Señorito habang may nagpupumilit lumabas ang ngiti sa labi ko.

" Señorito, mabuti naman po at umuwi kayo ngayon kahit busy ka sa pag aaral mo. " Saad ko habang sinasabayan siya sa paglalakad. Pansin ko naman na binagalan niya ang bawat hakbang.

" I need to check the house. " Sagot niya upang tumango ako. Halos linggo-linggo na kasi siyang umuuwi ngayon.

Tumango nalang ako sa sinabi niya.

" Babalik uli kayo bukas? " Dagdag ko, habang inaalala ang pagbalik niya sa Sierra de Ciudad.

" Hindi sa Lunes na. " Sagot naman niya upang tumango ako. Papalubog na ang araw upang taka kong tingnan ang paparoonan namin.

We're going to the peak of Ferellos Resort kung saan mabato-bato na ang daanan. May ilan ding naglalakihang bato kung saan pwedeng magsight-seeing sa buong resort.

" Tomorrow we'll be here before sunrise. " Aniya upang taka kong balingan ang gwapo mukha.

" B-ukas po? "

" Yes, may gagawin lang ako. " Aniya upang tumango lang ako.

" I want you to bring a food. Kahit kaunti lang para hindi tayo magutom habang nasa naglalakad diyan sa matutulis na kabatuhan. " Utos niya upang tumango lang ako. Tulad ng inaasahan ay nakarating kami ni Señorito sa hangganan ng resort. Papalubog na rin ang araw at mapapansin na ang nagagandahan at makukulay ilaw na mula sa Ferello Hotel. Nanatili lang ako sa baba habang sinimulan na niyang akyatin ang naglalakihang bato. Parang sinisiyasat niya yata ito.

Habang abala siya sa taas ay pinadiskitahan ko naman ang mga shells dito sa baba. Pinaglalaruan rin ng palad ko ang pino at puting buhangin ng dalampasigan. I smiled while playing the shell in the sand.

Nilingon kong muli si Señorito Aris at napatigil nalang ako ng makita siyang nakatitig sa pwesto ko. Mabilis akong tumayo saka lumapit sa bato na kanyang kinalalagyan. Nakaupo siya habang nakamasid sa akin.

Destined HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon