Kabanata 3

69 2 0
                                    

Dear Destiny,





October 2017

You really knows how to play with your victim.

In just a blink of my eyes, I remembered the first time my eyes saw the beauty of that Sun in Ferello.







Greatful,
Rosalia Amelia






Presko pa sa alaala ko ang malademonyo niyang ngiti habang nakikipag-usap sa kanyang mga kasama.

At ang kanyang mga mata'y nagtatago ng napakaraming misteryo ay bumabagabag sa akin ng ilang linggo.

Mula sa pagtitigang namin iyon ay mabilis akong umiwas at tumakbo pauwi. Nakakatakot. Nakakanulunod. That guy should be avoided. Hindi maganda ang mapalapit ng kahit kaunti sa lalaking iyon. Tama. Masamang lumapit sa isang basagulero at hambog na tulad ng lalaking iyon.

Habang papalabas ng paaralan ay napatigil nalang ako ng makita ang pamilyar na sasakyan sa parking lot. Kung hindi ako nagkamali ay walang ibang nagmamay-ari ng sasakyan na tulad nito dito sa Ferello maliban na lamang kay Señorito. At ng bumukas ang bintana nito at bumungad sa akin ang gwapong pagmumukha ni Señorito Aris.

Isang ngiti ang sumibol sa labi ko ng makita siya. Kaya agad ko itong tinakbo.

" Magandang hapon Señorito. " Isang ngiti naman ang naglalaro sa labi niya.

" Get inside. " Utos niya upang pumasok ako. Agad naman niya itong pinatakbo.

" Ang aga niyo yata Señorito? "

" We have no class in last subject so I decided to go home para masundo kita. " Saad niya upang lihim akong mapangiti.

" Sakto naman po dahil maaga rin kaming natapos. " Sagot ko habang pinaradahan niya ako ng tingin sa rear view at napansin ko ang pagsulyap niya sa akin.

" Are you hungry? Do you want to eat first before going home? " Usisa niya upang umiling ako.

" Sa mansion nalang tayo Seño- "

" Aris, Rosalia. Call me Aris. " Muli niyang utos upang kumunot ang noo ko.

" I'm just four years older than you. And hearing you now calling me señorito is like a torture. Parang ang tanda tanda ko na talaga. " Saad niya upang kagatin ko ang labi. Mula ng magkamulat ako ay ito na ang kinalakihan kong tawag sa kanya. Nasanay na akong nakasunod sa kanya. Nakaalalay.

When his dad marries another woman, I remembered how he cries in front of me.

Nagtago siya sa silid ko at at doon na rin natulog. I remember, he can't sleep without me. He can't rest without seeing me. I nevermind, he's my responsibility. He's my boss. It's his house. Kami lang ang nakikitira. He hide there for about three month. Palihim ko siyang dinalhan ng pagkain at madalas kaming tumatakas patungo sa kabilang resort ng ilang linggo. Pero unti-unti rin iyon nalaman ng ama niya. Hinayaan nalang siya sa amin dahil iyon daw ang makakabuti sa kanya ayon ni Sir Amante.

He loves his mom so much na hindi niya kayang tanggapin na may iba na si Sir Amante.

Lumayo lang si Aris sa akin mula ng nagsimula na siyang mag highschool.

Nagrebelde siya. Naging barkadista. Nagkaroon na rin siya ng iilang kasintahan dito sa Ferello. Pero walang nagtagal. Katuwaan kumbaga. I saw him smoke. He's drunk sometimes. And one day, I heard he joined to a fraternity. He started to treat me like nothing. I'm totally invincible to his eyes.

Nagbulagbulagan ako. Nagmanhid-manhiran. Kasi amo ko siya at katulong lang ako. Hindi ko kayang sabihin na tumigil na siya kahit nasasaktan akong nakikita siyang nawawasak ng paunti-unti.

For how many years that cold treatment remained the same.

At masasabi kong nagbago lang siya ng magpaalam ako na bumalik sina Kuya galing San Diego. Nangangatog pa ako noon. I was too afraid to bid him goodbye because maybe he'll just let me go.

Pero nagkamali ako. Nagbago siya at narinig ko pa sa mismong bibig niya ang takot na mawala ako.

I felt special kahit naman bawal.

" Pero Señorito, hindi po ako sanay. Wala rin po akong.. " Napansin ko nalang ang paghinto niya sa kotse sa gilid ng kalsada. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

" I want you to call me Aris Rosalia. " Madiin niyang sambit upang balingan ko siya

" Hindi pwede Señorito, wala akong karapatan. " Sa pagkakasabi kong ito ay naramdaman ko nalang ang mapangahas na pagdampi ng labi niya sa akin. Namanhid ako sa kinauupuan. It only last for how many seconds pero ramdam na ramdam ko ito sa bawat paghinga ko.

" Damn. I should've stay away. Hindi talaga ito tama. " Naririnig ko pang sambit niya bago muling binuhay ang makina.

" I'm sorry . "

Ito ang huling katagang narinig ko sa kanya sa buwan na iyon. Hindi na siya nagpakita sa akin. Minsang umuuwi ayon ni Inay pero 'yong wala ako.

Kumirot ang puso ko sa nangyayari. Iniiwasan niya ako dahil sa nangyari kahit hindi naman ako nagalit.

Paano ako magagalit kung narinig ko mismo sa labi niya ang mga pagmumura dahil sa pagkakamaling yon. I'm sixteen for fuck sake. At nasa Junior Highschool pa lang. And kissing a guy at this young age is beyond my imagination.

Hindi ko man maikakaila na may ilang gustong manligaw sa akin at nagpaparamdam. Pero hindi ko sila pinansin. Hindi ko pa talaga iniisip ito.

I've witnessed how cruel life when it comes to love.

Gaya ng pagkamuhi ni Aris sa ama niya dahil pag-aasawa ulit nito ay natakot rin ako sa katotohanang maaaring ngang hindi panghabangbuhay ang pag-ibig ng isang tao sa kanilang minamahal.

I am afraid to love someone that might leave me for another love of his life.

Nakakatakot isipin lalo na't lumaki rin ako na walang ama na bumubuhay sa aming tatlong magkakapatid.

Habang naglalakad papalabas ay napansin ko na naman ang grupo ng kalalakihan na laging sumisipol tuwing dumadaan ako sa building ng senior highschool. Batid ko rin ang mariing titig sa akin ng kilalang president ng SSG na nasa grupo lang na ito.

Umiwas ako ng tingin. Narinig ko pa ang kantyawan upang bilisan ko ang paglalakad. Pero nabigla nalang ako ng may humarang sa akin na babae. Nanginig ako sa kinatatayuan. Hindi ako sanay na makisalamuha. I used to be alone even when I'm in school.

" M-ay kailangan ka? " Nakita ko nalang ang pagbigay niya sa akin ng tatlong rosas upang kumunot ang noo ko.

" May nagpapabigay sayo. " Sa pagkakasabi niyang yon ay mabilis niyang inabot sa akin ang bulaklak upang wala akong magawa kundi tanggapin ito.

Nakita kong may card ito kaya agad ko ito binasa.

You are my sun that never failed to shine even during the dark days of my life.

-A

Kumunot ang noo ko sa nabasa at binalingan ang grupo ng kalalakihang laging kumakantyaw sa akin. But the SSG President brows just arched while staring at me.

Destined HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon