Kabanata 14

72 2 0
                                    

Hindi ako makatulog ng maayos, kahit saan saan nalang napupunta ang isipan ko. At ang lalong gumugulo sa akin ay ang hindi na pagdalaw ni Cyrus dito sa Ferello. At yong sinabi niyang sasama siya sa Daddy niya dito ay inabangan ko rin iyon pero hindi nangyari.

Pumikit ako ng mariin at pinagsasampal ang sarili sa kahibangan.

Bakit ba ang hirap pigilan ang sarili na umasa? Bakit ba hindi ko siya kayang iwasan kahit sa tuwing nagrerelax ang isipan ko?

Brain maawa ka naman! Alalahanin mong bawal si Montegrande sayo!? Gising oi!

Napabalikwas nalang ako sa kama ng may kumatok sa kwarto kaya agad kong binalingan si Inay. Tulog na!

So isa lang ang ibig sabihin niyan! Ang gwapo kong amo ay nandyan! Umuwi siya?!

Kaya dahil sa taranta ay agad akong bumangon at binuksan ang pintuan. At hindi nga ako nagkamali. Nakatayo si Señorito Aris sa harap ko habang seryosong nakatingin sa akin.

" Follow me. " Giit niya at mabilis na tumalikod kaya tinunghayan ko muna si Inay bago sumunod sa kanya.

Nakita ko pa si Señorito Aris na tumuloy sa likod sa bandang dagat kaya tumigil muna ako sa kinatatayuan. Pero isang baling niya sa pwesto ko ay agad akong nataranta upang tumungo ako sa pwesto niya.

" May lihim ka daw na kinikitang lalaki. Who's the guy? " Awtomatikong napako sa kinatatayuan ang mga paa ko dahil sa napakagandang salubong sa akin ni Señorito Aris.

" Sino po bang -- "

" Who's the guy Rosalia!! " Sigaw niya upang mapitlag ako sa kinatatayuan. Never in my life na sinigawan ako Señorito Aris. Ngayon lang! Ngayon lang niya ako sinigawan dahil sa isang lalaki.

" W-ala Seño -- "

" Don't lie to me Rosalia! Don't you ever try to lie infront of me. " Madiin niyang sambit upang nagmamakaawa ko siyang balingan.

" W-ala talaga Señorito, kung may nakakausap man ako ay hindi naman plano ang pagkikita naming iyon. "

" You're making an excuse. " Saad niya habang lumalapit na sa akin kaya napaatras ako. Takot at kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin siya sa akin.

" Are you attractive to that guy? " Usisa niya habang iilang distansya nalang ang layo nito sa akin. Napalunok ako.

" Do you like the guy? " Muli niyang tanong na parang nanggigigil siya sa sagot kaya kinuyom ko ang aking kamao at deretsahan siyang tiningnan.

Sasagutin ko na sana siya ng maramdaman ko ang marahas na yakap sa akin. Naninigas ako sa kinatatayuan at unti-unting bumabagsak ang mga luha sa mata ko.

" I'm sorry. I'm sorry if I had to leave you here and constantly check on you. I'm sorry dahil naging pabaya ako sa ating dalawa Rosalia. I'm really sorry dahil pinabayaan kitang mahulog sa iba. " Parang binibiyak ang puso ko sa sinabi niyang ito.

Noon pa man ay laging siya lang priority ko. I never looked back on anyone dahil iyon ang ipinamulat sa akin ng lahat. Maraming nagparamdam pero walang naglakas loob na magpahayag ng nararamdaman dahil alam ng lahat na kapares ng pangalang Rosalia Amelia Cuervas ay si Aris Ferello. Kaya sa mga pagkakataong sinasabi ng ilan na binabakuran ako ni Aris Ferello ay hindi na ako nabigla. Since elementary and highschool anyone who would know me will automatically ask for Aris Ferello. Everyone assumed that there's really something between me and Aris Ferello. I want to believe too. But when Cyrus Montegrande started to pursue me, everything about me and Aris started to get blurred. Cyrus Montegrande vocality brought light to my darkness. Ginising niya ako sa katotohanang dapat pahalagahan ko rin ang sarili at hindi lang basta basta magsesettle down sa kung anong kayang ibigay sa akin ni Aris Ferello.

Destined HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon