Kabanata 26

96 2 1
                                    

I'm always hopeful that your light brings hope. I am very confident that your light can shine even in the darkest part of our journey.

But I never thought that in the middle of our journey, there's someone that blocked your light, brought doubt to our promises.

I've given choices, a choices to step back away from you and choose the easy life. I've given time to run away and stopped everything.

But despite those negativity and hesitation, I decided to gamble my life, to follow your light 'till the end.

-Rosalia Amelia

Nakasakay ako sa motor ni Kuya Rastan habang binabaybay namin ang kahabaan ng San Sebastian

" Kuya saan ba tayo pupunta? " Tanong ko, natantong hindi niya ako pinansin kanina at pinasama nalang sa kanya. Pero hindi nagtagal ay tumigil kami sa isang napakalaking gate. Hindi ko na tinanggal ang helmet dahil umangat na ang tingin ko sa mga letra na nasa ibabaw ng napakalaking gate.

HACIENDA MONTEGRANDE

Hindi ako makapaniwala sa nakita. Ang sabi ni Cyrus ay wala naman silang bahay dito sa San Sebastian. Pero bakit may hacienda?

Walang bahay pero may hacienda?

" Sir may kailangan kayo? " Usisa ng gwardiya na sa tingin ko'y nasa dalawampu't lima o pito ang edad. Tinanggal ni Kuya ang kanyang helmet.

" May sadya kami kay Engineer Acuesta, nandiyan ba siya sa loob? " Sambit ni Kuya upang bumalik sa pwesto niya ang gwardiya at may tiningnan sa notebook.

" Ano pong pangalan niyo Sir? " Usisa ng gwardiya upang hubarin ko rin ang helmet na suot.

" Rastan Cuervas. " Sagot ni Kuya, tumingin sa amin ang gwardiya sa akin at natanto kong nagtagal ang tingin niya sa akin.

" A-h pasok po kayo sir, kulay berde po ang gate sa bahay ni Engineer. " Saad ng gwardya habang nakatitig pa rin sa akin. Tumikhim si Kuya upang mapatingin sa kanya ang gwardiya. Binuksan nito ang gate at pinaandar muli ni Kuya ang motor upang muli akong sumampa dito.

Pagpasok pa lang namin sa loob ay una kong napansin ang nagtatayugang puno ng mangga, mga tauhan kalayuan na nagtatanim at ilang lugar na may sari-saring tanim. Sa di kalayuan ay tanaw ko ang iilang mansion at sa pinakadulo o pinakagitna ng mga mansion ay naroon ang napakalaking ancestral house. Sa harap nito ay may halamang nakabilog at sa gitna ay ang isang fountain. May hagdan din ito bago makapasok sa lumang bahay.

Hindi pa kami nakarating d'un ay tumigil na si Kuya sa isang kulay berdeng gate. Kaya mabilis akong bumaba at ganun din si Kuya.

Nagbigay galang si Kuya ng makita ng isang kasambahay at mabilis kaming pinapasok. Hindi ko maiaalis ang mga mata sa napakagandang ancestral house di kalayuan. I remember Aris mansion in Ferello. Lumang mansion rin iyon, magarbo at marangya tulad nito.

Sumalubong sa aming nagkapatid ang magarbong pool sa loob at di kalayuan ay natanaw ko ang pamilyar na babae.

AA.

Si Aracelli Acuesta na nakahiga sa isang duyan at nakapikit.

Pinapasok kami ng kasambahay sa loob at pinaupo. Taka kong tiningnan si Kuya. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ni kuya dito. Napakaraming sideline ni Kuya Rastan at kahit kailan ay hindi naman niya ako isinama, ngayon lang.

" It's in San Diego Rastan. " Pambungad sa amin ng may katandaang lalaki habang ipinapakita ang isang plano ng isang bahay.

" I want you to manage the workers in this area kasi panatag ako pag ikaw ang namamahala. " Saad ng kausap ni Kuya bago bumaling sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon