Kabanata 7

56 2 0
                                    

" Rosalia! " Isang dumadagundong na boses ang narinig ko upang huminto ako sa lakad takbong ginawa matakasan lang ang ilang mga taong gusto ko ng kalimutan. Ayaw ko mang lumingon pero nawalan ako ng choice dahil batid kong ako ang sentro ng atensyong ngayon dito sa floor namin. Kaya agad akong lumingon.

Unti-unti akong nawalan ng lakas ng loob ng makita kung paano niya ako tingnan. Ang kulay tsokolate niyang mga mata ay naghahatid na naman ng takot at pangamba sa aking puso.

Sa loob ng dalawang taon na hindi namin pagkikita ay muli ko namang nasaksihan kung gaano kamisteryoso ang mga mata ng apo ng gobernador. Napansin ko pa kung paano iyon nanlaki ng tuluyan akong makita.

Halos ilang buwan na ako rito at patapos na ang school year pero ngayon lang niya ako napansin. Kunsabagay iisang babae lang naman ang nakikita niya. Iisang babae lang naman ang sinasamba ng isang Cyrus Montegrande.

Si Mikaela Montemayor.

Alam ng lahat 'yon. Alam nang lahat kung gaano niya kagusto si Mikaela Montemayor. May naririnig man akong nalilink sa kanyang ibang babae ay walang makakapantay sa pagkagusto niya sa babaeng ito.

Umatras ako ng mapansin ko kung paano nagkaroon ng emosyon ang mga mata niya ng tumagal ang pagkatitig nito sa akin. Nakakatakot. At aakma na sana akong tatakbo ng mabilis siyang tumungo sa pwesto ko. Atsaka marahas na hinablot ang braso ko upang mapalapit sa kanya.

" R-osalia. " Muling sambit niya sa pangalan ko upang kumabog ng malakas ang puso ko. I want to run but my feet stilled. Ni hindi ko kayang igalaw ang katawan ko. Nakita ko pa ang paggalaw ng kamay niya upang hawiin ang ilang hibla ng buhok ko na nasa harap ng mukha ko.

Pagdampi pa lang ng kamay niya sa balat ko ay para na akong nakuryente. Kaya agad ko itong hinawi.

Nabigla na naman siya sa ginawa ko.

" Damn it! Don't fucking touch me. I'm not Rosalia. " Sigaw ko habang seryoso niya akong pagmasdan. I've changed a lot. Mula sa mahaba at straight kong buhok ay pinaputol ko na ito ng maikli. Maikli and wavy dahil hindi ko na ito sinusuklay. So why did he still remember me?

Nang hindi na siya nakapagsalita ay mabilis akong naglakad palabas ng building.

Too bad. Sa ilang buwan kong pumasok sa school na ito ay ngayon lang yata niya ako napansin. And what's the worst about this, nasa iisang building lang kami. Kunsabagay, I am physically and emotionally different now. Ni hindi na ako nag aabalang ayusin ang sarili. And I've erase the things that reminds them of Rosalia.

The beautiful and kind Rosalia of Ferello.

Habang papalabas ay agad akong sumakay ng tricycle upang tumungo sa pinagtatrabahuan kong karenderia.

" Amelia ayusin mo nga yang buhok mo. Mukha kang mangkukulam. Natatakot na ang mga kostumer. " Sigaw sa akin ng may-ari upang itali ko ang maikli kong buhok.

Pero habang naglilinis ay napatigil nalang ako ng may marinig na ingay na papasok sa loob. Agad kong binalingan ang pinanggalingan nito at nabigla nalang ako ng makita ang pagparada ng halos tatlong kotse sa labas ng karenderia. Pero ang mas ikinagulantang ko ay ang mga pamilyar na mukha na lumabas dito.

Cyrus Montegrande at ang tatlong popular na college student na sa tingin ko ay kaibigan rin niya. Nakita ko nalang kung paano sila tumungo sa karenderia na tinatrabahuan ko upang bahagya akong nataranta.

Agaw-pansin na naman sila dahil hindi lang angat sa lahat ang kanilang pananamit at pagmumukha kundi sadyang kilala ang mga ito saan man sila magtungo.

Ang dalawa ay ang apo ng gobernador kasama na dun si Cyrus at yung pinsan niyang may kasingkitan ang kulay tsokolateng mga mata tulad niya. Ang isa naman ay anak ng isang kilalang negosyante, kapatid yata ng pinagpapatasyahan ni Cyrus na isang Montemayor. At ang isa ay halata talagang may lahing foreigner ay anak ng pinakamayamang haciendero at negosyante dito sa San Sebastian.
Aakma sana akong tutungo sa sa hugasahan ng plato ng sinalubong ako ng may-ari.

Destined HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon