Hindi ako naniniwala sa kahit na anong Superstitious beliefs, at mas lalong hindi ako naniniwala sa love at first sight kasi para sa'kin ang love ay hindi basta-basta ibinibigay lang sa kung sino, masakit kayang masaktan kaya kung magkakamali ka ng taong pagbibigyan nito, siguradong sakit lang ang makukuha mo. Pero paano naman kaya kung kailangan mo nang mamili sa pagitan ng love at passion, tutuparin mo ba yung pangarap mo o ipaglalaban mo yung taong mahal mo?
I am Venice Catalina Ortiz and I'm 18 years old, nursing student. Actually hindi ko naman talaga gusto ang pag ne-nurse pero iyon yung gusto para sa'kin ng mga magulang ko kaya wala akong magagawa, ang gusto ko naman talaga is maging professional make up artist kasi 'yon ang passion ko pero kailangan kong maging praktikal kasi hindi naman marangya ang pamumuhay namin kaya wala na lang akong nagawa kung'di ang isantabi ang pangarap ko.
I'm a consistent honor student kasi wala namang destruction sa pag-aaral ko at tanging ang pamilya ko lang ang inspirasyon ko kaya ito NBSB ako haha.Ipinangako ko sa sarili ko na kailangan ko munang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko bago ako magjowa, at isa pa ayokong ma-experience ang masaktan, kasi sa panahon ngayon puro short-term relationship na lang kaya ang ending masasaktan sila.
Pero mukhang masisira ko yung pangako ko na 'yon sa sarili ko kasi darating sa buhay ko si Ken.
YOU ARE READING
The Love that Last
RomantizmThis was actually my first story that I'll publish here in wattpad I hope you enjoy this story guys!