"Pauwi na po ako."
"Who's that?"
Napatingin ako kay Josh na seryosong nakatingin sa'kin habang nakaupo sa sofa. I said goodbye to my mom before ending the call. I hadn't noticed the time and was surprised to see it was already 7:30 PM kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit tumawag si Mama.
Nakalimutan ko rin kasi magpaalam, pero ngayon ay naexplain ko na kay mama. Hindi ko din naman kasi inaasahan na susugod si Josh sa restaurant kanina para sabihin sa'kin na kailangan na namin pag-usapan ang plano. Nagmamadali pa nga ang kuya niyo e.
Pero paano niya nalaman kung nasaan ako kanina?
I put my phone in my bag and answered him, "si Mama. Nakalimutan ko magpaalam, ikaw kasi." Natawa ako after makita ang pagtaas ng kilay niya. "Sinabi ko na baka late ako makauwi."
"Oh? But it's still early."
Tipid lang akong ngumiti. "Only child lang ako at madami akong responsibilities after school. Pagod na kasi si Mama galing sa trabaho kaya ako na ang nag-aasikaso ng mga gawain para kakain at pahinga na lang ang gagawin niya."
Hindi siya sumagot, nakatutok na ang mga mata niya ngayon sa screen ng laptop niya. I didn't bother to talk any more dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod. May hangganan lang kasi ang social battery ko at pakiramdam ko sa mga oras na 'to ay malapit na ako malowbat.
I just took the iPad he lent me to write down all the things we needed to do. And since the competition is called "TechGenius Showdown," it's automatically about technologies and stuff.
Honestly, hindi sana kami mas mahihirapan kung may binigay silang specific informations other than the title and theme of the competition but all they told us was to prepare. So here we are, listing down all possible na ganaps and topics.
Pero feeling ko quiz competition 'to kung saan bibigyan kami kada rounds ng each questions covering various tech topics, including computer science, electronics, emerging technologies, and tech history. Pwede din ang jeopardy-style games where the pairs will answer questions from different categories with varying difficulty levels.
But sabi nga ni Josh, expect the unexpected.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at mukhang ganon rin si Josh dahil sobrang tahimik ng paligid ngayon at rinig na rinig ko ang bawat pag-type niya sa keyboard. Tuloy ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa unahan ko since magkaharap kaming dalawa.
That's when I noticed he was wearing glasses, so I couldn't help but ask, breaking the silence between us. "Malabo mata mo?"
He paused for a moment but didn't look at me. Napanguso ako nang hindi niya sagutin ang tanong ko. Right, he doesn't like interacting with me. Nanahimik na lang ako saka muling bumalik sa ginagawa pero hindi ko pa din maiwasan ang pasimpleng pagsulyap sa kanya.
Then those words just slipped out of my mouth.
"Bagay sa'yo.."
This time he looked at me, catching me staring at him. I immediately covered my mouth and quickly looked away after realizing what I had said. Shocks, what was that?
Hindi ko maintindihan pero sa mga oras na 'to ay tila gusto ko na lang magpalamon sa lupa. I could still feel his eyes on me, so I stood up quickly, holding my phone. After checking the time, I started gathering my things.
"I-I think kailangan ko na umuwi. Pwede bang bukas na lang natin ituloy? Or mamaya, isesend ko na lang sa Messenger yung other details." Pananalita ko.
BINABASA MO ANG
Opposites Collide
Teen FictionLe Feuvre Cousins Series 1 Unlike most of the students at MAPA University, Dorothea Lu "Dottie" Santiago doesn't come from a wealthy or famous family. She doesn't drive to school in a fancy car, wear expensive brand-name clothes or carry high-end ba...