"Is he crazy? May sakit ka, Dottie."
"Responsibility ko 'to, Harold. Plus, hindi naman na sobrang masama pakiramdam ko."
Lie.
My head has been spinning ever since Harold and I started heading down the building to meet Josh in the parking lot. Hindi naman na dapat kasama si Harold kaso nagmatigas siya at nagpumilit na samahan ako.
Kanina niya pa rin ako pinipilit na huwag na muna tumuloy makipagkita kay Josh dahil masama nga ang pakiramdam ko at kanina ko pa rin sinasabi na medyo okay na 'ko kahit muntik na 'ko matumba pababa ng hagdan kanina, mabuti na lang nandyan si Harold.
But still, kaya ko naman na talaga.
Mas binilisan ko ang lakad ko nang makarating kami sa bukana ng parking lot. It wasn't hard to spot Josh since he was the only one standing there, leaning against his car.
"Dottie!" Rinig kong sigaw ni Harold dahil nahuhuli na siya sa bilis kong maglakad.
Huhu, pasensya na Harold pero sa itsura ni Josh ngayon ay mukhang magbubuga na siya ng apoy. Hindi ko naman siya masisisi. Ang tagal kasi bago kami nakababa ni Harold at nakarating dito so matagal na rin siya na naghihintay sa'kin.
"You're 30 minutes late. I've been here kanina pa, pagong ka ba?" Salubong ni Josh nang makalapit ako sa kanya.
I felt bad, so I just gave him a faint smile. Hindi ko na rin gusto pa sagutin siya at magpaliwanag dahil nahihilo na talaga ako. Kaunti na lang ang social battery ko at kailangan ko 'to i-save para mamaya.
"Dottie!" Napalingon ako kay Harold na nasa tabi ko na. Pinagmasdan niya 'ko at saka napailing-iling.
"Harold-"
"She's sick, bro. Baka naman pwedeng saka niyo na lang ituloy 'to pag magaling na siya?"
Napalingon ako kay Josh matapos marinig 'yon mula kay Harold. Walang mababasang emosyon sa mga mata nito hanggang sa malipat ang tingin niya sa akin. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko nang matagal niya 'kong titigan bago muling lumingon kay Harold.
"She's sick? Mukhang hindi naman, she looks normal."
My mouth fell open. So, hindi niya alam? Pero sure akong aware siya sa kalagayan ko dahil sa nangyari sa classroom kanina. O baka talagang hindi ako mukhang may sakit? Gusto ko tuloy tingnan ang sarili ko sa salamin.
But..
"Are you serious? Hindi ba classmate kayong dalawa? Hindi mo ba siya nakitang dinala sa clinic kanina? Muntik rin siya matumba habang pababa kami ng hagdan." Bakas sa boses ni Harold ang kaunting inis pero sinusubukan niya pa din maging kalmado.
Totoo naman..
But I didn't expect what I heard next.
"We're classmates, yes. But that doesn't mean I care about her existence."
I stared at Josh for a long time, and he stared back. I didn't know what to feel at that moment, but come to think of it, hindi na dapat kagulat-gulat ang sagot niya.
"No wonder your ex dumped you. Sino ba naman kasing tatagal sa katulad mo." Rinig kong mahinang usal ni Harold at mukhang narinig din 'yon ni Josh dahil napansin ko ang pagkuyom ng kamao nito.
Bago pa magkainitan sa pagitan nilang dalawa at mauwi pa sa away ay agad na akong pumagitna. Hinarap ko si Harold para kausapin siya at i-make sure na magiging okay lang ako kasi kaya ko naman talaga 'no. Hindi pwedeng mas malakas ang sakit ko kaysa sa'kin.
BINABASA MO ANG
Opposites Collide
Teen FictionLe Feuvre Cousins Series 1 Unlike most of the students at MAPA University, Dorothea Lu "Dottie" Santiago doesn't come from a wealthy or famous family. She doesn't drive to school in a fancy car, wear expensive brand-name clothes or carry high-end ba...