Chapter 5

816 45 17
                                    

After class.

Kasabay ko sana umuwi si Jules kaso mukhang nagmamadali siya kanina after ko siya hintayin outside their classroom. Humanista kasi ang ate niyo kaya nasa left side pa ng main building ang mga classroom ng HUMSS.

Kasalukuyan kong hawak ang phone ko, kausap si Jules sa Messenger na todo ang paghingi ng sorry. Siya kasi ang nag-suggest na sabay kami umuwi ngayon pero nagkaroon ng biglaang emergency sa kanila kung kaya't hindi niya na 'ko nasabayan pa at nauna na siya.

Malayo siya sa mga classroom ng STEM strand pero hindi naman naging abala for me yung paghihintay sa kanya. Naiintindihan ko din naman. I just laughed at her last message and said goodbye before putting my phone away.

Nasabi ko na rin ba na kasalukuyang umuulan? And the worst part is.. wala akong dalang payong. Hep- always ready ako, okay? Nagkataon lang na hindi ko inaasahan na uulan ngayon dahil sa sobrang tirik ng araw kanina. Hehe.

I have no choice kundi ang maghintay na humina ang ulan bago lumabas ng campus. Okay lang sana kahit mabasa ako pero itong mga librong dala ko? No way. I'd rather get sick than have my books ruined by the rain.

But the case here is- just like Jules, kailangan ko na rin umuwi. Nagmamadali ako umuwi. Hindi dahil may emergency sa bahay kundi dahil kay Harold. After kasi namin mag-usap ni Jules sa Literary Club kanina ay nag-oo ako, of course.

They're both my friends, but seeing Jules kanina- mukha siyang takot na takot na sobrang worried na hindi ko alam kung bakit. Nagtataka rin ako kung anong meron sa 4th floor at talagang pinapapunta pa 'ko ni Harold sa gymnasium.

Pero sa ngayon, kailangan na talaga tumila ng ulan para makauwi na 'ko at hindi na kami magkita pa ni Harold o ng mga kaibigan niya. I'll face him tomorrow na lang since I can't think of any more excuses right now kung bakit ko siya hindi sinipot.

Nanatili akong nakatayo sa may bukana ng building, pinapanood ang paglabas at pag-unti ng mga estudyante para umuwi. Nakita ko rin ang isa sa mga pinsan ni Josh- si Ken na nasa STEM strand din at madalas kong makita sa hallway.

Bakit kaya hindi kasama ni Josh yung iba niyang pinsan?

Napanguso na lang ako dahil ano bang pakialam ko sa bagay na 'yon? Hindi lang siguro close si Josh sa ibang Le Feuvre o talagang mas gusto lang niyang mag-isa palagi.

Pero parang nakakalungkot naman kapag ganon 'no? Minsan hindi ko maiwasang isipin na parang ang lungkot ng buhay ni Josh. Although hindi ko naman siya palaging kasama para masabing ganon nga ang sitwasyon niya. Gayunpaman, bakit palagi siyang walang kasama sa tuwing nagkikita kaming dalawa?

But again, it's not my business.

While waiting and looking around, bigla na lang akong napaayos ng tayo when I recognized a figure walking down the hallway toward me. Hindi na 'ko nag-aksaya pa ng oras at saka nagmamadaling umalis sa pwesto ko bago niya pa 'ko makita.

Pero mukhang napansin niya pa rin ako.

"Dottie?"

Gusto ko sampalin ang sarili ko dahil talagang lumingon pa 'ko sa gawi niya instead of just walking away. Tuloy ay nagkasalubong ang mga mata naming dalawa at nagsimulang bumilis ang bawat hakbang niya kaya tumakbo na 'ko.

"Dottie!"

Sorry Harold, pero bukas na kita kakausapin.

I went straight to the girls' restroom area to hide for a moment. Once I was sure Harold couldn't see me, I came out, hingal na hingal sa ginawa kong pagtakbo.

Opposites CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon