Chapter 18

637 38 7
                                    

"OMG! DOTTIEEEEEEE!"

Gulat, agad akong napatingin sa bukana ng pinto ng classroom nang marinig ang tili ni Kristy. Maging ang mga kaklase ko ay napatingin din doon dahil sa agaw atensyong ginawa niya. Hindi pa man ako nakakatayo mula sa kinauupuan ko ay may biglang pumasok na lalaki sa loob ng classroom namin.

"Pwede ko bang hiramin muna si Top 1 niyo?"

Almost everyone turned to look at me when Harold said that. Yes, Harold is the guy who just walked in. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito o anong kailangan niya sa'kin, pero nahihiya na 'ko sa mga nakukuha kong atensyon sa iba.

Lalo pa't may halong asar ang mga tingin nila.

Jusko.

"Top 1? Tsk. The question is.. can she maintain her spot?"

Nang marinig ko ang boses na 'yon ay agad akong napatingin sa direksyon niya. Sa direksyon ni Josh. Nakaupo lang siya sa upuan niya habang ang mga mata ay nakatutok sa phone niya. Pansin kong nakasuot rin siya ng earpods kaya paanong narinig niya ang sinabi ni Harold?

Sabagay, baka malakas lang talaga ang pagkakasabi ni Harold.

Pero wait- anong sinabi niya?

I heard Harold scoff. "Why? Is there anyone better than Dottie? For me, siya ang pinaka magaling at matalinong nakilala ko."

Natigilan ako matapos 'yon sabihin ni Harold. Pero muling nabalik ang tingin ko kay Josh nang mapansing ibinaba niya ang kanyang phone at nakatingin na siya ngayon kay Harold, ganoon rin si Harold sa kanya.

Oh no.

As you can see, wala kaming teacher ngayon dahil lahat ng teachers ay nagkaroon ng biglaang meeting dahilan para lahat ng klase ngayon sa iba't-ibang strands ay may free time. Ito din ang rason kung bakit nakapunta si Harold dito.

"It’s because you like her. But the question is, does she like you?"

I could see the shock in my classmates' eyes when Josh said that. Even Kristy glanced at my direction to confirm kung totoo ang narinig niya mula kay Josh. I was surprised by Josh’s words too; I didn’t expect him to find out about that.

Pero paano?

I noticed Harold's fist clench. Bago pa man uminit sa loob ng classroom at magkaroon ng gulo ay kaagad na akong tumayo para lapitan si Harold. Kaagad ko siyang hinila palabas ng classroom at nagpahila naman siya.

"Harold.."

I faced him and noticed the sudden change in his expression. Hindi na inis ang nakikita ko mula sa kanya kundi lungkot. Ngumiti lang siya sa'kin at saka bumuntong hininga.

"I hate how he’s right."

Hindi ako nakasagot.

Muli ay nagsalita siya. "Don’t you really want to give me a chance to show you that my feelings for you are serious and genuine?"

Umiwas ako ng tingin. "Napag-usapan na natin 'to, Harold."

After I spoke with Jules the day she thought there was something between Harold and me, kaagad kong hinanap si Harold para 'wag na magpasikot-sikot pa saka sinabi sa kanya ang katotohanang hindi ko kayang suklian ang nararamdaman na mayroon siya para sa'kin.

Opposites CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon