"Dottie, I just noticed. Jules hasn't been joining us for lunch lately."
Natigil ako sa pag-inom ng juice ko saka inilapag ito sa table. I took a deep breath as I smiled faintly. Hindi ko nga pala naipaliwanag sa kanila ang mga nangyari. Hindi din naman kasi sila nagtanong, siguro hinihintay lang nila akong magsabi.
"Kinakausap ka ba niya?" Tanong ko sa kanya at dahan-dahan naman siyang tumango.
"Yeah. But when you're around, she barely talks and hindi ako gaanong pinapansin." Sagot niya.
Mukhang kailangan ko na sabihin sa kanya ang totoo.
"Don't worry, hindi naman dahil sa'yo kung bakit parang ang distant niya. Ako talaga ang may kasalanan." Paninimula ko.
Kristy looked at me, confused. "Is this why she said those words sa'yo?"
Tumango ako, "mhm, akala niya kasi may namamagitan sa amin ni Harold. I explained the truth to her, pero hindi ako sure kung pinaniwalaan niya ako." Kumunot ang noo ni Kristy pero hindi siya nagsalita kaya muli akong nagpatuloy. "After ko kasi siya kausapin about this, hindi niya na ako pinansin. Miss ko na siya kausap at kasama, sa totoo lang."
"Hold on. Ano naman sa kanya if there's something between you and Harold? You two look good together kaya! I even ship you more with Harold. Si Josh? No, thanks. My bestie deserves someone who will take care of her gently." Sunod-sunod niyang pananalita.
"Kristy, hindi ko gusto si Harold." Sagot ko at natigilan siya.
"Why?"
Umiling lang ako. Sasabihin ko ba sa kanya na kinain ko ang mga sinabi ko noong una? Na ang lalaking una nilang shiniship sa akin at sinasabihan niyang hindi ko deserve ay siyang gumugulo sa isipan at puso ko ngayon?
Hindi ako sumagot. Sumimangot lang si Kristy hanggang sa maya-maya ay lingunin niya 'ko na may gulat sa mukha. Mukhang may narealize siya kaya napakunot ang noo ko.
She slightly leaned closer to me and slowly spoke. "Kaya ba big deal kay Jules if there's something between you and Harold is because.."
Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, naghihintay lang siyang dugtungan ko 'yon para i-make sure kung tama siya ng naiisip ngayon. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ko, muling naalala ang sinabi sa'kin ni Jules na hindi alam ni Kristy ang about dito.
Ayoko rin na ako mismo ang magsabi dahil baka mas lalong magalit sa akin si Jules. Hindi ko gustong mas lumayo ang loob niya sa akin dahil sinabi ko sa iba ang sikreto niya. Pinagkatiwalaan niya ako at hindi ko 'yon ibubulgar kahit kanino.
Hahayaan kong sila na mismo ang makatuklas ng totoo o si Jules mismo ang magsabi sa kanila ng katotohanan.
"Dottie?"
Kristy was still waiting for me to speak, her eyes questioning. I glanced at my phone on the table and picked it up.
"Uh.. may nag-chat sa'kin, kailangan raw ako sa Literary Club right now. Sorry, Kristy. Mauna na ako."
I didn't wait for her response and quickly walked out of the cafeteria. Clearly, that was just an excuse to avoid Kristy's questions. Ghad. Pasenya na talaga Kristy, pero hindi talaga ako pwedeng magsalita.
After getting far enough from the cafeteria, I slowed down my pace in the hallway. Gusto ko sana pumunta sa Literary Club kagaya ng sinabi ko kay Kristy ngunit natigilan ako nang makarinig ako ng mukhang nagtatalo.
BINABASA MO ANG
Opposites Collide
Teen FictionLe Feuvre Cousins Series 1 Unlike most of the students at MAPA University, Dorothea Lu "Dottie" Santiago doesn't come from a wealthy or famous family. She doesn't drive to school in a fancy car, wear expensive brand-name clothes or carry high-end ba...