Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong hininga ngayong araw.
Si Harold na nasa kabilang table ay mukhang napansin din 'yon. We're currently in the Literary Club, taking care of the things that need to be addressed in the club. Narealize ko lang rin kanina na ang tagal na pala since last ako nag-share sa Pen & Page.
Madami na pala akong mga bagay na halos hindi na naasikaso. Kanina pa rin ako nagtatry na mag-review sa ibang subjects namin para sa darating ngang third quarterly examination. Pero bigo ako dahil ang utak ko ay kung saan-saan napapadpad ngayon.
"You look lost. What else do you need to do for the club so I can help you and makapag-focus ka na sa pagrereview." Rinig ko ani Harold pero umiling-iling lang ako.
"Salamat, pero tapos na din naman ako sa part ko. I checked everything that needed to be checked and monitored. So far, there aren’t any problems or issues. Good news din, mas marami na ngayong students ang naka-follow sa blog natin." Sagot ko at napangiti naman siya.
"Yeah, I saw that earlier. Congrats to us, labas kaya tayo?"
"Huh?"
Napakamot siya kanyang ulo. "I mean- labas tayong lahat ngayon. Hindi pa naman tapos ang lunch time. My treat, basta kasama ka."
Natawa ako pero agad rin na umiling. "Pasensya na Harold, pero hindi muna siguro ako makakasama. May kailangan akong gawin."
"Magrereview ka?"
"Pupuntahan ko si Josh."
I noticed he froze, and the smile that was on his lips turned into a thin line. "You still consider him a friend after everything he did to you? Is that how much you really like him-"
I immediately signaled him to stop whatever he was about to say. Luckily, he understood right away. He just shook his head, and I sighed again.
"I tried na umiwas na sa kanya, Harold. Pero mukhang ayaw makipag-cooperate sa'kin ng tadhana." Nasabi ko na lang na nagpakunot ng noo niya.
"What do you mean?"
I smiled faintly and shook my head. His eyes were still questioning, but he didn’t ask again, marahil ay napansin niya ang pananahimik ko bigla. Mabuti na din 'yon dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang mga nangyari.
Bakit ba ako pumayag sa ganitong setup?
Kinuha ko ang phone ko at saka tiningnan ang oras. Ilang minuto na lang pala ay matatapos na ang lunch. I quickly looked at Harold and said I needed to head to the classroom. He just smiled at me, and after that, I left the Literary Club.
Dala-dala ko sa kanang kamay ko ang isang paper bag na naglalaman ng pagkain na sabi ni Yumiko ay mga paborito raw ni Josh. Yes, this was her way of easing the guilt she felt.
By giving Josh some of his favorite things.
Honestly, if I think about it, I could still avoid Josh while helping Yumiko. I just needed to give him these things at 'wag sabihin kung kanino galing. Easy, right? Then pwede na ako umalis at magpatuloy sa paglayo sa kanya.
Yes, tama.
Nagtagal 'yon ng isa, dalawa, hanggang sa ilang linggo na ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Opposites Collide
Teen FictionLe Feuvre Cousins Series 1 Unlike most of the students at MAPA University, Dorothea Lu "Dottie" Santiago doesn't come from a wealthy or famous family. She doesn't drive to school in a fancy car, wear expensive brand-name clothes or carry high-end ba...