Chapter 6

840 49 6
                                    

Tahimik lang akong pinapanood sila Mama at Josh na nagkwekwentuhan. Ang dami kasing tanong ni Mama kay Josh at sinasagot naman siya ni Josh palagi, with a smile pa nga e. Feeling ko tuloy naging hangin ako bigla dito sa tabi.

Nalaman ko rin na hindi pala kumakain si Josh ng chicken mami, this was his first time trying it. Hindi na din naman dapat ako magulat dahil first of all- mayaman siya. Pero ang ikinagulat ko lang ay ang pagkain niya ng chicken mami despite never having tried it in his entire life.

Nahihiwagaan talaga ako sa mga inaakto ni Josh sa harapan ng mama ko. Anong nangyari sa lalaking 'to?

"Sobrang bait mo namang bata."

Muntik pa 'ko masamid habang nainom ng tubig matapos 'yon marinig sa bibig ni Mama. Agad naman hinimas ni Mama ang likod ko para matigil.

"Dahan-dahan sa pagkain, anak."

"Opo."

Napasulyap ako kay Josh na kasalukuyang sumusubo ng chicken mami. Kanina ko pa talaga siya pinagmamasdan, inoobserbahan ang bawat kilos at galaw niya. And for someone na rich kid na hindi kumakain ng mga ganitong pagkain, nakikita ko naman kay Josh na nasasarapan siya sa luto ni Mama.

I'm glad.

Natapos kami kumaing tatlo at agad kaming sinabihan ni Mama na siya na ang magliligpit at maglilinis ng pinagkainan namin. I even insisted on doing it myself, but she said I should accompany Josh here at the dining table at ihatid siya palabas ng bahay maya-maya.

Tuloy ay naiwan kaming dalawa ni Josh sa lamesa dahil agad na tumayo si Mama para pumunta sa kusina. Lumapit ako ng kaunti kay Josh para harapin siya dahilan para mapatingin siya sa'kin, tinaasan niya ako ng kilay.

"You've been staring at me kanina pa. That's rude, you know?" Paninimula niya.

"Sorry naman. Pero kasi.. nagtataka lang ako," pagsasabi ko ng totoo. "Nasaan yung Le Feuvre na sobrang sungit?"

He didn't answer me, so I moved closer, which slightly surprised him. He turned his face away from me while I kept staring at him. Agad nagsalubong ang mga kilay niya matapos ko siyang mahinang sampalin sa pisngi.

"What the fuck?" Mahina pero madiin niyang bulaslas.

"Hindi ka naman sinasapian?" Nagtatakang tanong ko.

"What are you talking about?" He replied angrily, and then he pushed me away lightly.

Napanguso ako dahil mukhang ayaw niya talaga ako sagutin ng maayos. And now he just stared at me with a look of disgust on his face and stood up, mukhang uuwi na ata siya.

"Wait!" Nakita ko kasi siyang nagsisimula na maglakad papunta sa pintuan. Iritado niya 'kong nilingon.

"What again?"

"Bakit ka aalis agad?"

"What else am I supposed to do here?" He answered saka pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng bahay namin.

I couldn't help but be offended by what he did, pero hindi na 'ko umimik. Bakit ko pa kasi tinanong 'yon? Well, ineexpect ko lang naman na sana magpaalam siya kahit kay mama man lang. Pero baka nga mali ako ng iniisip.

Baka nga pinaplastik niya lang si Mama.

I walked ahead to the door, opened it, and looked at him. He looked at me for a moment before he started walking closer. Akala ko may sasabihin pa siya pero nagpatuloy rin siya sa paglalakad palabas.

Hindi na 'ko umimik pa. Hindi ko na rin siya nilingon pa o hinintay man lang na makasakay sa kotse niya dahil agad ko na sinarado ang pintuan.

-

Opposites CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon