Chapter 9

767 43 34
                                    

"Sabi ng mga teachers wala daw prototypes."

"Mhm."

"That's a great news, mababawasan worries natin. We just need to focus on theoretical knowledge and possible applications." Ani ko saka tumingin sa kaharap ko na seryosong nagtatype sa laptop niya.

"Let's just continue reviewing the major technological advancements over the past decade. It might help us anticipate what kind of questions they'll ask."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Naisip ko din 'yan. Plus, we could also include some case studies to back up our points."

"Sure. Whatever works." Tipid niyang sagot, hindi pa rin ako nililingon.

Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa marealize ko na lang ang sarili ko na ngumingiti ng wala sa sarili. Kaagad akong umayos ng upo saka ibinalik ang tingin ko sa screen ng iPad, clearing my throat.

"Ako na sa AI and blockchain technology, you can cover quantum computing and the Internet of Things. Okay lang ba sa'yo 'yon?"

"Works for me. We should also prepare for some curveballs. They might test our problem-solving skills with unexpected questions."

"Yes," agad kong sagot. "It'll be like a mental workout. We can do some mock questions din after natin sa mga parts natin."

"Make sure you're thorough with your parts. We can't afford any mistakes."

"Noted." Nakangiti kong sagot saka muling tumingin sa direksyon niya, ngunit hindi ko inaasahang nakatingin na rin pala siya sa'kin dahilan para magsalubong ang mga mata naming dalawa.

And I didn't know why, but him, wearing those glasses? There was something that pulled me in, and I couldn't take my eyes off him. Ang serious ng face niya at parang anytime ay kukunot na naman ang noo niya pero ang sarap niya pa din pagmasdan.

Wait- what!?

Agad kong inalis sa utak ko ang thoughts na 'yon at mabilis na iniwas ang tingin sa kanya. Hindi ko na din maintindihan ang tibok ng puso ko ngayon. Kinakabahan ba 'ko? Pero bakit naman ako kakabahan nang dahil lang dito?

Ano bang nangyayari sa'kin?

Sinubukan ko na lang i-focus ang sarili ko sa ginagawa ko at hindi na muling sumubok lumingon sa kanya. Hindi ko din alam kung anong ginagawa niya ngayon, pero for sure naman ay busy rin siya.

Habang nagtatype ng informations sa iPad, muling bumalik sa alaala ko ang nangyari sa'kin kanina. My fingers stopped moving, and I stared at the screen for a long time, letting my thoughts wander.

Kinakabahan talaga ako.

It wasn't new for me to join competitions like this, and it wasn't new to feel this way whenever I was under pressure. May tiwala ako sa sarili ko but at the same time.. hindi ko na alam. Hindi talaga ako mapakali sa bawat araw na papalapit na ang quarterly exam at competition.

"After this quarter, you'll lose the top spot. You will never feel the pressure anymore."

Gulat akong napatingin kay Josh matapos marinig 'yon. Hindi ako sumagot habang siya ay patuloy lang sa pagtatype sa laptop niya, ang mga mata ay naka-glue sa screen.

Opposites CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon