Prologue

324 77 21
                                    


DISCLAIMER
(Please Read)

This story has mature themes and strong language that you might find disturbing. Read at your own risk.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

However, there are some characters here that really exist in real life because this is requested by my best friends, that is why I included them in this story.

This is also dedicated as a birthday gift to Alyana Grafil, one of my best friends, she will be the leading lady. Hopefully, she will like this. I love you.

By the way, to also avoid confusion, Kristine, Kristina, Tine, Dianne, or Dana is the same person. In real life, we often call her different names.

Happy Reading

P.S

The amateur writer is on the loose!

——————————————————

Bakit ba ganito kasakit?

"Alyana?" Narinig ko namang kumakatok si mama sa pinto ng kuwarto ko. "Nandito sila Tine. Gusto kang makausap."

Pinunasan ko muna iyong mga luha ko bago ako bumangon sa kama para pagbuksan sila ng pinto. Halos isang linggo akong nagkulong dito. Lalabas lang ako kapag kakain o maliligo pero wala akong kinakausap.

Sinubukan na'kong kausapin ni mama pero sabi ko ayaw ko muna pag-usapan. Masyado pang masakit para pag-usapan. "Uy, bal." Niyakap naman ako agad ni Dana nang makita niya ako.

"Pasok kayo," tipid kong sinabi nang kumalas ako sa yakap niya. Mas binuksan ko 'yung pinto para makapasok silang tatlo. Nginitian ko lang si mama para malaman niyang okay lang ako nang bigyan niya ako ng nag-aalalang tingin. Nginitian niya na lang ako pabalik bago niya kami iniwan.

Umupo ako sa upuan na nasa study table ko habang si Dana at Annika naman naka-upo sa kama, at si Meg nanatiling nakatayo habang nakasandal sa pader.

"Ano? Inom tayo?" panimulang tanong ni Dana.

Hinagis naman ni Meg 'yung bag kong walang laman sa kaniya. "Gaga ka talaga. Ayan pa ibubungad mo?"

"Sorry naman! Biro lang, e."

"Ice cream na lang, matutunaw na 'to kapag hindi pa natin kinain." Nilabas naman ni Annika ang isang tub ng cookies and cream mula sa isang eco bag. Pinatong niya ito sa study table ko.

"O, ano? Gusto mo na bang pag usapan 'yan? Halos isang linggo k ana nagmumuni-muni ah," sambit ni Dana habang sumasandok ng ice cream para sa'min matapos humingi ng mga mangkok at kutsara kay mama.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Sa loob ng dalawang taon, hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya 'yon." Naramdaman ko na naman 'yung bigat ng maalala ang away namin bago kami naghiwalay.

Bakit parang ang dali-dali lang para sa kaniya?

"Alam mo, Alyana, 'wag mo na iyakan 'yon. Sapat na 'yung isang linggo pero magmula ngayon, mag-move on ka na," pagbibigay payo ni Meg habang sumasandok ulit ng ice cream. "Saka hayaan mo na 'yung gagong 'yon. 'Wag mo na habulin."

"Wala akong balak na habulin siya sa Seoul," walang emosyon kong sagot na tinawanan naman nila.

"Dapat lang!"

"Itutuloy niyo ba 'yung plano na sunugin lahat ng anik-anik nila sa relasyon?" tanong ni Annika bago sumubo ng ice cream.

"Oo naman. Tutuloy natin 'yon! Nasaan na pala, Alyana?" tanong ni Meg at tinuro ko naman na nasa ilalim ng kama.

Hinila naman ni Annika 'yung box sa ilalim bago binuksan. Naroon lahat ng love letters, tuyot na bulaklak, pictures, damit, at stuff toy na binigay niya. Lahat ng alaala namin nasa box na 'yon.

"I-donate niyo na lang 'yang damit pati stuff toy," suggest naman ni Dana habang nakasandal sa study table ko at kumakain.

"Sakto! May ka-blockmate akong may charity work ngayong bakasyon," sagot naman ni Annika.

"Blockmate mo? Archi student din ba? Pogi?" Sunod-sunod na tanong ni Dana at nakita kong napasapo na lang sa noo si Meg.

"Blockmate ko nga, 'di ba? Maghanap ka ng sariling pogi," sagot ni Annika.

"Mag-do-donate lang naman ako!"

"Tapos pati sarili mo ido-donate mo na rin?" Patuloy lang ako kumain at hinayaan sila magtalo.

"Syempre."

"Abang haharot niyo naman," sambit ni Meg habang kumukuha na naman ng ice cream. "Akala ko ba may nanliligaw na sa'yo, Annika?"

"May nanliligaw na sa'yo?" napatanong ako kasi hindi ko alam! "Gano'n ba ako katagal nawala?"

"Oo! Outdated ka na," Sagot naman ni Annika sa'kin. Siguro nga ganoon na ako katagal nagmumukmok dito.

"Tara sa labas. Sunugin na natin 'yan," sagot ko pagka-ubos ko ng ice cream saka kinuha ang box. Agad namang binuksan ni Meg iyong pinto at natutuwa sa determinasyon ko.

"Ako na bahala sa lighter!" dinig kong sabi ni Meg sa likod ko at dinig kong excited siya para suportahan 'tong ideyang 'to.

Lumabas kami ng bahay at pumunta sa may lupa na walang damo saka ko binuhos lahat ng laman. Kinuha naman nila 'yung mga puwedeng i-donate at binalik sa box.

Sinindihan ni Annika ang cardboard na puro picture namin. Ang sakit-sakit isipin na lahat ng 'yon parang kinalimutan na niya. "Do the honors, Yana gorl." Binigay niya sa'kin para sunugin na ang lahat ng alaala namin. Napabuntong-hininga ako bago 'yon kinuha sa kaniya.

Ito na talaga. Kakalimutan na kita.

Umupo ako at nilagay roon ang nakasinding cardboard. Pinanood namin kung paano unti-unting nasunog lahat at naging abo. Naghiyawan naman sila Meg at pumalakpak dahil dati ayaw ko gawin 'to.

Kung madali lang para sa kaniya itapon lahat 'to, hindi ko na dapat pahirapan ang sarili panghinayangan lahat ng pinagsamahan namin.

Paalam...

————————————————

Alyana's Wattpad account: asawanikuyaroel

Written on April 5th, 2020

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon