SPECIAL CHAPTER

164 65 92
                                    


"JK!" Agad naman akong napadilat at tinanggal ko ang headphones saka bumaling sa schoolmate kong si Vincent. Nahilo ako habang nag-a-adjust 'yung paningin ko sa nakakasilaw na liwanag mula sa labas.

Ngayon ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng classroom na bakante sa ngayon. "Huy! Nakikinig ka ba?" Napatingin ulit ako kay Vincent habang nanliliit pa rin ang nga mata ko.

"Ha? Ano ulit sinasabi mo?"

Tinawanan naman ako nito bago nagsalita ulit. "Ang sabi ko 'yung cute mong misis nasa labas at hinahanap ka! Kanina ka pa sabog d'yan."

"Si Alyana?" Nagising agad diwa ko at tumayo para ligpitin ang mga gamit saka sinukbit ang bag.

"Ayan! Gising na gising ka agad!" natatawa nitong pang-aasar.

Tinawanan ko na lang din siya at tuluyan na'kong lumabas. "Hi." Naabutan ko naman siyang nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. Bagay talaga sa kaniya 'yung all white uniform nila.

Nginitian ko siya at masuyong dinampian ng halik sa labi. "Hi," I greeted back as I pull away from the kiss. Nakarinig naman kami ng pang-aasar mula sa mga ka-blockmate kong lalaki.

"'Yon oh!"

"Sana all!"

"Hoy, JK! PDA!"

"Bawal 'yan dito!"

Nasundan naman ito ng halakhakan na tinawanan ko na lang din. Agad ko siyang inakbayan na para bang ito ang paraan para markahan siya bilang pagmamay-ari ko. 

Sa'kin naman talaga siya.

As we got outside the building, she held my wrist and pulled me. "Saan tayo pupunta?" Tinawagan ako kanina ni Alyana at tinanong kung kailan daw vacant ko at sinabi ko ngayon. Bigla ba naman ako sinundo sa classroom namin.

Dinala niya ako sa botanical garden ng UST. Nagkalat dito ang mga puno at halaman pati mga sementong upuan. May mga lamesa rin kung saan tumatambay ang faculty at students. Maaliwalas ang lugar dahil sa halos puro berde ang makikita mo.

Pumunta kami sa isang lamesa at doon naghihintay ang isang papel na binigay naman niya sa'kin. Pinagmasdan ko ang nakaguhit na Narra tree na may dilaw na mga bulaklak. Tumingala ako at napagtanto na nasa ilalim kami ng puno na nasa drawing.

"Ikaw gumawa nito?" tanong ko. Tumango siya at nagpipigil na siya ng tawa. Kinunutan ko siya ng noo habang nangingiti sa itsura niya. "Ano'ng nakakatawa?"

"Natatawa lang ako sa reaksiyon mo. Hindi mo gets? Dito tayo unang nagkakilala."

I smirked at her in amusement at tinignan ang paligid. "Ah, 'yung mga panahong crush na crush mo'ko?" Hinampas niya naman ako sa braso.

"Ang kapal!" Tinawanan ko naman siya bago ko siya inakbayan. Lumapit naman ako sa tainga niya para bumulong.

"Crush mo rati, boyfriend mo na ngayon."

"Ano ka ba, JK? Ako lang 'to!" malakas akong natawa sa pagmamalaki niya.

Nasaan na kaya 'yon?

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon