Chapter Four

172 73 54
                                    


Pagkagising ko lumabas ako ng kwarto para pumuntang banyo pero natigilan ako nang marinig ang mga nag-uusap sa baba. 7AM pa lang nang umaga, natuto at nasanay na'ko matulog at gumising nang maaga dahil sa trabaho. Sinuot ko ang specs ko at lumapit nang kaunti sa hagdan para marinig ang usapan.

"Hindi ko po talaga ginusto ang nangyari rati pero sana po pagbigyan niyo 'ko." Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang boses ni JK.

Pumunta siya rito?!

Agad naman ako naghilamos at nag-toothbrush bago dahan-dahang bumaba. Abroad si Kuya Vince habang si Kuya Neil naman mamayang gabi pa ang uwi galing trabaho. Kaya mga magulang ko ang kausap ni JK.

Kinakabahan ako.

"JK? Ano'ng ginagawa mo rito?" Agad ko namang naagaw ang atensyon nila. Nasa dining room sila at halatang kakatapos lang kumain ng umagahan.

Tumayo si mommy at lumapit sa akin. "Alyana, sinabi niya na sa'min lahat." Tinignan niya ako ng may makahulugang tingin. "Ilang taon na rin naman ang lumipas, alam mo na rin daw ang totoo. Nanghihingi siya sa'min ng pagkakataon."

Shit, kinakabahan na talaga ako.

Napatingin si mommy kay tatay at tumango naman ito na parang nag-uusap sila sa mata. "Napag-usapan namin ng daddy mo na ikaw na bahala magdesisyon para sa sarili mo. Big girl ka na at may tiwala naman kami sa'yo," nakangiti niyang sinabi sa'kin.

"Gusto kang hiramin ni JK ngayong weekend," tinignan ko si tatay nang magsalita siya. "Alyana, ilang taon ka na ring nagbababad sa trabaho. Pagbigyan mo na."

Hindi ako makapaniwala na pumapayag na sila.

Namalayan ko na lang ang sarili na nag-e-emapake ng damit na gagamitin. Naligo na'ko at naghanda sa pag-alis. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kahapon at sa mga nangyayari ngayon.

Pag katapos ko magpaalam sa mga magulang ko ay lumabas na kami sa bahay. "Saan mo naman ako balak dalhin?"

"Basta," tipid niyang sagot habang nakangiti sa'kin. "Akin na 'yung gamit mo." Inabot ko naman sa kaniya ang bag ko. Napangiti na lang din ako habang naglalakad kami palabas.

"Wait here. Medyo malayo kung saan ako nag-park. Kunin ko lang 'yung sasakyan." Tumango ako sa kaniya saka naman siya lakad-takbong umalis.

Ilang minuto ako naghintay. "Alyana!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko na agad ko namang nilingon.

"Kuya Roel? Ikaw pala 'yan." Nginitian ko siya habang papalapit siya sa'kin gamit ang bisikleta. Schoolmate ko siya rati sa UST na lumipat malapit dito sa village namin.

"Umuwi ka na pala? Kailan pa?" Nginitian niya rin ako nang tinigil niya ang bike sa harap ko.

"No'ng isang araw lang," sagot ko. Nagulat ako nang biglang bumusina nang malakas si JK. Tumigil siya sa harap namin.

"Sino 'yan?" Nagtatakang tanong ni kuya Roel.

"Ahh si ano.." Sinubukan kong mag-isip. "Driver lang namin." Bumusina ulit ito nang malakas. Ano ba'ng problema nito?

"Ah, sige. Mukhang nagmamadali 'yang driver mo. Sakay ka na," sabi nito. Alanganin na lang akong ngumiti sa kaniya. "Una na'ko." Tipid siyang ngumiti pabalik hanggang sa tuluyan na siyang umalis.

Sumakay naman ako agad at pinaharurot niya na ang sasakyan. "Ano ba'ng problema mo?"

"So, I'm your driver?" tanong niya. Ngayon ko lang naalala ang sinabi ko kanina.

"What do you expect me to say? Undercover ka, 'di ba?" he just scoffed with what I said. Bahagya akong natawa dahil sa reaksyon niya.

"So.." This is officially my first attempt to start a conversation to break this silence of awkwardness. "Kayo ba talaga ni Xyla?"

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon