Chapter Two

182 79 49
                                    


"Again? I've never ran away from you before. It's not running away but it's called leaving. Kung usapang nang iwan, ugali mo 'yon at hindi sa'kin."

Bastos! Sinaraduhan ba naman ako ng pinto! Wala lang siya masagot dahil totoo naman ang sinasabi ko. Pagsakay niya sa driver's seat ay agad ko siyang tinignan. "Where are we going?"

"Sa condo ko." Agad niyang pinaandar ang sasakyan at lumabas na kami sa parking lot.

"Condo? Alin doon?" Ang alam ko marami siyang condo pero hindi ko alam kung saan siya nakatira. Bakit ko pa aalamin kung wala naman akong paki?

"'Yung condo ko four years ago."

Agad akong natigilan. "Binenta mo na 'yon, 'di ba?"

"Binili ko ulit." Tinignan niya ako pero iniwas ko na 'yung tingin ko at nilibang ang sarili sa kung ano mang meron sa bintana.

Ano ba kasi 'tong pinasok ko?

Pagka-park niya ay sinuot niya ang itim na mask at ball cap. Oo nga pala, undercover siya. Pagkababa ay hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila papasok sala kami dumiretso sa elevator.

Marahas kong hinigit ang palapulsuhan ko at humalukipkip habang tinititigan ang pag-akyat ng numero sa bawat palapag. "Attitude ka ah," aniya. Hindi ko siya pinansin nang tawanan niya ako.

When we got into his condo, I roamed my eyes around. Mas malinis, may ilang nabago sa interior design at sa mga gamit. But those changes wouldn't erase the memories of us that this condo witnessed four years ago.

Bumalik sa kaniya ang atensyon ko nang marinig kong ni-lock niya ang pinto.

"Kailangan i-lock?"

Nagkibit-balikat siya habang tinatanggal ang disguise. "Safety first." He bit his lower lip to stifle a laugh.

Wow. Safety first ba 'yon? Siraulo ba siya? Prang mas safe pa'ko sa labas kaysa rito sa loob kasama siya.

"So anong pag uusapan?" Tinignan ko 'yung orasan ko tyaka binalik ang tingin sa kanya. "Bilisan mo at may lakad ako mamaya."

Umupo ako sa sofa habang nasa harap ko naman siya. "How's New York?"

"Don't pretend as if we're old time friends who are catching up with each other's lives. Ano 'yan? Kamustahan na parang walang mabigat na nakaraan? I don't have enough time to listen to your bullshit, JK. So, better get straight to the point."

He held up his hands as if he was about to surrender. "Alright, take it easy tigress." Medyo natawa siya. Akala niya ba biro 'to? Sumeryoso siya bigla dahil siguro sa walang emosyon kong reaksyon.

Pinatong niya ang mga siko sa kaniyang tuhod at tinignan akong mabuti. Halatang hindi niya alam paano sisimulan.

"I know you wouldn't believe me, but I never really cheated on you," matalim ko siyang tinignan ng seryoso niya iyong sinabi.

"Nanggaling 'yon mismo sa bibig mo. You can't just undo whatever you said in the past."

"Sorry, darling, but I think I just did. And I'm not expecting you to instantly believe me. I know you well enough."

"Bakit ka ba ganito? Ano'ng nangyayari sa'yo? Ano'ng nangyayari sa'tin?" puno ng hinanakit ang bawat tanong ko habang hindi niya ako kayang tignan nang diretso. Nakatingin lang siya sa baba.

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon