Chapter Three

174 76 62
                                    


"Bal!" napalingon ako sa pamilyar na matinis na boses ni Dana pagkapasok ko rito sa Mcdo.

Lumapit ako sa lamesa nila, agad naman akong sinalubong ni Meg ng yakap. "Hoy, na-miss kita."

"Dali ako rin." Natawa ako at binigyan din ng yakap si Annika. Tinignan ko na lang si Dana. "Nayakap naman na kita kahapon kaya okay na 'yon."

"Hoy? Umiyak ka?" Agad ko namang pinunasan ang mata ko dahil sa napansin ni Dana.

"Huh? Hindi ah. Naka-order na ba kayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa, hinintay ka muna namin." Pinag-usapan na namin kung ano'ng mga order ng bawat isa dahil kanina pa raw nagugutom si Meg. Wala namang bago.

"Dahil ikaw ang bagong dating, libre mo," desisyon ni Dana.

"Ay wow dapat sinabi mo nang maaga para naman prepared ako."

"Para hindi ka na rin pumunta?" Tinawanan ko na lang siya bago dumiretso sa counter at pumila. May trabaho naman na ako, hindi rin biro ang kinikita ko sa New York kaya okay lang sa'kin 'tong mga ganitong gastos. Saka minsan lang din ako umuwi.

Pagbalik sa table pinagmasdan ko pwesto namin. Nasa harap ko si Dana habang katabi niya si Meg, at nasa kanan ko naman si Annika. Tahimik lang akong kumakain habang nagku-kwentuhan sila. Hindi ko naiintindihan pinag-uusapan nila dahil lumipad ang isip ko sa mga inamin ni JK kanina.

Napansin nila ang pananahimik ko kaya naramdaman ko agad ang tingin nila sa'kin. Kinuha ko na ito bilang pagkakataon para sabihin 'yung tungkol kay JK. "Guys," panimula ko.

"Kinakabahan na agad ako," Dana exaggerated.

"OMG, buntis ka?" kunyari gulat na tanong ni Annika na may pagtakip pa sa bibig.

"Dios mio, hindi! Ano ka ba." Natawa sila dahil sa reaksyon ko. "Pinuntahan ako ni JK sa ospital."

"Ano?" malakas na sabi ni Meg habang nakakunot ang noo. Sila Dana naman ay natigilan at nanlaki ang mga mata.

Agad ko namang kinuwento lahat ng nangyari. Parang mga timang at kinilig pa sila habang nakikinig. "Ang haba ng hair mo ah!"

"Ano ba, Meg, ako lang 'to," sagot ko. Tinawanan naman nila ako.

"Kaya pala 'yung tear mo lumuluha kanina," biro ni Dana.

"Alam mo magandang headline 'yan. Jaxon Kariu Riego chasing after an anonymous medical technologist!" biro ni Annika. "Hoy, tangina niyo wala man lang kasupo-suporta. Tumawa naman kayo, guys," natawa na lang kami sa huling sinabi niya.

"'Wag ka mag-alala support kita natawa ako roon," sagip ni Dana which is true dahil natawa siya habang umiinom.

"Pero sumagi ba siya sa isip mo nung pauwi ka rito? Hindi mo ba naisip na baka magkita kayo? Alam mo naman siguro na rito ginanap recent concert niya."

"Honestly, oo sumagi siya sa isip ko pero hindi ko naman naisip na pupuntahan niya ako agad," sagot ko sa tanong ni Annika.

"Ayon lang sinabi niya sa'yo?" tanong ni Meg.

"Oo, bakit? Meron pa ba'ng dapat malaman?" tanong ko. Bigla namang nagkatinginan ang tatlo na parang nag-uusap sila sa mata. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "May hindi ba kayo sinasabi?"

Tinikom at tinago ni Dana ang labi niya. Patuloy namang kumain si Annika at iniwasan ang tanong ko. Nakatitig lang si Meg sa'kin habang naghihintay kung sino unang magsasalita.

"Dapat tayo na magsabi. Sa tingin ko hindi sasabihin ni JK sa kaniya," bulong ni Meg kay Dana na para bang wala ako sa harapan nila.

"Ano ba 'yon? Ano'ng alam niyo na hindi ko alam?"

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon