BONUS CHAPTER

140 66 30
                                    


Author's Note: Just a trivia, this was supposed to be the first chapter but I've changed my mind.

——————————————————

"Hello?" sagot ko sa cellphone ko na kanina pa nagba-vibrate sa bulsa ko pero hindi ko masagot dahil nasa klase ako kanina.

"Bal! Sa wakas sinagot mo rin! Nasaan ka ba?!" Nilayo ko agad 'yung cellphone ko mula sa tainga ko. Matinis kasi boses ni Dana.

"Nasa klase ako kanina, nandito pa'ko sa school. Bakit? Ano'ng meron?" kalmadong tanong ko habang dala-dala 'yung makakapal na textbooks. Kakalabas ko lng ng classroom kaya nasa hallways na'ko.

"Lumabas ka! Nandito kami sa campus! Bilisan mo, bal!" Dinig ko 'yung excitement sa boses niya.

"Nasa labas kayo?!" Agad akong napatakbo papunta sa labas. Matagal-tagal na rin kasi noong huli kaming nagkita-kitang apat. "Bakit biglaan namn ata, bal-"

"Oo! Basta bilisan mo! Labyu, bal!" Tapos binabaan na'ko ng tawag. Nang makarating ako sa campus, sinubukan ko sila hanapin sa dami ng tao habang hinihingal pa.

Agad kong nabitawan lahat ng librong dala ko dahil sa gulat at kaba. May bigla kasing pumutok sa gilid ko akala ko baril ayon pala confetti. Napatingin ako kung sino nagputok, si Meg pala habang hawak-hawak 'yung cellphone niya at bini-videohan ako, nakangiti siya at tumuro sa gitna ng campus kaya agad akong napatingin doon.

Kinabahan ako agad nang makita ko si JK doon habang dala-dala 'yung gitara niya. Sa likod niya hawak-hawak ni Dana at Annika 'yung cartolina, at halata ko na agad na si Annika nag-lettering nung "Happy Anniversary, Darling".

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Nanlabo na paningin ko dahil nagtutubig na 'yung mga mata ko lalo na nang magsimula na siya mag-strum habang nakangiti sa'kin.

Napadilat ako at nakita ko ang pamilyar na damuhan. Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtanto kong panaginip lang pala 'yun.

Agad na kumunot ang noo ko nang may marinig akong gitara. Katono ng kantang tinutugtug niya 'yung nasa panaginip ko. Agad akong napabangon mula sa pagkakatungo at nanlaki agad ang mga mata ko kasi nasa harapn ko si JK!

Tangina.

Bistado na ba 'ko nito?

Nakatingin siya sa'kin!? What the fuck?! Kinakabahan na'ko kasi sobrang sabog ko dahil kakagising ko lang! Bahagya siyang natawa habang aliw na aliw sa reaksyon ko. Patuloy pa rin siya sa pag-strum ng gitara niya. Sana all kalmado!

Ramdam kong namula 'yung mga pisngi ko sa sobrang hiya! Agad akong tumayo at inayos ang gamit. "Hala, sorry po. Sorry kung naabala kita. Sige, alis na'ko." I was about to walk away but he suddenly held my wrist to stop me.

Putangina.

Medyo nanginig ako sa kuryenteng naramdaman ko nang magdikit balat namin.

Tangina, naman.

Paano na nga ulit huminga?

I heard him chuckle na naging dahilan para lingunin ko siya. "No, it's okay. Actually, I should be the one to say sorry for waking you up." Shems, englishist. Nalunok ko na ata dila ko kasi nakatulala lang ako sa kaniya. "Ayos lang ba? Samahan mo muna ako?" patuloy niya.

Official na po. Hindi ko na po talaga alam paano huminga. Gusto ko tumili pero syempre nakakahiya 'yon. Totoo na ba 'to? Hindi na ba ako nananaginip?

Ang tanging nagawa ko na lang ay tumango at dahan-dahang umupo ulit sa harap niya. Tipid ulit siyang natawa dahil sa'kin. Ano ba nakakatawa? Hiyang-hiya na talaga ako. "By the way, I am Jaxon Karius, you can call me JK." Inabot niya sa'kin 'yung kamay niya na agad ko namang tinanggap.

Ayan na naman 'yung kuryente. Dapat talaga alam ng Meralco na nakakapag-produce ng kuryente ang tao kapag nahahawakan nila 'yung balat ng crush nila, e. E'di lalo siguro silang kumita. "Alyana," nahihiya kong sagot.

Ngumiti na naman siya. Lord, ayaw ko na! Ang hirap naman nito! Sobrang pagpipigil na ginagawa ko. Kilig na kilig ka pero kailangan mo magpigil. Mas mahirap pa ata 'to sa quiz namin kanina sa Biology.

"So, ayon pala name mo? Alyana. It actually suits you," nakangiti niyang sambit. Mukhang dahil sa kaniya, mas mamahalin ko na pangalan ko.

"May gagawin ka ba?" Hindi ako makasagot. JK, ano ba'ng ginagawa mo sa'kin? "I mean... are you busy? Baka kasi may klase ka pa. Are you sure ayos lang sa'yo na samahan ako?"

"Ha? Wala, mamaya pa next class ko. Ayaw ko lang na istorbohin alone time mo kaya aalis na sana ako." Syempre, papayag ako! Kapal naman ng mukha ko para tumanggi.

Then, he smiled and nods his head.

'Yung puso ko, shet.

Then, he played a song. Then, he sang. Ano ba namang imagination 'to! Feeling ko kasi hinaharana niya ako pero syempre kunyari professional tayo so I kept my kalmado look. But I still smiled para makita niya how I appreciate his music a lot. Ayaw ko lang talaga ipahalatang crush na crush ko siya.

Ang lakas naman kasi ng appeal ni JK kapag kumakanta kaya ang hirap-hirap niyang i-uncrush. Ang talented kasi masyado. "Is it an original?" I asked. Agad naman siyang tumango dahil sa tanong ko.

When he was done singing, I clapped my hands for him then he smiled in return. "Sana all," ayon na lang nasabi ko na ikinatawa namin.

"I was always curious about who you are," aniya as he leaned on the table kaya mas lumapit siya sa'kin as his eyes narrowed into slits.

Agad akong nahiya at kinabahan. Ramdam kong namamawis at nanlalamig na 'yung mga kamay ko. "What do you mean?" Napa-english na lang din ako.

"You're that girl who always sits one table away from me. Ito 'yung spot mo, 'di ba?"

Agad akong natigilan.

Bistado na po ako.

————————————————

Written on April 30th, 2020

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon