Chapter Five

150 72 51
                                    


"Vigan?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Vigan City? As in 'yung nasa Ilocos Sur?" paglilinaw ko. Alam ko namang iisa lang ang Vigan sa Pilipinas pero I just wanted him to confirm.

Agad naman siyang tumango at natawa na naman sa'kin. "Yes, why?"

"Ano'ng yes, why? JK, napakalayo ng Vigan City. That is like 12 hours away from here! Ano 'to? Road trip?"

Natawa lang siya ulit sa'kin. "Kumalma ka nga. Ayaw ko mag-road trip. Baka tulugan mo lang ako. Don't worry, we'll be there before sunset," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Pumarada na siya sa parking lot ng condo at bumaba. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto kaya bumaba na rin ako. "Ano? Before sunset? Ano 'yon? Mag-te-teleport tayo?"

Pinisil na lang niya ang pisngi ko habang natatawa. Sinubukan ko namang pumalag at umiwas dahil masakit! "Cute-cute mo talaga. Tara na nga." Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta na kami sa elevator sa loob.

"Kinakausap pa kita." Pumasok na kami sa elevator at hinarap niya ako pagkapindot niya ng floor.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto naman pero kasi—"

"Just trust me, okay?" Natulala na lang ako sa ngiti niya. Tumango na lang ako at sumuko sa pangungulit. Mukhang wala talaga siyang balak ipaliwanag.

Pagkarating sa floor ay pumunta na kami agad sa condo niya at pumasok. "Pag-pasensyahan mo na kung hindi tayo makakain sa public. Baka habang kumakain, may takbuhan na namang maganap," natawa na lang ako sa sinabi niya at umupo sa sofa.

Umorder na lang siya ng pagkain at nagpa-deliver. Pagkakain namin, ako na ang naghugas ng pinggan. "So, sa Vigan muna tayo matutulog?" tanong ko at pinunasan ko ang mga kamay ko pagkalagay ko sa patuluan ng huling plato.

"Hindi, babalik din tayo rito," nagtaka ako sa sagot niya pero alam kong hindi niya ipapaliwanag kaya hindi na'ko nagtanong. "Tara na." Pinatay na niya ang mga ilaw at lumabas na kami ng condo niya.

Paano ba talaga kami pupuntang Vigan? Tinignan ko ang orasan at nakitang alas-tres na. Before sunset nandoon na kami? Impossible.

Nagtaka ako dahil pagpasok ng elevator, pinindot niya ang pinakataas na floor. "Saan tayo pupunta?"I asked again. He just smiled at me. Pagkarating sa taas ay ginamit namin ang hagdan papuntang rooftop.

Tama ba 'tong naiisip ko?

"Bakit tayo pumunta rito?" tanong ko pagkabukas niya ng pinto at kita ko na agad ang asul na kalangitan. Sobrang lawak ng rooftop dito. Napalingon ako nang marinig ang napakalakas na ugong mula sa itaas. "'Wag mo sabihing papunta 'yan dito?"

Natuliro lang ako habang bumababa ang isang chopper at nilipad ang buhok ko sa hanging galing sa elesi. Umawang lang ang bibig ko sa gulat.

"Tara na!" sigaw niya, nilalabanan ang ingay ng makina. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila para makasakay. Natawa siya nang makitang nakaawang pa rin ang bibig ko habang umaangat na kami.

Nakasakay kami sa chopper.

Tangina?

Ang tagal bago tuluyang nagproseso sa utak ko ang nangyayari. He just held me close to him habang tinatanaw namin ang mga nadadaanang mga gusali at bahay.

Hindi kami makakapag-usap dahil sa maingay na makina. Hindi rin kasi kami magkakarinigan. Kaya pala before sunset dahil magiging isang oras at kalahati lang ang byahe kung gagamit ng chopper.

"Alyana." Niyugyog niya ako nang bahagya kaya nagising naman ako agad. Hindi ko napansin naka-idlip na pala ako habang nakasandal kay JK. "Nandito na tayo." Binaba kami ng chopper dito sa bakanteng lote.

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon