Chapter One

231 82 76
                                    


"Good morning, ma'am. Welcome aboard," masiglang bati ni Dana habang isa-isa na kaming sumasakay. Ako naman nagpipigil na ng tawa habang naiisip na ang reaksyon niya kapag nakita na niya ako.

Pinilit kong seryosohin ang itsura nang ako na ang susunod. Binaling na niya ang tingin sa'kin para batiin ako. "Good morning—" agad naman siyang natigilan at napakunot ang noo nang makilala niya ako.

"Salamat, alipin ko." Palihim niya akong pinakyu ng lagpasan ko na siya para tuluyan nang makapasok sa eroplano habang patuloy niyang binati ang mga sumunod na pasahero. Napangiti ako habang pinapanood ko siyang mag-demo nung safety shit.

After years of living my life in New York as a medical technologist or med-tech in short, I could finally visit Philippines.

"Pakyu ka bakit hindi mo sinabi na ngayon ka pala uuwi?" bungad sa'kin ni Dana after flight.

"Para surprise," pilya kong sambit.

"Salamat at na-surprise talaga ako. Sino susundo sa'yo? Tapos kailan pala 'yung blood donation na sinasabi mo?"

"Ni-text ko na sila kuya no'ng malapit na tayo. Baka naghihintay na sila sa labas. Bukas pa naman 'yung program, bakit?"

"Dinner na lang tayo pagkatapos mo roon. Chat-chat na lang. Sige, labas ka na at may trabaho pa ako." Tumango ako at niyakap siya bago tuluyang lumabas.

Kinabukasan, gumising ako nang maaga para makapaghanda sa pupuntahang blood donation program. Pagkatapos ay nag-taxi ako papunta sa ospital. Dinamay lang ako ng schoolmate ko rati sa UST na nurse na ngayon. Nami-miss ko na rin ang Pinas kaya pumayag ako.

Buong araw kaming nagta-trabaho, huminga ako nang malalim at umupo habang hinihintay ang susunod na volunteer. Kumunot agad ang noo ko sa papalapit na lalaking naka-all black outfit. Naka-mask at ball cap ding itim.

Ano'ng trip nito?

Mukha tuloy siyang holdaper. Tumayo ako para pagsilbihan pero agad akong natigilan nang mas malapitan ko siyang nakita. My eyes locked into his familiar dark brown ones. Agad akong kinabahan dahil iisang pangalan lang ang naiisip ko nang makita ko ang mga matang 'yan.

Jaxon Karius Riego.

"JK? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka at malamig kong tanong kahit kinakabahan at hindi ko talaga alam kung paano siya pakikitunguhan. I maintained a stoic look; I'm not really delighted to meet him. Ramdam ko pa rin ang galit at sama ng loob.

"Mag-do-donate ng dugo."

Ngayon ko lang naalala kung nasaan kami. Parang natanga ako sandali nang makita siya. Hindi ko na nabigyan ng atensyon ang paligid at dapat gawin. Oo nga naman, Alyana. Ang tanga mo naman para magtanong. "Ah, oo sabi ko nga." 

Pahiya onti.

Tinanggal niya ang itim na mask at doon ko na nakita ang buong mukha niya. Unti-unti siyang naglakad papalapit sa'kin. "Darling," nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko ulit ang boses niyang malamig ngunit nagbibigay init sa puso kong namamahinga mula sa sakit na pinagdaanan nito. "I've missed you," bulong niya pero sapat ang lakas nito para marinig ko. Kinabahan ako kasi ang lapit niya na sa'kin.

Tangina, gusto ko na tuloy bumalik sa New York.

Longing reflected to his hypnotic dark brown eyes that I used to admire as I stare at them. Literally, I feel like I'm hypnotized whenever I stare at those eyes. Katulad na lang kanina na nakalimutan kong nasa blood donation program nga pala kami.

"Pakisagutan na lang muna 'to," walang emosyon kong sinabi at may binigay akong 50-question survey. Hinanda ko na ang mga gagamitin habang sinasagutan niya 'yon.

Sacrificial Love (Love Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon