"Ikaw!~" sabay na sigaw ni Demi at sa pagkakarinig ko, vincent daw ata pangalan nito.
"Anong - ? Bakit? Anong siya?" tanong ko kay Demi.
"Siya! Siya at ang motor niya ang dahilan kung bakit panay putik ang damit ko ngayon." - OA na naman si Demi, pero sanay na ako sa ugali niyang ganyan.
"Kahit kelan talaga, ang kakapal ng mukha ng mga babae,Ikaw nga itong parang mulalang tumatawid sa gitna ng daan, na para bang walang nagdadaanang mga sasakyan.Tapos ako pa ngayon?" sagot naman ni Vincent.
"Ang itim ng budhi mo! ikaw nga itong kung magpaharurot ng motor akala eh parang binili mo ang buong kalsada ah!" - sagot ni Demi.
Marami-rami na ang nanunuod sa eksena namin dito ng apat at itong dalawa eh hindi pa naman maawat.
"Hoi Vin.akala ko ba tara na?" walang emosyong tanong ni Jiyun.
"Teka lang."sabi ni Vincent at agad namang itinuon ang tingin kay Demi."tara sa locker room may extra T-shirt pa ako doon hiramin mo muna."
nauna ng naglakad yung Vincent at si Demi ay ansama parin ng tingin sa likod ni Vincent.
"Oh? aarte ka pa? Alam mo bang pinaka-ayaw ni vin na sinusuot ng iba ang damit nya? pero tignan mo naman ngayon,Ipapahiram niya sayo.Ano pa gusto mo? na siya pa ang mmagbihis sayo?" sabi naman ni Jiyun kay Demi.
"Oo na susunod na ako, Mia wait mo na lang ako." sabi ni Demi at sinundan na niya si Vincent sa locker room.
Demi's POV
[ Locker Room ]
tahimik ko lang sinundan si vin, sinundan ko na siya kahit ayoko naman talaga.Ang hard kasi ni Jiyun. Naabutan ko na siyang naghahalungkat na sa locker nya.
"Oh ito suotin mo, siguro wala ng ikapuputok yang butchi mo?" sabay bato niya sa akin ng T-shirt.
"Labag ata sa kalooban moong ipahiram sa akin to eh, okay lang kahit wag na." ibabalik ko na sana sa kanya pero hinawakan niya ako sa balikat at tinulak papasok ng shower room.
"Tatanggi ka pa.Hoy minsan lang ako magpaka-gentleman no.magpalit ka nalang diyan." Ng nakapasok na ako sa shower room, naramdaman kong sumandal siya sa pintuan at hinintay ako.Ang bango lang ng T-shirt niya.Nakakahiyang suotin paglabas ko, nakita ko na naman ang nakakahiyang suotin, paglabas ko, nakita ko na naman ang nakakalokong ngiti niya.
"Oh may instant yakap ka na sa akin." at ipinasok niya ang dalawang kamay niya sa bulsa at una ng naglakad at umalis.
Mia's POV
Yung mga taong nanunuod sa amin kanina nagsialisan na, kami na lang ni Jiyun ang naiwan...awkward nga eh antahimik naming dalawa ... Hanggang sa dumating na rin sila demi at vincent.
"Ano okay ka na?" Tanong ko kay Demi
"Oo,Okay na,Ibabalik ko na lang sayo ito sa lunes Vincent." kinausap ako ni Demi pero tumingin sya kaagad kay Vincent...
"Wag na,Sinuot mo na ibabalik mo pa sa akin,ano ka sinusuwerte ... at saka mag-iiba ang amoy nyan." sabi ni Vincent kay Demi...
"Aba! akala mo napakabango mo, ang yabang nito,tara na nga mia,baka mahaawa pa tayo sa virus ng lalaking to."sabi ni Demi sabay hila niya sa akin palayo kila Jiyun at Vincent.
Pumasok na kami ni Demi sa room namin.Habang nagtuturo ang teacher namin,pumasok na naman sa isipan ko ang The Reincarnation,hanggang sa hindi ko na malayan na tapos na pala ang klase namin.
"mia! mia! mia!~" kalabit ng kalabit sa akin si Demi, napansin ko na kami na lang dalawa ang nasa room.
"nasan na yung mga classmates natin?" tanong ko kay Demi.
"tulog ka ba? kakadismiss lang ni maam sa atin..."sabi naman ni Demi habang inaayos niya ang buhok niya.
"ganun ba? Hindi ko namalayan ah~" sabay sagot si Demi...
"ang lalim kasi nang iniisip mo ano ba yun?Share mo naman..."pangungulit na sinabi sa akin ni Demi.
"wala hindi naman importante ... tara na umuwi na tayo may assignments pa tayo." sabi ko naman at ayun umuwi na kami ni Demi.
A/N : si Demi po yung nasa picture...