Mia's POV
Medyo bumabaliktad ang utak ko sa tanong ng AP Teacher namin ... possible daw kayang may reincarnation talaga? Ang tanda na naniniwala pa sa mga ganun.
Pero Oo, napaisip din ako.Paano kung merong ganun? namatay na kaya ako dati? Ganto padin ba mukha ko dati? Eh basta, pag ako namatay, at kung sakaling mabuhay ulit after 100 years, gantong buhay parin ang pipiliin ko, may masayang pamilya, kalog na kaibigan at ... bilang ako na walang lovelife -.-"
"ahhhh...ano ba miss? Lutang ka ba?" nahimasmasan ako ng biglang may sumigaw sa harap ko, siguro sa kakaisip hindi ko na napansin na may nabangga ako.
"hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo."
"Alam mo palang hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko, edi sana ikaw nalang ang umiwas." sabi ko habang pinupulot ang mga libro kong nalaglag.
"Ano!"- sigaw niya
Narinig ko namang nagbubulungan ang mga estudyanteng nakakakita sa eksena namin ngayon.Sasagot pa sana ako pero pagtingala ko ay nakita ko ang mukha ng taong nasa harap ko ngayon...jessh..ang tanga mo mia.
"ahh..hihi.. sorry~" saad ko habang hindi ko alam kung nahihiya ba ako.Please lupa~ kainin mo na ako ngayon.Siya si Jiyun Ricko Hyun, ang pinakagwapo(sabi nila) sa campus namin.Pinakapangit din naman ang ugali, minus pogi points na yun >///<
Hindi ako takot sa kanya, nahihiya lang ako lalo na't nasa amin ang atensyon ng karamihan ngayon.
"Next time tumingin ka sa dinaraanan mo, para makita mo rin kung sino babanggain mo."- sabi niya habang pinapagpagan ang polo niya feeling nito! parang ang dumi ko ah?!
"makapagpag ha? Baka nga mas malinis pa ako sa iyo eh."narinig ko namang nagbubulungann ang mga nakapaligid sa amin dahil sa sinabi ko.
"kilala mo ba ako?" - cross-arms niyang sinabi habang sumandal sa pader at tumingin sa akin.
"Bakit? kailangan ko pa bang alamin king sino ka?" pero deep inside, kilalang-kilalang kilala ko talaga siya.bigla namang may dumating na isa siguro sa tropa niya.
"Hey! Yun! tara na,escape na tayo sa next subject.nagtext ang tropa, nasa joker bar na sila."
"wait vincent may tatapusin lang ako." - sabi ni jiyun sa vincent ata na to sabay tumingin sa akin.
"Ano pangalan mo?" tanong sa akin ni Jiyun
"Bakit?Para saan?Kailangan mo pa Mala------"
"Miaaaaa!!! [Mia] - sigaw ni Demi, Bestfriend ko.
"so~ mia pala pangalan mo?"He said at tinapunan ako ng nakakalokong ngiti.Inirapan ko lang siya at tumingin kay demi na tumatakbo palapit sa akin.
"Demi, anyare sayo?"pagtataka ko habang tinitignan ang damit niyang puro putik.
"Buwisit kasi na lalake! magpatakbo ng motor nya, parang walang mga taong dumadaan ugghh~"
Nanlaki ang mata niya na makita ang dalawang lalaking kanina'y nasa harap ko lang what's the matter?
"Ikaw!"
A/N : yung nasa picture si Mia