Chapter Eight: Take It or Leave It

10 0 0
                                    



Have a safe trip.

Nagulat ako nang marinig ang boses na iyon. Nakatayo si Ivo sa harap ng wash area. Tinitignan niya ako sa repleksiyon namin sa salamin. Kung ganoon, hindi pa ito nakakaalis ng restaurant.

What?

Have a safe trip next month ulit nito. Don't forget to invite me.

Sus, ikaw pa ba makakalimutan ko. Hehe

Tumabi siya upang maki- share sa wash area. Tinitingnan ko din ang mukha nito sa salamin habang naghuhugas ng kamay.

Ivo? And.. There you are, Pia.

Ah... Jibai gulat na sabi ko

Hi bati naman sa kanya ni Ivo.

Ahm, paraanin nyo na ako at nang masagot ko na ang tawag ng kalikasan. Pagpasok ng kaibigan ko ay hinarap ko si Ivo.

Bumalik ka na sa table niyo. Baka nagugutom ka pa. May kung anong duming tinanggal ito sa damit ko. I'll need to go.

Hinalikan niya ako sa noo. Pagkatapos ay umalis na ito. Sinusundan ko naman ng tingin ang papalayong pigura nito. Hanggang doon na lang yata talaga ang papel nito sa buhay ko. Ang panoorin ito habang naglalakad palayo.

He's quite a nice man huh wika ni Jibai ng nakalabas na ito ng banyo.

Talaga?

Yep.

At sabay na kaming bumalik sa table. May magandang mangyayari yata ngayon. Magda- drama na naman kami ngayon. Hahaha At tila isang pelikulang bumalik sa aking alaala ang lahat ng mga naging kalokohan na ginawa ng aming grupo. Ang mga pambabara namin sa isa't isa. Ang pagsuway sa lahat ng mga utos ng mga magulang namin. Ang ilang beses na pakikipagtalo namin sa isa't isa. Habang ako ay kontrabida at kalaban ang turing sa mga ito.

Alas- tres na ng madaling araw. Nagising ako nang maalimpungatan sa pagkakatulog. Ang guwapong mukha ni KL ang unang bumati sa akin. Tulog na tulog ito. Marahil ay napuyat dahil sinamahan niya ang mga kaibigan kong uminom magdamag. Nilingon ko ang mga kaibigan kong natutulog na rin sa kama.

I love you, KL bulong na sabi ko rito. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Salamat sa lahat.

Hindi ako makagalaw dahil baka magising ang lahat lalo na si KL. I looked at the man who had taken a big part of my heart. Marahang hinaplos ko ang mukha nito. Idinampi ko ang labi ko sa ilong nito. Ngunit nagising yata ito at natagpuan ko na lang na magkadikit na ang mga labi namin. KL was kissing me in his sleep! And it was the most intoxicating feeling na na- experienced ko. Mixed with my strong emotions and love for him, I answered his kisses. Kung ito na ang magiging huling pamamaalam ko bago harapin ang bagong buhay, so be it. Babaunin ko ang napakagandang alaala sa pag- uwi.

We we're both panting when the kiss ended. Pero hindi pa rin naglalayo ang mukha namin sa isa't isa. Napakalakas na naman ng kaba sa dibdib ko.

I love you.

Natigilan ako. Tama ba ang narinig ko? Na mahal niya ako? O nananaginip na naman ako ng gising?

I said I love you ulit nito. Hindi mo ba ako narinig?

Hindi ako nagkamali ng dinig. Napangiti ako. Yeah, I heard you.

Well?

Mahal din kita, KL. At hanggang doon lang iyon.

Ang alin?

Umayos ako ng upo. Kailangan na naming mag- usap nang masinsinan. Kailangan kong makapagpaalam ng maayos.

Marami pa akong dapat ayusin sa buhay ko. It made me realize a lot of things. Magbabago na ako. Hindi na ako babalik dito. Gusto kong ipakita sa parents ko na kaya ko ring magbago. My parents are not getting any younger. Sa dami ng problemang ibinigay ko sa kanila, nakalimutan ko na kung paano maging mabuting anak. At gusto kong bumawi. Gusto kong ibigay sa kanila ang buong oras at panahon ko mahabang salaysay ko

Pero..

Mahal kita. Pero mahal ko rin ang pamilya ko. Ayokong may pagsisihan ako pagdating ng panahon. Ayokong maging unfair sayo. Mahal kita kaya gusto kong makitang lumigaya ka. Maghanap ka ng babaeng magmamahal sayo at magbibigay ng oras at panahon. I'm sorry pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo.

Hinawakan niya ang mukha ko. You're crying.

Siyempre naman. Tao lang ako. Pinahid ko ang mga luha sa aking mata. Mahirap kayang magpaalam sa taong mahal mo.

Kung ganon bakit ka nagpapaalam sa akin?

Dahil gusto kong maging maligaya ka.

Sayo ako masaya. Hinawakan niya ang kamay ko.

I'm sorry, KL. Inialis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tumayo ako at nilapitan ang mga kasama ko. Inayos ko ang kumot at habang pigil na pigil ang pagpatak ng luha. Ramdam ko pa ang presensiya ni KL sa likuran ko. At saka ko lang pinakawalan ang pinipigil na mga luha nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

A/N: Short Update lang muna Guys, He he. Please Vote. Comment. Share <3 <3

Love is Pag- ibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon