Chapter 9

2.8K 137 16
                                    

"Miss!"

Agad na napabaling si Prinsesa Haizel sa lalaking tumawag sa kanya.

Oh?! Siya yung lalaki nakabangga satin ah!

"Ikaw nga! Ayos ka lang ba? Bigla ka umalis sa pinagdalhan ko sayo kagabi sa ospital?"

Namamanghang napatitig siya sa lalaki. Gwapo ang lalaki..pero isang tingin pa lang alam na niyang isa ito sa mga kalahi nitong hindi makukuntento sa isang babae.

"Hindi ka ba nasaktan o nabalian?" sinsero nitong pagtatanong.

Hmm,mukha naman siya gentleman eh...

Nginitian niya ito. "Ayos lang ako,Sir," aniya.

Manghang nakatitig sa kanya ang lalaki.

"Siya ba yung nabangga mo kagabi,pre?" untag ng isang lalaki.

Tumango ito habang nakatitig pa rin sa kanya. Agad na napasulyap siya sa papalapit sa kanila.

"Wow..ang liit ng mundo! Alam mo ba,Miss..hindi yan mapakali ng sabihin niya samin na nangyari sayo kagabi," may bahid na panunudyo ng isa pang lalaki.

"Sigurado ka bang hindi ka nasaktan? Gusto mo dalhin kita ulit sa ospital?" anang ng lalaki na nakabangga sa kanya.

Bago pa man siya makasagot nakalapit na si Alexander sa counter.

Tinapik nito ang balikat ng lalaki.

"Daniel..sure ka ba na siya ang nakabangga mo kagabi?" anito sabay matiim na tinitigan siya tila hinahanap nito kung may bakas na patunay na siya ang tinutukoy ng lalaki.

Agad na bumaling rito ang lalaki na si Daniel.

"Oo,siya nga. Hindi ako pwede magkamali saka.." bumaling itong muli sa kanya. "Sa kulay ng buhok niya," may paghanga nitong tapos sa sasabihin nito.

Napatingin siya kay Alexander.

"Ako nga pala si Daniel. Uh,pwede ko ba malaman pangalan mo?"pagkuha nito sa atensyon niya.

Nginitian niya ito at hindi nakatakas sa matalas niya paningin ang pagsama ng tingin sa kanya ni Alexander.

" Haizel..pero Zel na lang,"pakilala niya sa sarili.

Nakipagkamay ito sa kanya at tinanggap naman niya iyun.

Bakit ganun reaksyon niya?

Masama kasi ang timpla ng mukha ng binata ng makipagkamay siya kay Daniel.

"Hindi talaga ako nakatulog kagabi kakaisip kung ayos ka lang,Zel.."

May ngiti pa rin sa mga labi niya na tumugon rito. "Huwag kang mag-alala,ayos lang talaga ako," aniya.

Tumango naman ito pero nakikitaan pa rin na hindi iyun kapani-paniwala.

"Gagawan ko kayo ng drinks pati na rin mga kaibigan mo,friendly treat?"

Natuwa naman ang dalawang lalaki na kaibigan ni Daniel.

"Hindi namin tatanggihan yan,Zel,"manghang turan ni Daniel sa kanya.

Sinulyapan niya ang katabi nitong si Alexander na walang imik na nakatingin lang sa kanya.

Agad na binaling nito ang atensyon kay Daniel ng magtama ang mga mata nila.

" Enjoy here,huwag masyadong magpakalasing,"anito sabay talikod na sa kanila.

"Yes,Boss!" tumatawang pahabol na tugon ni Daniel rito.

"Wow...I can't believe na dito kita makikita! "

"Here! Enjoy your drinks!" paglapag niya sa harapan nito ng ginawa niyang alak para rito at sinunod ang dalawa pa nitong kaibigan.

"You're so amazing! Ang sarap ng pagkakamix mo!" mangha nitong bulalas ng saidin nito ang laman ng baso nito.

Nginisihan niya ito. "Thanks!"

Inabala niya ang sarili sa paggawa muli ng iinumin nito habang titig na titig sa kanya si Daniel.

Nayare na! He likes you!

Kaya siguro ang sama ng tingin satin ni Mate baka...well,ayaw ko mag-assume!

"Here you go!" nakangiti niyang paglapag muli sa harapan nito ng baso na may laman ulit na alak.

Humirit din ang dalawa nitong kaibigan.

"Mukhang mapapadalas na ko rito.." usal nito kahit hindi derekta nito sinabi iyun sa kanya.

Napasulyap naman siya sa kinaroroonan ng opisina.

He looking at us!

Yes,ramdam na ramdam niya iyun na nakatitig sa kanila si Alexander mula sa loob ng opisina nito.

Nangangamoy selos,oopps! Baka lang!

Ginanahan tuloy magtrabaho ang prinsesa sa kaalaman na apektado kahit papaano siya sa lalaking itinakda sa kanya.

We'll see!

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon