Chapter 6

2.5K 110 3
                                    

Inabot ni Alexander sa kaliwang gilid niya ang isang pindutan upang ibaba ang blinds ng wallglass. Naiirita siya!

Naiirita siya na hindi na dapat niyang maramdaman!

Naiirita siya dahil hindi niya gusto ang nakikita niyang pakikipag-usap ng Haizel na yun sa mga lalaki. Lalo na ang lalaki na kausap nito at katawanan!

Naiirita siya. Naiirita siya sa babaeng iyun dahil ito ang dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng ganun emosyon!

Napatingin siya sa baso na dinala sa kanya ng dalaga. Hindi niya ginalaw iyun. Ang nakakainis pa roon parang nang-aakit ang matingkad na kulay violet na likidong iyun kaya mas lalo lamang siya naiirita!

Masama ang tingin niya sa baso. Hindi niya iinumin yun lalo na kung galing sa babaeng yun!

Masama pa rin ang tingin niya sa baso na akala mo may ginawa itong masama sa kanya hanggang sa namalayan na lamang niya dinadampot iyun at dinala sa bibig niya.

Sa pagsayad ng likido iyun sa dila at lalamunan niya tila nawala ang iritang nararamdaman niya.

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa baso na wala ng laman. Hindi kaya may nilagay ang babaeng iyun sa inumin ?

Paano kung may gayuma yun?!

Nalintikan na!

Bakit kasi hindi na niya napigilan ang sarili?!

"Kamusta?"

Marahas siya napabaling sa pinagmulan ng boses na yun. Nasa may pintuan ang lalaki na may ngisi sa mga labi. Naningkit ang mga mata niya ng mamukhaan ito.

Ito ang lalaking katawanan ni Haizel kanina!

Seryoso ang anyo ng mukha niya na nilapag ang baso sa mesa at hinarap ito.

"Hindi ko narinig na kumatok ka?" aniya sa seryosong tono.

"Pasensya na..nasanay kasi ako hindi kumakatok kapag bumibisita ako rito," nakangisi nitong sagot.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit? Sino ka ba?"

Lumapit ito sa kanya mula sa pagkakasandal nito sa nakasarang pintuan. Doon lang niya napuna ang kakaibang aura nito. He looks dangerous and powerful..but harmless because of his genuine smile or ..smirk?

"Ako si Zei," pakilala nito.

Agad na natandaan niya ang pangalan nito na binanggit ng Tito Dion niya.

Tumikhim siya. "Pasensya na sa inasal ko,nabanggit ka sakin ni Tito Dion," aniya..isa din ito sa kinairita niya kanina pero...mali siya ng akala!

Ngumisi ito. "Ayos lang mah--,uh,Alexander,tama?"

Nagtatakang tumango siya rito.

"Ikaw talaga ang sinadya ko rito," untag nito sa kanya.

Nilapag nito ang bitbit nitong kulay violet na bote na may gintong takip.

Mula sa pamangkin mahilig ang mga ito sa inumin?!

"Para sayo yan. Welcome gift!"

Sinulyapan niya ang bote.

"Salamat," aniya ng ibalik niya ang paningin rito.

"Mabubuksan lamang ang boteng yan sa tamang oras...sa isang taong itinakda sayo," mahiwaga nitong sabi.

Nangunot ang nuo niya sa sinabi nito.

Hindi maunawaan kung ano ang ibig nitong sabihin.

Tinapik nito ang balikat niya. "Kinagagalak ko na makilala ka," nakangiti nitong sabi sabay talikod na nito para lumabas na ng opisina niya.

Wala siya masabi kasi hindi pa magsink in sa utak niya ang pinagsasabi ng Zei na yun.

Lasing ba ito o ano?

Muli niya tinitigan ang bote.

Violet huh..

Nanadya ba ang pagkakataon?

Her hair is color violet. Her juice is also violet and now,this?!

Tsk! Ano ba meron sa kulay na yun at parang ang laki ng epekto niyun sa kanya?!

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon