Nakailang ulit ng napapabuntong-hininga si Prinsesa Haizel habang nakatitig sa harapan ng nakapatay na TV. Nagising na lang siya nasa sariling silid na siya at sinabi naman ni Zei kung ano nangyari. Wala naman siya dapat ipag-alala tungkol kay Maureen sa pagkakatuklas nito sa tunay niyang pagkatao dahil ginawan na yun ng paraan ng dating panginoon.
Ngunit maliban kay Alexander. Nasaksihan na nito ang totoong sya. Ang pagiging lobo niya. Sa kalagitnaan ng galit na lumukob sa kanyang lobo kitang-kita niya ang pagkabigla at hindi pagkapaniwala ng binata sa nakita nito.
Muli siya napabuga ng hangin.
Paano na sila? Tapos na ba agad ang kakasimula pa lang nila relasyon?
"Malungkot ang aking mahal na prinsesa," pukaw sa kanya ng napakapamilyar na boses na iyun.
Marahas na napalingon ang prinsesa sa pinagmulan ng boses na iyun.
Ang mahal na Hari!!!
"Ama?!!!" hindi makapaniwala bulalas niya ng makita ang Hari.
Dinipa nito ang mga braso sa ere at tila hangin na nasa mga bisig na siya nito. May naulinigan siyang mahinang singhap marahil mula sa ama na pabigla niyang niyakap dahiL sa kasabikan at pangungulila rito.
Tumatawa na niyakap siya ng mahigpit ng Hari.
"I miss you so much,my princess..." masuyo saad ng Hari.
Humigpit ang yakap niya sa ama. Gusto niya umiyak kasi pakiramdam niya tapos na ang lahat sa kanila...ng kanyang mate.
Hinaplos nito ang nakalugay niyang buhok at pinatakan ng halik ang bunbunan niya.
"Ama...gusto ko ng bumalik satin," anas niya habang nakapikit ang mga mata. Pigil-pigil na bumuhos ang mainit na emosyon na lumulukob sa kanya ngayon.
Masuyong inangat ng Hari ang mukha niya upang magtama ang kanila mga mata.
"Bakit naman,mahal kong prinsesa...ayaw mo na ba dito?"
Napahugot siya ng hininga. "Ayaw na niya sakin," mahina niyang saad sabay baba ng mga mata niya. Nahihiya siya na makita ng Hari ang totoong damdamin niya. Ang takot at pangamba na kumulukob sa kanya ngayon.
Muli inangat ng Hari ang mukha niya gamit ang mga daliri nito na nasa ibaba ng baba niya.
Nag-init ang sulok ng mga mata niya sa ginawa ng Hari na puno ng pagmamahal ang masasalamin sa mga mata nito at pang-unawa.
Puno ng pagmamahal na ngumiti ang Hari sa kanya.
"Sigurado ka bang ayaw na niya sayo?"sabi nito na mahihimigan ang panunudyo.
Napanguso siya. "Hindi...hindi po ako sigurado,ama.."
Tumawa ng mahina ang Hari at pinatakan ng halik ang nuo niya.
"You will know now if he's still want you or not," anas nito na kinatigil niya.
Ipinihit siya ng Hari paharap at malakas na kumabog ang dibdib niya ng makita ang binata na tahimik na nakatayo hindi kalayuan sa kinaroroonan nila mag-ama.
Marahil sa dami ng nararamdaman niya hindi niya naramdaman ang presensya nito at ng Hari.
Napakurap siya ng unting-unti gumuhit ang isang masuyong ngiti sa mga labi ng binata.
"Sumama siya sakin dahil sabi niya...namimiss ka na niya," may panunukso untag ng Hari sa kanya.
Nilingon niya ang ama.
"Sigurado po kayo?"
Natawa ang Hari sa tinuran niya.
"I'm innocent,my princess..ask him yourself kung bakit siya nandito," depensa agad ng Hari na agad na nakuha ang ibig sabihin niya sa tanong iyun.
Hindi naman tatakutin ng Hari si Mate...uh,baka lang..naman.
Napabuga siya ng hangin at muli nilingon ang binata.
"Hindi pa ko...nagbibreakfast," aniya.
This is it...
BINABASA MO ANG
TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)
Hombres LoboPrincess Haizel Clarenz-Darius,she's a sweet girl but very naughty girl nang ipadala siya sa mundo ng mga tao,iba ang naging trip niya sa buhay. Imbes na mamuhay bilang may mataas na istado sa buhay na isang prinsesa nagpanggap siyang isang ordinary...