Chapter 18

2.5K 124 14
                                    

"Hala,girl! Sino ka?!" bulalas na bungad sa kanya ni Mat ng makapasok siya sa locker's room.

Natawa siya sa nakitang reaksyon nito.

"Ako lang 'to. Kaibigan mo,si Zel!" pananakay niya sa biro nito.

Nagkatawanan sila pareho.

"Seryoso,girl! Bakit nakasibilyan ka ha? Saka sino pinopormahan mo sa ayos na yan? Paseksi ah!" pabakla nitong turan sa kanya.

Nasobrahan ka ata,princess sa get-up!

Sinulyapan niya ang kabuoan sa malaking salamin. Simpleng violet knee-length dress ang suot niya. Hindi naman kabastos-bastos yun.

Nginisihan niya ang kaibigan na namamangha pa rin nakatitig sa kanya.

"Tinatanong mo pa," aniya.

Nanlaki ang mga mata nito. "Si Boss Pogi!"

"Naman!" aniya at inayos ang pagkakapusod ng buhok niya.

"Huh! Sorry ka,gurl! Hindi pumasok si Boss Pogi," anito.

Natigilan siya at napabaling rito. "Ha?"

May nangyari ba sa kanya?!

Nakataas ang kilay ng kaibigan na nginisihan siya nito. "Dumaan muna siya rito bago siya umalis ulit pero kasama niya yung Maureen.."

"Talaga?"

"Baka may date sila!"ekseharado nitong sabi.

Don't feel sad,mahal na prinsesa!

Hindi naman malinaw pa kung may nabago ba sa kanila ngayon?

Tsk,ngayon pa nga lang..waley na!

" Baka si Papa Daniel pumunta mamaya! Siya na lang akitin mo!"

Tinawanan niya ito kahit sa loob-looban niya ay dismayado siya.

Yeah,kaya wag na maulit yang effort mo!

Nakauniporme na siya ng magsimula na sila magtrabaho ni Mat. Inaasar naman siya nito.

Malungkot tuloy siya ng umalis sa bar.

Akala ko naman simula na ng love team niyo!

Napabuga na lang ng marahas ang prinsesa.

Inubos na lang niya ang oras sa may gubat sa anyong-lobo niya dahil na rin sa in heat.

Habang tumatagal lalo lang sumisidhi ang in heat natin!

Nagbalik siya sa anyong tao niya pagkalabas niya sa gubat na nasa likuran lang ng bahay niya.

Hindi alintana ang kahubdan niya sa ilalim ng sinag ng buwan.

Wala naman makakakita sa kanya dahil malayo ang iba pang kabahayan.

Patungo na siya sa back door ng matigilan siya at marahas na napapihit paharap.

Nagsalubong ang mga mata nila ni Alexander na gulat na gulat sa nakikita.

Uh-oh!

Awang ang mga labi nito at tila naestatwa na sa kinatatayuan nito.

"Boss!" bulalas niya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Ano ba ang ginagawa niya rito?!

Mabilis na nakapagbihis siya ng T-shirt at jogging pants.

Binalikan niya ang binata at natawa siya ng mahina ng makitang nakatayo pa rin roon ang binata.

"Boss...anong ginagawa mo rito? Gabi na ah!" untag niya rito.

Saka lamang itong natauhan sa sinabi niya.

Agad na nag-iwas ito ng mga mata sa kanya.

Hindi nga niya nakita ayos mo kanina! Pero! Naman! Sa ganun ayos pa talaga?!

Gusto niya tumawa ng malakas sa sinabi ng wolf niya. Ramdam na Ramdam niya ang pagkapahiya nito para sa kanya.

"Boss?" muli niyang untag rito.

Seryosong-seryoso ang mukha nito ng humarap sa kanya.

"Gawain mo ba yun?"

Pinigilan niya ang mapangiti sa nakikitang reaksyon nito.

"Ah,wala naman makakita,boss..maliban ngayon," tugon niya.

Napatiim-bagang ito.

"Are you insane?"

"Hindi naman,boss..saka pag-aari ko naman ang lugar na ito kaya wala mangangahas na pumunta rito,"aniya.

Pinaningkitan siya ng mga mata ng binata.

" kahit na,"tiim-bagang pa rin nitong turan.

"Hindi naman ako nahihiya makita mo ko kanina ganun,boss eh!"

Pilyang prinsesa!

"You crazy!" angil nito sabay talikod na nito sa kanya. Mabibilis ang hakbang nito.

Hinayaan na niya ito makaalis.

Saka na lang niya ito sisitahin kung bakit ito naroroon ng ganun oras?!

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon