Chapter 27

3K 138 23
                                    

Mabilis ang mga hakbang niya para sundan si Haizel. Gustuhin man niya ito tawagin wala naman boses na lumalabas sa bibig niya.

Nasilaw siya ng isang ilaw mula sa isang sasakyan. Agad na nahintakutan siya ng makita mabubundol niyun ang dalaga na dere-deretso lang sa paglalakad.

Hindi siya makasigaw. Hindi na rin siya makahakbang dahil tila may pumipigil sa mga paa niya.

Wala siya nagawa kundi panuorin kung paano niyun masaktan ang dalaga pero...kitang-kita niya kung paano mabilis na nakaiwas ang dalaga. Mabilis na dumaan ang sasakyan at bumungad sa kanya ang isang malaking nilalang kung saan doon niya huli nakita ang dalaga.

Isang kakaibang nilalang na kulay ..violet?!

Isang...kulay indigo na hayop? Halimaw?

Hindi niya alam!

Nasaan si Haizel?!

Baka..baka kinain ng halimaw na iyun ang kasintahan!

"Haizel!" malakas na sambit niya na siyang dahilan upang magising siya mula sa panaginip na iyun.

Isang masamang panaginip. Hindi niya gusto ang panaginip na iyun lalo na kung masasaktan lamang roon ang kasintahan at ang nilalang na yun na nasa panaginip niya. Nakaka...kilabot.

Agad na rumihistro sa alaala niya ang nasaksihan niya ng sundan niya ang kasintahan at muntikan na ito masagasaan ng motor na iyun pero...mahirap isipin na totoo ba ang nakita niyang iyun.

Naipikit niya ang mga mata ng mariin at kinalma ang isip.Marahas na napahilamos siya sa kanyang mukha. Habol pa niya ang hininga at malalim na buntong-hininga ang ginawa niya ng mapasulyap siya sa itim na roba niya na nasa may bukana ng balkonahe niya.

Nangunot ang noo niya. Ang huling pagkakaalala niya isinampay niya iyun sa upuan.

Paano iyun napunta roon?

Pinakiramdaman niya ang paligid. Gusto niya makatiyak baka...may gusto pumasok sa bahay niya.

Pinulot niya ang roba at sumilip sa nakabukas na sliding door ng balkonahe niya. Umihip ang hangin-panggabi at napakislot ang puso niya ng malanghap niya ang pamilyar na amoy na iyun.

Bakit naaamoy niya sa silid niya ang pabango ng kasintahan?

Hindi siya maaaring magkamali dahil ang kasintahan lang ang may ganun pabango na gustong-gusto ng pang-amoy niya.

Inilapit niya sa ilong ang hawak na roba niya.

"Imposible...bakit nasa roba ko ang amoy mo?" anas niya na puno ng katanungan ang isip.

Maaga siya gumising upang puntahan ang dalaga sa bahay nito. Hindi niya ipinaalam dito ang pagpunta niya roon. Nakaparada sa labas ang kotse ng dalaga. Nilapitan niya iyun at namamanghang sinipat-sipat niya ang kulay violet na kotse ng kasintahan.

Hindi na siya magtataka na ito ang may-ari ng magarang kotse na nasa harapan niya dahil ito pala ang anak ng may-ari ng D's Bar na pinamumunuan ng Tito Dion niya habang wala ang totoong may-ari niyun at ang trip ng anak nito,na ang kasintahan ay talaga naman hindi kapani-paniwala. Wala kaalam-alam ang lahat na ang magandang bartender na si Haizel Clarenz ay ang anak ng may-ari ng kilakang ekslusibong bar na yun!

"Mate!?"

Agad na napapihit siya paharap sa pinagmulan ng tawag na iyun.

Nagmamadali na lumapit sa kanya ang kasintahan. Namamanghang niyakap siya nito.

"Hindi ko alam na pupunta ka dito?!"

"I want you to surprise,so..here I am,surprise visit.."

"Ang sweet naman ng mate ko.."

Pinasadahan niya ito ng tingin. Agad na bumalik sa alaala niya ang nasaksihan niya ng nakaraan gabi. Hind niya maalis sa isip pa rin ang nasaksihan iyun pero hindi niya alam kung paano iyun mapapaliwanag sa kanya ng dalaga dahil sa sinagot nito ng tanungin niya ito ay alam niyang hindi nito gusto malaman ang totoo sa nasaksihan niya

"Nag...jogging ka?" untag niya pagkaraan na titigan ang kabuoan ng kasintahan. Nakajacket at jogging pants ito.

Agad na tumango ito. "Oo ,mate.."

Tumango din siya. "Good for you.."

"Nagbreakfast ka na?" tanong nito.

Umiling siya. "Pwede ako magluto kung ayos lang sayo," aniya.

"Oo naman,mate..Halika! Lutuan mo ng breakfast ang maganda mong girlfriend!"

Napangiti na lang siya na sinabayan nya ng pag-iling. Nakaakbay siya rito na pumasok sila sa loob ng magarang bahay nito na pulos de-remote ang gamit.

Ngayon lang niya napag-isip-isip na..magkaiba sila ng dalaga. Haizel is so damn rich!

Siya?

Heck,bakit ngayon pa niya naramdaman ang insecurity niya para sa dalaga.

Gusto ko matanggap niya ako ng kung anong meron ako...

Hell,Linton! Girlfriend mo na siya kaya hindi na siya makakawala pa sayo!

She's mine.

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon