Chapter 4

2.7K 120 8
                                    

Hindi niya gusto ang nangyayari sa kanya ngayon. Bigla na lang siya nabagabag. Nagulo ang kalmante niyang puso pagkatapos niya makita ang babaeng may kulay violet na buhok na yun!

Haizel..that's her name.

Pilit niya pinipigilan ang sarili na huwag hayunin ng mga mata niya ang kinaroroonan ng babaeng iyun mula sa kinatatayuan. Ang overlooking wallglass na makikita ang nangyayari sa labas mula sa loob ng opisina ng Tito Dion niya.

Pero kahit anong pigil niya sa sarili nakatanaw na pala siya sa kinaroroonan ng babae. Abala ito sa pagsiserve ng inumin sa mga kostyumer. Pero dahil lalaki siya alam niya ang pormahan ng mga lalaking nasa counter.

Ang babae iyun ang pakay ng mga ito! Naningkit ang mga mata niya sa nakikita niyang epekto ng babae iyun sa mga lalaki na naroroon!

Bakit ba,Alexander naaapektuhan ka?! Wake up! She's not your type!

Si Maureen lang. Prim and very sweet girl. Only her!

"May isa nga pa pala ako ipakikiusap sayo,Alexander," pukaw sa kanya ng Tito Dion niya ng tumabi ito sa gilid niya.

Katawagan nito ang asawa kanina kaya inabala muna niya ang sarili sa pagtingin sa labas at ngayon nga tapos na ito makipag-usap.

Agad na binawi niya ang paningin mula sa babaeng iyun. Bumaling siya sa kanya Tito Dion.

"Si Haizel..lapitin siya ng gulo. Lagi siya inaaway o sinusugod ng mga girlfriend ng mga lalaking kostyumer niya,well,maganda siya at friendly kaso..hindi iyun naging maganda sa mga babae naiinggit at nagseselos sa kanya. Kanina nga lang,ayun. May sumugod na naman kanina at nagiskandalo kaya naabutan mo siya rito dahiL katatapos ko lang siya komprotahin," naiiling nito sabi habang nakatanaw sa kinaroroonan ng babae.

Bumalik din ang mga mata niya roon.

"Siya lagi ang nagpapahighblood sakin kaya..kahit isang buwan lang matahimik ako," anito na binuntutan ng mahinang pagtawa.

"Bakit hindi niyo na lang siya sisantihin?"

"Hindi pwede..pamangkin siya ng matalik na kaibigan ni Boss Dominekk," anito.

Napailing na lang siya. Iba talaga ang nagagawa kapag malakas ang backer mo!

Naningkit muli ang mga mata niya ng makita ang isang lalaki na inabot ang kamay ng babaeng iyun.

Nakangiti naman ang babae at tila nakikipagflirt din sa lalaki. Naikuyom niya ang mga palad.

Hindi niya iyun nagustuhan! Hinding-hindi niya magugustuhan ang babaeng yun!

"Kung kailangan mo siyang pagalitan gawin mo pero protektahan mo rin siya. Lagi man nasasangkot sa gulo yang si Zel ni minsan hindi niya pinatulan ang mga nang-aaway sa kanya. Hinahayaan lang niya na saktan siya ng mga iyun kaya kahit nagagalit ako sa kanya nawawala din dahiL marespeto siya sa iba at Empleyado ko pa rin siya na dapat kong protektahan,"untag nito.

Napabaling siya sa Tito Dion niya. Nag-aalangan siya dahil iba ang nararamdaman niya. Tila ba siya ata ang dapat protektahan. Iyun ang hindi niya maunawaan ngayon!

Bigla na lamang napadako ang mga mata ng dalaga sa kinaroroonan niya kahit hindi sila kita sa loob parang tagusan pa rin ang pagtitig nito sa kinatatayuan nila. Bigla na lang din...nagbago muli ang ritmo ng pagtibok ng puso niya gaya ng nangyari ng  magkasalubong sila sa pintuan nito kanina.

What the hell is happening to him now?!

Bakit bigla na lang nagkaganito siya?!

Bakit bigla na lang nagulo ang mundo niya ng dahil sa Haizel na yun?!

"Ikaw na ang bahala rito ha.."

Naikuyom niya ang mga palad habang mariin na nakatanaw sa dalaga na pasulyap-sulyap sa pwesto nila.

Kaya ba niya panindigan?!

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon