Chapter 37

3.1K 142 10
                                    

Hinabol ni Alexander ang mga labi ng kasintahan ng putulin nito ang mainit na pagsasanib ng kanila mga labi habang nakaupo ito paharap sa kanya. Yakap-yakap niya ito ng mahigpit sa kandungan niya. Walang kamalay-malay ang mga tao sa labas ng opisina ng D's Bar ang ginagawa nila ng kasintahan.

Tumawa ito ng mahina at agad na humalik muli sa kanya napaungol siya ng muli nito putulin ang halik.

"Zel.."

"Naaadik ka na sa kiss ko ha!" tudyo nito.

Napabuga siya ng hangin. Namumungay ang kanyang mga mata na tinitigan sa mga mata ang dalaga.

"Yeah,it's your fault.." anas niya.

Hinaplos nito ang kabilang pisngi niya. "Ang gwapo mo lalo kapag may stubbles ka," anito habang hinahaplos ang balat pisngi niya na may papatubo ng balbas.

"Gusto mo ba pahabain ko?"

"Hmm..." tumingala ito na tila pinag-iisipan iyun na kinatawa niya. Buntong-hininga na sinubsob niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito.

Her scent.

Masuyo nitong hinaplos ang likod ng ulo niya. Nanatili sila na tahimik at dinadama ang bawat paghaplos nito sa buhok niya.

Hindi nagtagal bigla bumukas ang pintuan. Ang gulantang na mukha ng Tito Dion niya ang nalingunan nila.

"Boss D!!!! You're back!!!" untag ng kasintahan pero hindi umalis sa kandungan niya.

Napabuga siya ng hangin. Bigla tuloy siya napahiya sa Tito Dion niya na nasa ganun eksena sila nakita nito.

Hindi niya alam na mapapaaga ito ng pagbalik ng pilipinas mula sa pagkakabasyon nito kasama ang kasintahan nito.

"A-anong ibig sabihin nito...Alexander?" maang nito turan ng makabawi mula sa pagkashock.

"Kami po ni Alexander!"

Gusto niya matawa siya nakitang lalo pagkashock ng mukha ng Tito Dion niya.

"Ano?! Paanong? Nawala lang ako! Pasaway ka talaga babae ka!"

Tinawanan iyun ng kasintahan.

"Baby..sorry,he didn't know who's he talking to.." saad niya.

"Anong sinasabi mo dyan,Alexander?! Pwede ba,Haizel umayos ka nga! Kaya pala wala ka sa puwesto mo dito ka pala nakapwesto...sa kandungan ng pamangkin ko!"

"Tito..."

Napahilamos tuloy siya sa mukha sa kahihiyan.

Umalis naman ang kasintahan at nakangiti na hinarap ang Tito Dion niya.

Salubong pa rin ang kilay ng huli habang nakipagtitigan kay Haizel.

"Namiss kita,Boss D!"

Sinamaan naman ng tingin ng Tito Dion niya ang kasintahan. Tatayo na sana siya para sawayin ang tinuturan ng tiyuhin ng magsalita ang Tito Dion niya.

"You're fired! "

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi ng Tito Dion niya.

"Tito,Hindi mo siya pwede tanggalin..siya ang an--"

"Pinagtatanggol mo pa siya! Ikaw naman hindi ako makapaniwala na pinatulan mo ang pasaway na 'to!" putol sa kanya ng Tiyuhin.

"Sinong pasaway?"

Sabay-sabay kami napabaling sa may pintuan.

"K-k--kuya Dominekk?"shock na shock na turan ng Tito Dion niya.

"Kamusta,Dion?"

Bigla na lamang sinugod ng Tito Dion niya ang ama ng kasintahan.

"Kuya Dominnek!!!"

"Umiiyak si Boss D," bulong sa kanya ni Haizel. Umiiling na inakbayan niya ang kasintahan.

"Hindi ako makapaniwala! Akala ko nakalimutan mo na ko,Kuya Dominnek.."

"Pwede ba yun?" pagtapik ng Hari sa balikat ng Tito Dion niya.

Noon lang niya nakita sa ganun hitsura ang tiyuhin niya. Tila ito naging bata na matagal na hindi nakita ang nakakatandang kapatid nito.

"Salamat sa lahat at pag-aasikaso dito sa bar...at lalo na sa pag-aalaga sa mahal kong anak," anang ng Hari.

"Anak?"

"Si Haizel..she's my daughter,Dion,"anang ng Hari.

Gusto niya matawa ng malakas ng bigla na lamang napahawak sa batok ang Tito Dion niya at umaktong mahihimatay.

" Hindi ako makapaniwala..."

Nagkatawanan sila tatlo ng makitang tulala na ang tiyuhin.

Pinatakan niya ng halik ang ibabaw ng ulo ng kasintahan.

Isang bagay na lang ang gusto niya mangyari.

Ang makasama n habambuhay ang kasintahan.

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon