Chapter 10
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU“Pre, masakit naman kasi talaga yung sinabi mo sa kaniya.” Si Tex ang nagsalita.
“Naku, Kai, asahan mo ng hindi ka papansinin non ng isang linggo. Kailangan mong umaksyon.” Si Rex naman ngayon, ang kambal niya.
“Paano mo naman nasabi yan?” Tanong ko bago ubusin ang laman ng pang-anim na bote ko ng alak.
“Ganiyan naman ang mga babae. Grabe kung magtampo.” Si Nio ag sumagot sa tanong ko.
Sila ang tinawagan ko kanina para samahan akong uminom dito sa loob ng bar. Kinwento ko sa kanila ang nagyari kanina at ito sila ngayon.
“Kaya ang gawin mo, suyuin mo. Bigay mo lahat ng gusto.” Suggestion ni Tex.
“Tanga, wag. Mukhang hindi naman ganung klaseng babae yun si Sun. Feeling ko palaban yun, feeling ko hindi yun marupok na madadaan mo sa mga ganiyan.” Sabi naman ni Rex. Napatango-tango naman si Tex.
“Sabagay, tama ka diyan.” Thumbs up niya dito.
“E bakit ka ba namomroblema kay Sun? Akala ko ba nagpapanggap lang kayo? Hindi mo na siya kailangan pang suyuin na parang girlfriend. As if naman na in a relationship talaga kayo.” Si Nio na naman ang nagsalita. Alam nilang lahat ang totoo ang tungkol sa amin ni Sun.
Sabagay, bakit nga naman ako nag-aalala ng ganito saka nako-konsensya e, nagpapaggap lang naman kaming dalawa. Ang relasyon naming dalawa ay purong kasinungalingan lang.
All of our acts is just a lie. Everything is just a lie.
Kaya siguro hindi ko na siya kailangang suyuin pa. Hindi ko siya girlfriend, ni-kaibigan ay hindi din. Isa lang siyang kakuntsaba na binabayaran ko.
“Pero pre, nasaktan niya kasi yung damdamin ng tao kaya natural lang na humingi siya ng tawad.” Sabat ni Rex.
“Pero totoo naman lahat ng sinabi ni Kai sa kaniya.” Bawi ni Nio.
“Alam mo, masiyado kang loyal sa shokoy na to kaya pati tama at mali ay hindi mo na alam. Oo nga at totoo lahat ng sinabi ni Kai kay Sun pero hindi tama na ganun kasakit yung mga salitang ginamit niya. Nasaktan ang ego ni Sun dahil ipinamukha ni Kai sa kaniya na binabayaran lang siya. Siyempre, iisipin nun para lang siyang sunud-sunuran. Kapag ikaw ba sinabihan kong bayaring lalaki papayag ka?”
“Siyempre hindi.”
“Ganon naman pala e.” Umirap pa si Tex sa ere bago mag-salitang muli. “Kahit hindi mo girlfriend si Sun at kahit kakuntsaba mo lang siya, dapat humingi ka pa din ng tawad sa kaniya dahil kahit saang anggulo natin tignan, ikaw ang may mali.” Payo niya sa akin.
“Tsaka, hindi mo din masisisi si Sun kung gusto na niyang sabihin kay tita ang totoo. Ang hirap din naman kasing magtago ng isang sikreto lalo na't ganon kabait ang mommy mo. Malamang naku-konsensya lang yun. Sinali mo lang siya sa kaguluhan sa buhay mo at oo nga, binabayaran mo siya pero hindi na counted kapag sinaktan mo siya. Offensive foul na yun, pre.” Si Rex naman ang nagsalita.
Ang mga payong binigay nilang lahat sakin ang nakapag-pagising sa akin. Tama sila, dinamay ko lang naman si Sun sa problema na dapat ako lang mag-isa ang humaharap, dapat hindi ko siya sinaktan, dapat hindi ko siya sinabihan ng masasakit na salitang yon.
Ang swerte ko talaga dahil kahit papaano ay may kaibigan akong tulad nila. May matatakbuhan ako kahit papaano.
Napayuko ako saka nag-isip ng paraan para magka-ayos kaming dalawa. Kaso kahit anong gawin kong pag-iisip ay walag pumapasok sa utak ko. Wala akong ibang maisip dahil ang mukha ni Sun na umiiyak ay binabagabag ako.
Argh! Nakakainis.
“Bigyan niyo nga ako ng tips kung paano manuyo.” Desperado kong tanong sa kanila.
“Pre,” Hinawakan ako ni Nio sa balikat. “Sex.”
Inambahan ko siya saka sinamaan ng tingin. “Baka gusto mong tanggalin ko yang patunay ng pagka-lalaki mo? Wala ka nang nasabing matino dito, dapat hindi na pala kita sinama.” Sabi ko saka inirapan siya.
“Binibiro lang e.” Bulong niya pero hindi ko na yun pinansin pa.
Binaling ko nalang ang tingin ko sa kambal. Sila lang naman ang matino kong kausap dito. Itong kulugo na nasa tabi ko, walang kwenta. Hinayupak talaga.
“Wala akong maisip, hindi pa naman kasi ako nagkakaroon ng girlfriend kaya wala akong experience.” Sabi ni Rex saka napakamot ng batok.
“Ikaw Tex? You've been in a relationship right?” Pagbabaka-sakali ko.
“Sing a song for her. Trust me, that's proven and tested.” Sabi niya habang may maliit na ngiti sa labi.
“But I don't know how to sing.”
“Yan ang problema sa ating mga fuckboy, walang talent.” Sabat na naman nitong si Nio.
“Ikaw lang yun.” Sabi ko habang nakangiwing tumingin sa kaniya. “For your information, I know how to cook.” Pagmamayabang ko.
“Ayan, pwede na yan. Lutuan mo nalang siya basta siguraduhin mo lang na masarap yung iluluto mo at paborito niya. Basta, mag-effort ka.”
“Paano pa ako mage-effort e, fries lang naman ang paboritong pagkain ng lapastangan na yon.”
KINABUKASAN nag-order ako sa isang fast-food chain ng napaka-daming fries. Nilagay ko yun sa isang malaking container at gamit ang mga ketchup, sinulatan ko yun sa taas ng forgive me.
Nagsama din ako ice cream dahil nakita kong paborito niya din yun. Kapag may lakad kasi siya at pag-uwi niya, lagi ko siyang nakikita na nginangata ang mga pagkain na to. Sana nga lang ay sapat na ang mga ito para mapatawad niya ako.
Nagtaka pa nga si Mommy dahil sobrang dami daw ng inorder ko, ang sinabi ko nalang ay gusto kong sorpresahin ang fiance ko kaya ganito. Naniwala naman siya sa palusot ko, sinuportahan pa nga ako.
I swear, nagsisi na talaga ako. Nadala na ako. Ayoko na ulit siyang makita na umiiyak. Hindi ako sanay na may nakikita akong luha sa masiyahin niyang mga mata. Para akong tinatarakan ng libo-libong karayom sa puso.
Binuhat ko na yung napakalaking lalagyan na punong-puno ng fries at tatlong galon ng ice cream paakyat ng kwarto naming dalawa.
Nga pala, hindi kami natulog sa iisang kwarto kagabi dahil naka-lock yun kaya hindi ako nakapasok. Mukhang galit nga talaga siya sa akin kaya hindi na ako nagpumilit na pumasok pa. Sa guest room nalang tuloy ako natulog. Actually pwede ko namang buksan yung kwarto gamit ang spare key ko kaso baka mas lalo siyang magalit sa akin kapag nakita niya ako at matutulog pa ako kasama siya sa iisang kwarto.
Pahirapan pa ako sa pagdadala ng mga pagkain na to sa taas dahil mabigat. Nakahinga lang ako ng maluwag nang mapunta na ako sa harap ng pinto.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako kumatok. Kumatok na ako pero walang nagbubukas. Katok lang ako ng katok hanggang sa inabot na ako ng kalahating oras doon at nananakit na din ang kamay ko.
Galit na galit nga siya sa akin.
Plan A. Failed.
Hanggang sa gumabi ay hindi pa din siya lumalabas ng kwarto. Nag-aalala na ako pati na din si Mommy. Sinabihan niya ako na akyatin nalang si Sun sa taas dahil baka daw may hindi magandang nangyari sa kaniya kaya hindi siya nakababa.
Wala na akong nagawa dahil nag-aalala na talaga ako. Kinuha ko ang spare key ng kwarto sa bulsa ko saka binuksan ang pinto.
Sumalubong sa akin ang napaka-dilim na paligid at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig mo. Binuksan ko ang ilaw at agad akong napanatag ng makita si Sun na nakahiga sa kama.
Nilapitan ko siya at nagtaka ako ang makitang naginginig siya at namumutla. Agad kong hinawakan ang noo niya para ma-check kung may sakit ba siya at napamura nalang ako ng maramdamang sobrang init niya.
Naramdaman niya yata ako kaya dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya.
“You're sick.” Bulong ko sa kaniya.
“K-Kasalanan mo to, h-hunghang ka.”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️
Fanfiction"I could make beautiful lies for you." Huening Kai × Sun Michaella Gracias TXT Series #4