Chapter 8
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOUSeryoso ba talaga siya? Hindi niya talaga ako kakausapin? Ilang oras na siyang ganiyan, hindi ba napapanis ang laway niya? Ilang beses ko na ding sinubukan na pagsalitain siya, pero kapag nagsasalita naman siya napaka-ikli.
Minsan nga tango lang o iling ang isasagot niya sa akin. Kahit ngiti, hindi niya ako magawang ngitian. Ganon niya ba siniryoso ang sinabi ko sa kaniya kanina?
Totoo nga ang sinabi niya. Magsisisi talaga ako kapag sumiryoso siya. Ngayon namo-mroblema ako kung paano siya pagsasalitain.
“Gusto mo kumain? May gusto ka bang puntahan?” Ito na naman ako, sinusubukan ko na namang pagsalitain siya. Nagmumukha akong desperado dito para lang magsalita ulit siya.
“Ikaw bahala.” Tanging sagot niya.
“Ikaw nga yung tinatanong ko e.”
“Ikaw pa din naman yung masusunod kahit sumagot ako.”
Natameme ako don. Pusanggala, naiinis na ako. “Sige. Sa amusement park nalang tayo.”
Tanong ko sagot ko din. Bwakanang talaga. Pinagana ko na ang makina ng kotse tsaka pinaharurot yon papuntang amusement park. Nanahimik nalang din ako dahil naiinis ako sa nangyayari ngayon. Naiinis ako sa sarili ko dahil sinabi ko ang bagay na yon. Naiinis ako sa sarili ko dahil naging ganiyan si Sun.
Argh! I am pissed.
Nang mapunta kami sa amusement park, mabilis akong bumaba ng kotse para pagbuksan siya kaso nabuksan niya na agad ang pintuan niya.
“Ahm, gusto mo mag-rides?” Tanong ko sa kaniya.
“Sige.” Sagot niya na ikinangiti ko.
Nauna kaming sumakay sa roller coaster dahil doon niya gusto. Ngayon, hinahanda ko na yung sarili ko dahil hindi ako sanay sa mga ganito kaya paniguradong mahihilo ako.
Magkatabi kami ngayon dito sa dulo, siya mukhang excited ako naman mukhang kabado. Nakakainis, dapat sa aming dalawa ako ang mukhang matapang.
“Ito naaaa! Aaaahhhhhh!” Sigaw agad ni Sun kahit kakaandar palang namang ng sasakyan namin. Natawa nalang ako dahil napatakip ng tenga ang mga kasama namin.
Hanggang sa nasa kalagitnaan kami ng ride, sigaw lang siya ng sigaw, nangingibabaw ang boses niya sa lahat samantalang ako ay nakapikit habang hawak-hawak ang kamay niya ng mahigpit.
“Ano ba, Kai! Mananahimik ka nalang ba diyan?! Sumigaw ka deeennn!” Sabi niya sa akin.
Napangiti ako dahil sa wakas ay kinausap niya din ako ng maayos. Napasigaw tuloy ako dahil sa kasiyahan.
“Sun! Wag ka na ulit mananahimik ah! Bumalik ka na sa pagiging lapastangan please!”
“Sabi ko sayo e! Magsisisi ka kapag pinatahimik mo akooo! Aaahhh!” Napapikit siya at napasigaw nang pababa na ang sasakyan. “Ang panget mo, Huening Kaaaiiii!”
“Mukha kang tipaklong, Sun Michaella!”
“Para ka namang bobo, Huening Kai!”
“Mukha ka namang tanga, Sun Michaella!”
Pagtapos ng ride, hilong-hilo ako kaya pinagtatawanan tuloy ako ng lapastangan na to. Nakaupo kaming dalawa sa isang bench ngayon at nagpapahinga. Mga kalahating oras kaming nandon bago kami sumali sa isang palaro. Yung bubuhatin ng lalaki ang babae habang naka-taas ang isang paa at patagalan kayo ng kalaban niyong contestant. Ang prize ay set ng panty at brief, ewan ko kay Sun kung bakit niya naisipang sumali. Tinanong ko siya kanina at ang sabi niya ay ipapadala niya daw ang mga yon sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️
Fanfic"I could make beautiful lies for you." Huening Kai × Sun Michaella Gracias TXT Series #4