M

211 21 3
                                    

Chapter 2
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Ano, ano, ano, ano, anoooooooo?!” Kitang-kita ko ang pagbilog ng bibig niya dahil sa sigaw niya.

Napapikit ang isang mata ko dahil ang sakit sa tenga ng sigaw niya. Sinabi ko sa kaniya ang pabor na hihingiin ko sana sa kaniya at ito ang naging reaksyon niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, nakaupo ako ngayon sa kama ko habang siya naman ay paikot-ikot habang sabu-sabunot ang ulo niya. Para siyang nababaliw.

Tinignan niya ako ng matalim, wala sa sariling napalunok ako at napaatras. Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan hanggang sa tuluyan na akong napahiga sa kama at siya ay patuloy lang sa pagtingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa...

Ako ang lalaki, bakit ako ang nao-awkwardan sa posisyon naming dalawa?

“Hoy hunghang, hindi ako baliw para pumayag sa gusto mo. Maghanap ka nalang ng ibang babae na mauuto, wag ako.” Bulong niya.

Tinawag niya ba akong hunghang? Una ay tanga, pangalawa, bobo. Ano pa? Ano pang nakaka-insultong pangalan ang itatawag niya sa akin? Pasalamat siya, may kailangan ako sa kaniya kaya pinipigilan ko ang sarili ko, kailangan ko siyang mapapayag.

“I will pay you any amount you want.” Sabi ko.

Nakita kong natigilan siya doon at may dumaang emosyon sa mga mata niya. Doon palang alam ko na ma ay pag-asa akong mapa-payag siya. Lumunok siya bago mag-salita ulit.

“K-Kahit na. Hindi pa din ako papayag. Sagrado ang kasal, at hindi din ako papayag na makasal sa isang katulad mo.” Matigas niyang sabi bago tumayo ng diretso saka kinuha ang bag na nalaglag sa sahig kanina.

“Ayoko din namang makasal sa isang katulad mo na lapastangan—” Hindi pa ako tapos magsalita ng sumabat siya.

“Hunghang ka naman.” Tinarayan niya pa ako.

Nagtiim bagang ako saka kinontrol ang sarili bago magsalitang muli. “Ayoko din namang makasal sa isang katulad mo but I don't have any choice. My grandfather likes you to be my wife and if I don't obey what he wants, he will destroy my mother's life. Okay lang kung buhay ko lang ang sisirain niya kapag hindi ako nagpakasal sayo but we're talking about my mother. Hindi mo kilala si Lolo, siya ang pinaka-malupit na taong makikilala mo.” Sabi ko sa kaniya.

Doon lumambot ang mukha niya. “Bakit ba kasi ako? Maraming mas maganda sa akin diyan, maraming mas gusto ng perang ibibigay mo, bakit ako pa?”

“Hindi ko nga alam kay Lolo kung bakit ikaw pa e, ang ingay-ingay mo.” Sabi ko na ikina-simangot niya. “Joke lang yun, di ka naman mabiro. E sa wala akong magagawa e, what he wants should he gets. Gusto niyang nasusunod ang lahat ng gusto niya. Kaya kahit gusto ko mang maghanap ng iba, ikaw talaga ang gusto niya para pakasalan ko.”

Napa-singhal siya tsaka umupo sa mini sofang katabi niya. “Ano ba naman yang lolo mo, nas-stress ako. Bakit ikaw pa talaga ang gustong ipakasal sa akin. Di ba pwedeng siya nalang?”

Napangiwi ako.

“Do you know how old is he? Hindi ko alam na gusto mo pala ng sugar daddy.”

“Bobo, binibiro lang kita. Tanga-tanga naman nito maka-pick-up ng joke.” Aniya saka umirap.

“Kasalanan ko ba kung pang-skwater yang joke mo.” Bulong ko.

“Sabihin mo nga, bakit ba gusto kang ipakasal ng lolo mo?”

Huminga ako mg malalim. Should I tell her? Sige na nga, baka makumbinsi ko siya kapag nalaman niya ng dahilan ko.

“I am the only heir of this family because my Dad, which is his only son left us. Kami nalang ang natira ni Mommy, ayaw ding ipamana ni Lolo kay Mommy ang kumpanya at ang lahat ng pera niya dahil wala siyang tiwala dito simula noong una pa lang. And... may taning na ang buhay niya dahil sa isang malalang sakit. Wala na yong gamot, kahit pa sa ibang bansa ay wala ng mahanap na solusyon para mapahaba ang buhay niya. Meron nalang siyang dalawang buwan para mabuhay at kailangan ay may maiharap na akong babae sa kaniya. Gusto niya, bago niya ipamana sa akin lahat kailangan ay kasal na ako. Sa tingin niya kasi ay magiging responsable lang ako kapag may responsibilidad na ako.” Paliwanag ko.

Napatango-tango naman siya saka nagpan-dekwatro pa. Nagpaka-donya pa ang lapastangan. Humanda ka sa akin kapag nasa puder na kita.

“Baka kasi siguro iresponsable ka kaya walang tiwala sayo ang lolo mo. At gusto niyang matali sa isang babae dahil babaero ka. Tama ba ako?” Sabi niya na may nakakaasar pang ngiti.

“You don't need to say all those.” Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Bigla akong nahiya sa mga sinabi niya, kapag sa kaniya nanggaling parang nakaka-insulto ang dating.

“Okay. Since kailangan natin pareho ng pera, pumapayag na ako.” Napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya yon. “Pero kailangan mong sundin ang lahat ng gusto ko.”

Parang kumislap ang mga mata ko ng marinig ang mga salitang yon.

“Una, hindi to dapat malaman ng pamilya ko dahil ang alam nila ay trabaho ang pinunta ko dito hindi asawa. Pangalawa, kailangan meron tayong kontrata kaya kailangan mong gumawa bukas para masulat ko na ang autograph ko. Pangatlo, walang pakialamanan ng gustong gawin sa buhay. Pang-apat, hindi tayo pwedeng magtabi sa iisang kama dahil kadiri. Huli, walang kasamang feelings. Wala dapat mahuhulog sa isa't-isa.”

“Deal. Ang dali naman ng mga pinapagawa mo.” Sabi ko. “And never kitang tatabihan sa kama at isa pa sinusumpa ko, hinding-hindi ako mahuhulog sa babaeng katulad mo. Mas mabuti nalang na mag-asawa ako ng unggoy.”

“Kapal naman ng mukha mo. Ayoko din naman sayo, dika ka-kalevel ng beauty ko no.”

“Hindi talaga, dahil masiyado akong gwapo para sayo.”

“Utot mo.” Sabi niya. “Osiya, bukas nalang tayo magsimula magpanggap dahil pagod ako ngayon.” Sabi niya saka muling isinukbit ang bag sa balikat niya.

“Mabuti pa nga.” Sabi ko.

Binuksan na niya ang pinto at akala ko ay lalabas na siya pero parang may hinihintay pa siya.

“What?” Tanong ko.

“Hindi mo ako ihahatid?” Tanong niya.

“Why would I? Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo.”

“Tanga, nandiyan kasi yung mommy mo sa baba. Di ba magtataka yun kung hinayaan mo lang ako?”

Napapikit naman ako saka bumuntong hininga. Nakakairita talaga tong babae na to kahit paalis na.

“Fine.”

Hinatid ko siya pababa, ako pa ang nagdala ng mabaho niyang bag hanggang main door dahil okay na daw siya doon. Bahala na siya.

Habang naglalakad kaming dalawa ay nakangiti si Mom habang nakatingin sa amin. Tuwang-tuwa siya dahil akala niya ay seryoso kaming dalawa tungkol sa relasyon namin, I suddenly feel bad. Hindi ako sanay na niloloko si Mommy. Pero wala akong magagawa, ito ang gusto ni Lolo. Para din naman sa kaniya tong ginagawa ko.

Nang marating namin ang main door, binigay ko na ang bag niya sa kaniya. Ngumiti siya ng matamis sa akin para magmukha siyang sweet dahil nakatingin sa amin si Mommy.

“Take care.” Sabi ko at pinalambing ko pa ang boses ko.

Yak! Nakakadiri!

“Ikaw din. Goodbye, asawa ko, good bye, love.” Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi, pagkatapos ay kinindatan niya pa ako. “I love you. Mwah!” Nag-flying kiss pa bago tuluyang lumayas, halatang inaasar ako.

Paki-paalala nga sa akin na huwag siyang saktan dahil babae siya.

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon