Chapter 2
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU“Puro basura yata yung laman nitong maleta mo e, ang baho.” Reklamo ko habang buhat-buhat ang mabahong maleta ng babaeng to.
Ang sabi kasi sa akin ni Mommy kanina ay sunduin ko siya sa kanila, sinabi ko kasi sa kaniya kagabi na dito na titira si Sun (alam ko na yung pangalan niya) since fiance ko naman na siya. Pumayag si Mommy, tuwang-tuwa pa nga siya dahil sa wakas ay may makakasama na siya dito sa mansyon.
At ito ang nangyari sa akin, sinundo ko yung babaeng yun sa apartment niya. At siraulong babae, tinanong ba naman kung sino ako.
Kanina...
Kumatok ako sa pang-limang beses sa pintuan ng address niya. Binigay sa akin ni Mom ang address ng lugar na to kaya nandito ako, kainis. Pagka-gising na pagka-gising ko ba naman ay sumalubong sa akin ang mukha ni Mommy at sinabihan akong sunduin si Sun.
Wala na akong nagawa dahil gusto ko talaga siyang maniwala na may relasyon kami ni Sun.
Sure ba si Mommy na dito nakatira si Sun? Walang nagbubukas ng pinto para sa akin e.
Maya-maya, akmang aalis na ako ng may marinig akong yapak ng mga paa sa loob. Nagbukas yon matapos ang ilang sandali at sumalubong sa akin si Sadako— ay, si Sun pala na sobrang gulo ng buhok. Pasensya na, napagkamalan ko siyang si Sadako.
Pero kamukha niya naman talaga base sa ayos niya ngayon. Kulang nalang ang pag-gapang.
Nanliliit pa ang mga bagong gising niyang mata habang nakatingin sa akin. May tuyo pang mga laway sa gilid ng labi niya.
Gross.
“Tsino ka?” Tanong niya sa akin gamit ang inaantok niyang boses.
“Koreano ako hindi Tsino, tuleg.” Bawi ko.
“Ano? Kuligleg? Wala po dito yung kuligleg niyo, tanong niyo nalang sa kapitbahay ko.” Aniya at naghikab muna bago isarado ang pinto pero bago niya pa tuluyang isara yon ay naharang ko agad ang braso ko.
“Come on, Sun. Mom is expecting you to come in our mansyon, kaya kung ako sayo gumising ka na at ihanda na ang mga gamit mo. Doon ka na titira.” Inis kong sabi sa kaniya pero parang kulang pa yata yon dahil hindi pa din gising ang utak niya.
“Anong titira? Titirahin mo yung kapitbahay ko? Sige lang! Enjoy kayo, wag lang kayong masiyadong maingay kasi natutulog ako, okay?” Sabi niya saka sinarado ang pinto.
“Argh! I hate my life!”
“Hindi basura yan. Mga labahan ko lang yan na hindi pa nalalabhan ng tatlong linggo.” Sabi niya kaya agad kong binitawan ang maleta niya. Hinayaan ko lang yon na bumagsak sa lupa.
“Kadiri ka naman! E ano pang sinusuot mo niyan?”
“Wala. Inuulit-ulit ko lang yung mga medyo mababango pa. Wala kasi akong oras na maglaba dahil busy ako kakahanap ng trabaho dito sa Maynila.” Sabi niya.
“Sana naman, ngayong may trabaho ka na ay makakapag-laba ka na? Kababae mong tao ang dumi mo sa katawan.” Sabi ko saka binuhat muli ang maleta niya. Maliligo nalang ulit ako mamaya sa bahay.
“Ikaw nga kalalaki mong tao ang arte-arte mo.” Bulong niya na narinig ko naman.
Hindi ko na siya pinatulan pa dahil alam kong hahaba lang ang pag-aaway namin.
NANG makarating na kami sa bahay, sinalubong agad kami ni Mommy ng isang matamis na ngiti. Hinalikan niya pa si Sun sa pisngi at kinamusta ito. Parang si Sun pa ang anak sa aming dalawa ah.
Inutusan niya akong ihatid muna sa kwarto namin ni Sun ang maleta ng lapastangan pero dineretso ko na yun sa laundry area at pinalabhan sa labandera namin. Nagreklamo pa ito na ang baho na daw at ang iba ay butas-butas na.
Napahilot nalang ako ng sintido ko bago ipatapon ang mga damit ni Sun na yon. Bibilhan ko nalang siya ng bago mamaya.
Pabalik na ako sa loob dala-dala ang mga importanteng bagay sa loob ng maleta ni Sun nang maabutan ko silang dalawa na seryosong nag-uusap. Nasa gitna na ako ng hagdan ng makarinig ako ng nakakadiring tanong galing kay Mom.
“When are you planning to have a child?” Tanong ni Mommy kay Sun na sangi ng muntik ko ng pagkalaglag sa hagdan. Mabuti nalang at nakahawak agad ako sa gilid.
“Ahm, siguro po pagkatapos nalang po ng kasal namin. Alam niyo na po, honeymoon. Hahaha.” Sagot ni Sun na sinamahan niya pa ng awkward na tawa. Halata na naiilang na siya pero ginagalingan niya pa din ang pag-arte.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa kaisipang yon. Dumiretso na ako sa kwarto, pagkatapos kong ilapag ang mga gamit niya doon ay lumabas na agad ako at pinuntahan sila.
“Come on, ipapaayos natin yang buhok mo. Dry na kasi, sayang naman dahil mahaba at makapal pa.” Pag-yaya ni Mommy kay Sun pero inunahan ko na agad siya.
Lights, camera... action!
“No need, Mom. Ako na po ang bahala sa kaniya. Magpahinga nalang po kayo dahil siguradong napagod kayo sa café niyo.” Sabi ko saka hinawakan si Sun sa kamay.
“Aww, gusto ko pa namang makasama si Sun. But it's fine, pagod din ako. I should call it a day. Mag-iingat kayo at umuwi din ng maaga dahil may family dinner tayo mamaya kasama ang lolo mo pati na ang mga kinakapatid mo.” Paalala niya sa akin.
“Really?”
Ibig sabihin nandito ang mga kabarkada ko mamaya kasama si Nio. Damn. I missed being with them. It's been a long time since we had a get together.
Tumango ito. “Yep. And maybe this is the time to introduce your fiance to them.”
“Alright. We should go now para maaga kaming makauwi.”
“Yeah, take care.”
NANDITO kami ngayon sa loob ng isang boutique para bilhan ng mga bagong damit si Sun. Nung sinabi ko sa kaniya na tinapon ko ang mga lumang damit niya ay nagalit siya, hindi dahil sa tinapon ko, nagalit siya dahil basta ko nalang daw yung tinapon, pwede pa daw yung pakinabangan ng mga pulubi sa kalye.
Medyo kinabahan ako but I'm glad that she didn't get mad from what I did.
Nasa loob siya ng fitting room at nagsusukat ng damit, habang ako naman ay tamang tingin lang sa instagram. May nagpop-up na notif sa phone ko, nakita kong si Eva yon at kinakamusta ako. Sineen ko lang yun at hindi pinansin.
Dahil nagsawa na ako sa kakatingin sa newsfeed ko. Sa sobrang tagal ni Sun sa fitting room ay naisipan kong lumabas, baka may makita akong pwede kong bilhin. Isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko at naalala kong kailangan ko pala non.
Yung cheap lang yung binili ko dahil pang panandalian lang naman gagamitin.
Nang mabili ko na yon, bumalik na ako sa loob ng boutique at doon ko nakita si Sun na suot-suot yung dress na pinasukat ko sa kaniya, pilit niyamg binababa yung palda para umabot yun sa tuhod niya kaso hindi niya magawa kasi maikli talaga.
“Nasaan na ba kasi yung hunghang na yon. Mukhang inindian ako ng bwiset.” Bulong nito.
May lumapit sa kaniyang lalaki. “Miss, can I take a picture with you?” Sabi nito kay Sun.
“Naku kuya, wag mo muna akong landiin ngayon dahil busy ako sa dress na'to at isa pa, taken na ako. Ikakasal na nga ako e.” Sabi ni Sun.
Napatingin ang lalaki sa daliri niya na parang humahanap ng patunay doon.
“Where's the ring?”Natameme si Sun doon at wala siyang nadahilan. Doon na ako lumapit at walang sabi-sabing lumuhod sa harap ng lapastangan na babaeng to at isinuot ang singsing na binili ko kanina sa pala-singsingan niya.
“I'm sorry, baby. Natagalan ako sa paghanap ng wedding ring mo sa parking lot. Ingatan mo na yan next time, okay?” Ngumiti ako sa kaniya, ngumiti naman siya pabalik.
“Ahm... ahh... sige. Thanks, love.”
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patayo. Hinarap ko ang lalaki at tinignan ito ng maangas.
“Back off.”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️
Fanfiction"I could make beautiful lies for you." Huening Kai × Sun Michaella Gracias TXT Series #4