R

191 17 0
                                    

Chapter 21

I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

Umawang ang labi ko saka napakurap ng ilang beses ang mga mata. Siya ba talaga yon? Imahinasyon lang ba yon? Ilusyon?

Hanggang ngayon ay sobrang lakas pa din ng kabog ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.

Hindi naman pwedeng mapunta si Kai dito di ba? Dahil kailangan niyang alagaan si Eva at ang magiging anak niya pero sino yung nakita ko kanina? At kung si Kai man yon, bakit niya naman ako pupuntahan dito?

“Anak, ayos ka lang? Bakit nakatayo ka pa din hanggang ngayon?” Tanong ni Nanay na nakapag-pagising sa akin.

Natulala na pala ako masiyado dahil sa nakita ko. Tinignan ko ang buong paligid, ako na nga lang ang nakatayo. Nahihiya akong umupo saka muling binalingan ng tingin ang mga tao doon sa pintuan; nagbabaka-sakaling totoo amg nakita ko kanina pero binigo ko lang ang sarili ko, hindi ko na siya nakita doon.

Mukhang imahinasyon ko lang yung kanina.

“ANAK, bakit ba ang tamlay mo? Kanina ka pa ganiyan simula noong lumabas tayo ng simbahan. Nagugutom ka ba o may nararamdaman ka?” Tanong sa akin ni Nanay pagkapasok namin ng bahay.

Ngumiti nalang ako sa kaniya saka bahagyang ngumiti. “Medyo masama lang po yung pakiramdam ko.” Pagsisinungaling ko.

Sorry po, kakalabas ko lang ng simbahan nag-sinungaling na agad ako.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumagsak ang sistema ko kanina knowing na imahinasyon ko lang ang Kai na nakita ko. Masiyado ko lang siguro siyang miss kaya nagkaka-ganito ako. Nakakainis, nababaliw na ako.

“Nay, aakyat po muna ako sa kwarto ko. Magpapahinga po muna ako.” Sabi ko.

Hindi pa siya nakakasagot nang umakyat na agad ako. Ewan ko ba, bakit parang naiiyak ako na ewan. Si Kai lang talaga ang nakakapag-paramdam sa akin ng ganito. Siya lang ang kaisa-isang tao na kaya akong palungkutin ng ganito.

Bwiset siyang hunghang siya. Puro pasakit sa buhay ang binigay niya sa akin. Hindi na kinakaya ng beauty powers ko.

Binuksan ko yung kwarto ko at nakayukong isinara yon. Ang tamlay-tamlay ko, kaya siguro nag-aalala si Nanay. Hindi naman kasi ako ganito, alam niyo namang palung-palo ako lagi di ba?

Pagharap ko sa kama ko, napahinto agad ako sa paghakbang ng makita yung hunghang na nakahiga doon at matiim na nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko pero agad din akong nakabawi.

Bumuntong hininga ako saka ngumuso. Pati mga unan ko napapag-kamalan kong si Kai.

Malungkot akong naglakad papuntang kama saka tinabihan yung imaginary Kai na nakikita ko. Humiga ako saka niyakap siya ng mahigpit, pati amoy ng totoong Kai kaamoy din ng imaginary na Kai na kayakap ko ngayon.

“Namimiss ko na yung hunghang na yon.” Bulong ko. “Kelan ko kaya siya mayayakap ng ganito?”

Naramdaman kong may nag-suklay ng buhok ko. Tinignan ko kung sino yun at nakita kong si Kai yon; imaginary Kai pala. Ang galing, pati pag-himas niya sa buhok ko parang totoo din.

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon