E

165 13 1
                                    

Chapter 17
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Ikaw, anak? Aba e, kailan mo balak magkaroon ng nobyo?” Tanon ni Itay sa akin, kung umiinom lang ako ngayon malamang sa malamang ay nabulunan na ako.

“Si Tatay naman, minsan na nga lang tayo magka-usap, yan pa po talaga yung napili niyong pag-usapan natin. Naloloka ako sa inyo ha.” Sabi ko habang nagtutupi ng damit.

“Siyempre, anak, wala pa kasi akong nakikitang lalaki na kasa-kasama mo o kaya dinadala mo dito sa bahay pwera nalang kay Dominic. Alam ko naman na kaibigan mo lang siya, ang gusto ko ay yung nobyo mo talaga.” Sabi niya sa akin habang malayo ang tingin.

“Gusto ko kasi, bago ako mawala ay may ipagkakatiwala na ako para sa kaligtasan mo. Gusto ko dumating yung araw na may lalaking hihingiin ang kamay mo mula sa akin. Tapos kapag kasal niyo na, gusto kong maranasan na ihatid ka namin ng nanay mo sa altar. Gusto kong makilala yung lalaki. Para kapag mamamatay na ako, panatag akong mahihiga sa kabaong dahil alam kong nasa tamang kamay ka.”

“Si Tatay, nagda-drama. Siyempre, tay, hindi ka pa mamamatay, masamang damo ka e.” Biro ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin. “Joke lang po. Hehe. Siyepre, tay, darating din yung panahon na may ipapakilala ako sa inyo, darating din yung araw na may isang lalaki din na manghihingi ng kamay ko mula sa inyo.” Hindi ko alam kung bakit habang sinasabi ang mga salitang yon ay naalala ko bigla si Kai.

Ang hunghang na yon.

“Tapos darating din yung araw na ihahatid niyo ako sa altar dahil kasal ko na. Tapos yung araw na makikita niyo yung mga apo ko.” Ngumiti ako habang nakatanaw sa malawak na lupain na binili ko.

Agad ding napawi ang ngiting yon ng maalalang malabo palang mangyari ang iniisip ko dahil sa ibang babae gagawin ni Kai ang gusto ko. Kay Eva siya magpapakasal. Sa ibang babae siya magkaka-pamilya.

Malabo ng mapa-saakin ang lalaking mahal ko.

Pinigilan ko ang luha sa pamamagitan ng pilit na ngiti. Hindi pwedeng makita ni Tatay na malungkot ako dahil kilala ko yan, grabe pa sa grabe kung mag-alala.

Sumandal ako sa balikat niya saka niyakap siya sa bewang niya.

“Kaya wag kayong mag-alala, tay, darating din yung araw na yon. Alagaan mo lang ang sarili mo para maabutan mo pa po. Hahahaha.” Sabay kaming dalawa na natawa.

“Siraulo talaga tong panganay ko oh. Pero anak...” Biglang sumiryoso ang boses niya. “Wag kang magbabago ah? Malulungkot kami ng nanay mo. Ikaw ang nagbibigay ng buhay sa pamilya natin kaya hindi namin hahayaan na may manakit sayo. Hindi namin hahayaan na malungkot dahil mas malulungkot kaming pamilya mo.”

“Aba, Itay? Bakit parang nagda-drama ka ngayon?” Tanong ko sa kaniya saka niyakap siya ng mas mahigpit. “Hinding-hindi ako magbabago, Itay. Kahit anong mangyari, ako pa din ang pinaka-maganda niyong panganay na anak. Tsaka, bakit niyo naman naisip yan, ha? Kayo talaga. Lumilipad yang maliit niyong utak sa ibang planeta.”

“Grabe ka sa maliit ha.”

“Itay, dalawa nalang tayo dito di pa ba tayo magkaka-aminan? Pareho lang naman po tayong maliit ang utak. Huwag na pong itanggi.” Sabi ko saka humalakhak.

“Ay oo nga no, sakin ka pala nagmana.” Sabi niya saka natawa nalang din.

“Ateeee!” Biglang sumulpot sa harap namin ang atrabida kong kapatid.

“Anoooo?!” Sinigawan ko din siya pabalik.

“Wala lang. Itatanong ko lang sayo kung maayos ba tong suot ko. May date kasi kami ngayon ng boyfriend ko. Hihi.” Pabebeng sabi niya. Hindi na nahiya, humaharot dito sa harap ng tatay namin.

“Maayos ang suot mo ang problema lang ay ang nag-susuot.” Pabalang kong sabi.

“Ang sama mo!” Sigaw niya saka nag-martsa papasok ulit sa loob.

“Maligo ka bago umalis ah! Maawa ka sa boyfriend mo!”

“Tse! Hindi kami bati ng tubig ngayon! Ang cold niya kase!”

“Kahit na ba!”

“Ewan ko sayo!”

NGAYON, naiwan nalang akong mag-isa sa labas ng bahay namin. Umalis na kasi si Tatay dahil gusto niyang mag-pahinga. Kaya ito ako ngayon, nag-iisa dito habang dinadama ang preskong hangin na tumatama sa balat ko.

Bigla kong naalala ang text message na natanggap ko kagabi galing sa unknown number na yon. May kutob na ako kung sino yun dahil isang tao lang naman ang tumatawag sa akin na love. Siya lang.

Pero masamang mag-hinala. Hindi ako pwedeng mag-salita ng tapos. Hindi ako pwedeng umasa ng ganon-ganon nalang dahil sa message na yon.

Kailangan ko munang masigurado yon.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Otomatikong kumabog ang puso ko nang makita ang unknown number na yon.

From: 09*********

I can see that you're idling.

Napataas ang kilay ko ng mabasa ang message na yon.

To: 09********

Nakikita mo ako?

From: 09*********

I'm looking to you from afar.

Agad kong nilinga ang buong paligid. Ang magka-bilang gilid ko, wala akong nakita doon kundi puro puno at puro damo. Sa likod ko naman ay pader lang ng bahay namin at sa ibaba, bakit pa ba ako tumingin sa baba? Pero anyways, wala akong nakita doon kundi isang bulate at mga langgam na ewan ko, nagkakainan yata. Jusko, pati ba naman sa mundo ng mga insekto uso ang kainan.

Sanaol nagkakainan kami kasi... charot lang!

Muli kong binalik ang focus sa cellphone ko ng wala akong makitang tao sa paligid. Myghad ah, ganito na ba ako kaganda para magkaroon ng stalker. Ehe! Di naman masiyado *dalagang pilipina pose*

Jok lang.

To: 09*********

Nasaan ka? Magpakita ka kundi iki-kiss kita.

From: 09*********

I won't. I want to surprise you and how can you kiss me if you don't know where I am?

To: 09*********

Ah basta. Secret. Pero sino ka?

From: 09*********

Kiss muna bago ko sabihin sayo.

To: 09*********

Labas ka para makiss kita.

Pang-uuto ko pa.

From: 09*********

Stop tempting me dahil kapag hindi ako nakapag-pigil, susunggaban nalang kita bigla.

Ay, ang wild pala nito ha. Pero seryoso na.

“Sino ka baaa?! Sabihin mo naaa!” Sigaw ko dahil naubusan na ako ng load. Badtrip. Lalamunan ang puhunan natin ngayon mga dai.

Nakatanggap muli ako ng text message sa kaniya.

From: 09*********

Two days more.

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon