Chapter 18
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU“How's stalking your ex-fake-fiance?” Salubong sa akin ni Tex pagkapasok na pagkapasok niya dito sa VIP room sa bar kung nasaan kami ngayon.
“Just fine, she's good. Better without me.” Tanging sagot ko saka inubos ang laman ng alak na hawak-hawak ko.
Kapag naaalala ko yung pangyayaring hinawakan ng lalaking yon ang kamay niya, umiinit ang ulo ko bigla. Mukha pa silang masaya na mag-kasama habang ako, nakatago sa isang sulok at selos na selos na.
Ang sakit lang makita yung taong mahal mo makita na masaya sa iba. That fu*king Dominic Catreras, he's getting into my nerves. Pasalamat siya ay hindi pa ako pwedeng magpa-kita kay Sun dahil hindi pa ako tapos sa kailangan kong gawin kundi matagal ng bali ang buto niya sa katawan.
I love it when she smiles, but I hate the idea that, that is not because of me.
Kailangan ko pang masigurado at mapatunayan na hindi ko talaga anak ang dinadalang bata ni Eva sa sinapupunan niya bago ako ulit pumasok sa buhay ni Sun. Gusto ko kapag pumasok ako sa buhay niya ulit, wala ng gulo. Yung sigurado na, na maayos na ang lahat.
Sinabi ko yun sa sarili ko, pinangako ko na hindi ko muna siya lalapitan hangga't magulo pa ang buhay ko.
“Hindi ka ba napapagod? Lagi kang nakabuntot sa kaniya na aso araw-araw. Tapos sobrang aga mo pang magising para lang maka-punta lugar nila. Paano mo nakakaya yun?” Si Nio ang nagsalita habang nakaakbay sa kung sino mang babaeng yon na mukhang gold fish sa kintab ng mukha na dinala niya nalang bigla dito.
“Mas lalo lang akong mapapagod kapag hindi ko siya nakikita. She's my medicine, she's my strength.”
Kahit napapagod na ako sa kakasunod sa kaniya araw-araw, hindi ko magawang tumigil. Dahil kapag hindi ko siya nakita, doon ko mas nararamdaman ang pagod ko sa buhay ko. Na parang makita lang siyang tumatawa o ngumingiti, buo na ang araw ko at kahit sandali, makalimutan ko ang mga problema ko.
Isa't-kalahating buwan ko na siyang sinusundan, sa loob ng panahong yon, ilang beses kong tinangka na lapitan siya at yakapin. Madaming dahilan, ang pagseselos ko dahil sa Dominic na yon, kapag mag-isa lang siya at walang kasama; natural, mag-isa nga di ba. At kapag nakikita kong malungkot siya, yun talaga yung panahon na gusto ko siyang lapitan bigla at ikulong sa bisig ko.
Kaso hindi pwede.
Kaya gumawa din ako ng paraan para kahit papaano ay mapigilan ko ang sarili ko. Tini-text ko siya para kahit papaano ay makausap ko siya. Hindi niya ako kilala dahil malamang hindi pa ako nagpapakilala. Commonsense.
“That's the power of love, Nio.” Sabat ni Rex. “Nasasabi mo yan kasi hindi mo pa nararanasan. I can't wait to see you inlove. Gusto na kitang makita na umiiyak dahil sinaktan ka ng babaeng mahal mo.” Ngisi pa ni Rex.
“Ha, huwag ka ng umasa.” Binawian siya ni Nio mg ngisi. “Hinding-hindi ako magpapasok ng babae sa buhay ko, mga sakit lang sila sa ulo. Mga gastos. At isa pa, ayokong magaya sa inyo no, ayokong mag-mukhang tanga dahil lang sa isang tao. Sapat na sa akin ang fling-fling lang.”
“Darating din yung araw na sa ating magka-kaibigan, ikaw naman ang magpapaka-lunod sa alak dahil iniwan ka ng babaeng mahal mo. Hindi ka mas-stock sa ganiyang gawain, trust me, Nio. Been there, done that.”
“Tama. Hindi habang buhay ay fuckboy ka. Darating yung araw na matatali ka din.” Sabat ni Tex sa usapan nila.
“Tsaka, yan din ang sinabi sa atin ni Kai noon, remember? Sinumpa niya pa nga na hindi daw siya magkaka-girlfriend. And look at him now, nababaliw sa babaeng hindi niya inaasahang mamahalin niya. Isang babae na bigla nalang pumasok sa buhay niya.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Tama siya.
Hindi ko talaga akalain na mamahalin ko si Sun. Hindi ko akalaing mahuhulog ako sa babaeng katulad niya dahil hindi naman siya yung tipo ko. Pero wala ka na talagang magagawa kapag nahulog ka na, wala ka ng kawala.
Ang masakit lang, kung kailan nalaman ko na ang totoong nararamdaman ko sa kaniya, wala naman siya.
Naalala ko pa noong araw na sinumpa kong hindi ako magg-girlfriend dahil ayoko talaga. Akala ko noon ay sakit lang talaga sa ulo ang mga babae, na wala silang idudulot sa buhay ko kundi sakit sa ulo.
Oo nga naman, sakit sa ulo ang babaeng mahal ko, inaamin ko yun pero kahit masakit siya sa ulo siya pa din naman ang nagpapasaya sa akin.
Ang masakit lang, kung sino pa yung nagpapasaya sa akin, nagawa ko pang saktan. Nakakainis.
Inubos ko na ng tuluyan ang laman ng alak na hawak ko. Tulad ng lagi kong ginagawa, nagpakalunod na naman ako sa alak. Umuwi akong halos gumagapang na dahil sa hilong nararamdaman ko, mabuti na nga lang at tinulungan ako ni mang Oscar na pumasok sa loob ng mansyon.
Binitawan niya lang ako ng kuhanin na ako ng kinamumuhian kong babae mula sa kamay niya.
“Kai! What the heck! You're drunk again!” Sabi nito sa akin na akala mo ay nanay ko.
“Wala kang pakialam, bitawan mo ako.” Sabi ko saka inalis ang kamay niyang nakaalalay sa akin.
Pinilit kong maglakad hanggang sa sofa at salamat naman dahil nagawa ko yun. Sumandal ako doon saka tumingala sa kisame.
Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Eva at pinunasan ang mukha ko pero umiwas ako.
“Don't. Ayokong hinahawakan mo ako.” Sabi ko. Bastos na kung bastos.
Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero hindi ko na yun pinansin pa. Masiyadong mabigat ang nararamdaman ko ngayon, alangan namang unahin ko siya.
“Eva, sabihin mo nga sa akin. May nagawa ba akong mali sayo at kailangan mo pang sirain ang buhay ko ng ganito.” Bulong ko. “I lost the girl that I love because of you. I lost my happiness because of you. My mother didn't trust me anymore because of you, she loathed me. My grandfather...” Doon na tumulo ang luhang pinipigilan ko. Sumabog na ang emosyong tinatago ko. “My grandfather died because of you.”
Namatay si Lolo ng malaman niyang hindi na matutuloy ang kasal namin ni Sun dahil sa biglang pagdating ni Eva. Nang malaman niyang nakabuntis ako ay nalungkot siya masiyado hanggang sa na-stress siya. Lalong lumala ang sakit niya hanggang sa dumating na yung hantungan niya.
Namatay siya ng masama ang loob sa akin. Habang buhay kong pagsisisihan yon. Kasalanan ko ang lahat. Bakit ba kasi ang g*g* ko noon? Binabawian yata ako ng tadhana ngayon kaya ganito ang nangyayari sa akin.
“Ano pa ba? Ano pa ba ang gusto mong sirain sa akin?” Nabasag na ang boses ko ng sabihin ko yun.
“I'm so sorry, Kai. Pero hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko ng walang ama. Binibigay ko lang naman ang karapatan na dapat makamit ng anak ko, kasalanan ba yon? Masama ba yon? Alam mo kung gaano kasakit na mawalan ng ama pero bakit hindi mo ako maintindihan?” Suminghot-singhot pa aiya dahil sa pag-iyak.
“Eva,” Hinarap ko siya saka pinagkatitigan sa mata. “Sa ibang lalaki mo yan sabihin, huwag sa akin. Alam kong hindi sa akin yang batang yan, nararamdaman ko. At kapag napatunayan ko yun, ipapakulong kita at may posibilidad na doon ka na din manganak.”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️
Fiksi Penggemar"I could make beautiful lies for you." Huening Kai × Sun Michaella Gracias TXT Series #4