Chapter 3
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU“Kailangan ko ba talagang suotin yon? Napakaikli non, hindi ako sanay. Tapos maghigh-heels pa ako, pwede namang doll shoes nalang o kaya sneakers.” Reklamo niya habang naglalakad kami papuntang beauty salon.
“If you want to look decent infront of my family and friends, yeah, you have to wear that dress.” Sabi ko habang diretso lang ang tingin sa daan.
“Sigurado ka? Hindi ba pwedeng pantalon nalang saka t-shirt? Doon mas sanay pa ako. Tsaka tong singsing na to, saang lupalop ng earth mo ba to nahukay at bigla-bigla ka nalang susulpot sa harap ko para isuot sakin to.” Dagdag niya. “Pwede din bang hubarin ko to? Hindi kasi ako sanay na pinagtitinginan ako ng tao dahil suot ko to. Totoong diamond ba to? Magkano bili mo dito?” Sunod-sunod niyang tanong.
“That costs 5 million pesos, that was a true diamond and gold.” Sabi ko na ikinatigil niya sa paglalakad.
Tinignan ko siya at nakita kong namumutla siya habang nakanganga pa.
“Hindi nga?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“Hoy babae, pwede ba? Bilisan mong maglakad dahil ang bigat nitong dala ko. Daig mo pa ang suso sa bagal mo. Dalian mo dahil kailangan nating umuwi ng maaga.” Sabi ko saka nauna nang naglakad.
Maya-maya naramdaman ko na naman siya sa tabi ko. “Kung susumahin, kayang-kaya ko ng mabuhay kahit hindi ako mag-trabaho gamit ang perang yon. Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya ko kapag nalaman nilang milyonarya na ako?” Bulong nito bago humarap sa akin at talakan na naman ako. “Teka lang, pwede ko bang ibenta ko pagkatapos ng kontrata natin? Kasi alam mo, binigay mo na to sa akin kaya wala ng bawian. Ay teka, may kontrata na ba tayo? Nakagawa ka na ba?”
Napapikit nalang ako sa kadaldalan niya saka mas lalo pang binilisan ang paglalakad para hindi niya ako maabutan at madaldal.
“Oy! Ano, bastusan? Tinatanong kaya kita! Hindi porket mahaba yang biyas mo ay ginaganito mo na ako!” Sigaw niya kaya napatingin sa kaniya ang maraming tao.
Hindi ko po kilala yan.
Nang mapunta kami sa salon, doon ko lang nakamit ang katahimikang gusto ko. Minasahe ko ang tenga ko para kahit papaano ay ihanda ito sa sasabaking pagsubok na naman niya mamaya pagkatapos makapag-ayos ni Sun. Sigurado kasing mabibingi na naman ako.
Kanina, parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa dahi sa kahihiyan, habang naglalakad kami akala mo naghahanap siya ng away dahil sa boses niya. Napaka-ingay, daig pa yung machine gun. Nakakairita.
Kung makatanong akala mo walang bukas, sunod-sunod. Pagkatapos ng isang tanong, hindi ko pa nasasagot madadagdagan agad ng lima. Mas marami pa nga yata yung mga tanong niya kesa sa mga sinasagot ko. Para siyang chismosa na hindi maubus-ubusan ng kwento. Ratatatatatatat siya ng ratatatatat.
Nagpaayos din ako ng buhok. Hindi ko namalayan na masiyado na palang mahaba yung buhok ko, lumampas na yon sa kilay ko pero hindi naman dugyot tignan, ang sabi ng stylist ay mas bagay pa nga sa akin.
Pina-treatment ko nalang yon para lumambot at pinaayusan ko na din. Natapos na ako't lahat pero hindi pa din tapos si Sun. I wonder what is happening to her right now.
Biglang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. Agad kong kinuha yon at tinignan kung sino. Nakita ko ang pangalan ni Mom doon kaya agad ko yung sinagot.
“Hello, Mom?” Sagot ko.
“Anak, nasaan na kayo? Padating na ang lolo mo.”
“Nasa parlor pa din kami, pinapaayusan ko pa si Sun and maybe it will take 30 minutes more.”
BINABASA MO ANG
Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️
Fanfic"I could make beautiful lies for you." Huening Kai × Sun Michaella Gracias TXT Series #4