"Manang!" sigaw ko habang bumababa sa hagdanan. Nagmamadali kasi ako dahil may photoshoot akong pupuntahan,at ako ang photographer nila.
"Oh? Bakit anak?" ani Manang na galing sa dirty kitchen.
"Please,do tell Mom and Dad na hindi ako makakasama mamaya. I have a commitment today." ani ko at inayos ang pagkakasukbit ng strap ng bag sa balikat ko.
"Sige. Ako na bahala. Mag ingat ka." anito. Tumango lang ako at lumabas na. Nakahanda na din pala ang kotse ko,sumakay na ako at umalis.
Habang nagmamaneho ay tumunog ang phone ko. At dahil nakaheadseat naman ako ay agad ko itong sinagot.
"Im busy." ang agad kong bungad habang tutok sa pagmamaneho.
"Youre such a rude guy,Krauss." sabi ng nasa kabilang linya.
"No,Im not Ava,what is it you want? Im on my way sa photoshoot." ang iritado kong sabi,she's my ex. At ang gusto lang naman nya sa relasyon namin ay sex.
"Dapat ikaw ang model diba? By the way,walang tao dito sa unit,pwede kang pumunta after your work." anito na ikinailing ko.
Yup,Im a goodlooking man,pero hindi ko iyon pinapansin. Im a person na mas mahalaga ang ugali kesa sa itsura.
Ibinaba ko na ang tawag dahil nagsisimula na syang mang flirt,gusto nya ng sex on phone,and the hell she's moaning already. Aaminin ko,maganda si Ava at magaling sa kama,pero hindi ganong babae ang gusto ko.
Pagdating sa venue ay binati na ako ng lahat. Mga bata pa ang mga modelo,probably 17 to 19 years old.
"Im sorry kung na late. Let's start!" sabi ko ng maihanda ko na ang mga gagamitin ko.
Halos tumagal ng isa't kalahating oras ang photoshoot,kasama na ang break at pakikipag kulitan sa lahat ng staff's.
I really love what Im doing,kahit walang kinalaman sa photography ang course ko noon ay mas pinili ko pa din ito. Graduate ako ng Business Management,dahil gusto ng parents ko na balang araw ay ako na ang mamahala sa company namin,wala naman problema dun,but now I don't really have the heart for that. Maghintay pa siguro sila ng 2 to 3 years,besides Im just 23 years old now.
Nang tingnan ko ang oras sa phone ko ay quarter to twelve na pala. Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom. Nagpaalam na ako sa lahat at bumaba ng building. Sakay ng kotse ko ay tinungo ko ang pinaka malapit na Mall.
Nang makapag park na ng maayos ay dumiretso na ako sa loob ng Mall. Medyo nagulat pa ako dahil ang dami na agad Christmas decoration ng mall na ito eh kaka October pa lang.
Naglakad na ako at naghanap ng makakainan. Kahit mayaman kami ay hindi ako nasanay na kumain ng mga mahal na pagkain o gumastos ng malaki,nagmana ata ako kay Lolo na kahit nung nabubuhay pa ay hindi umastang angat sa buhay,he's always down to earth.
Pinili kong sa isang fast food na lamang kumain. Im still a child at heart you know,ang mga ganitong simpleng bagay ay nakakapag pasaya na sa akin,ito minsan ang kinakainisan ni Ava,gusto nyang kumain sa mamahaling restaurant,ako hindi. Hindi ako gagastos ng malaki para sa taong alam kong pera ko ang gusto.
Habang kumakain ako ay panay ang tingin ng mga tao,until now hindi pa din ako sanay. Ang iba napagkakamalan akong bagong artista daw,ang iba naman modelo daw ako. May mga nagpapa picture pa na pinapaunlakan ko na lamang.
Nang matapos akong kumain ay naglakad lakad na ako at naghanap ng pwede ko maging prospect. Masarap din naman kasing kumuha ng mga litrato sa ganitong lugar.
Nakarating ako sa gitna ng Mall kung saan may fountain at may puting christmas tree. I thought na magandang kuhaan ang christmas tree at ang fountain.
Kinuha ko sa bag ang camera at inayos na ito. Saka ito ifinocus sa puting christmas tree. Nakailang shots na din ako ng mapansin kong may nakaupo sa gilid ng christmas tree.
Parang ang lalim ng iniisip nya. Para syang..Ewan. Hindi ko alam,pero napukaw nya ang atensyon ko.
Mula sa aking pwesto ay tiningnan ko syang mabuti. Bumuntong hininga ito at nangalumbaba. He's really good looking pero napaka feminine ng features ng mukha nya.
By then,alam ko na agad na hindi sya tunay na lalaki. Ano kayang iniisip nya?
Maganda syang prospect,kaya ang ginawa ko ay kinunan ko sya ng litrato without him knowing it.
Pero ang hindi ko inaasahan ay ang bigla nyang paglingon. Huli na para itago ko ang camera ko. Nagsalubong ang mga kilay nya at saka tumayo.
Bakit kaya ganito? Parang bigla akong kinabahan na hindi naman?
Napasinghap ako ng naglakad ito palapit sa akin. Confirmed,he's from the LGBT Community,and he's small,hanggang balikat ko lang sya.
"Excuse me,Mister. Bakit mo ako kinukuhanan ng litrato without my permission?" anito. Shit! Mataray na bading pala ito.
"H-huh? What are you saying? Yung Christmas tree at fountain ang kinukuhanan ko ng litrato." ang sagot ko naman,which is partly true.
"Talaga lang huh? Patingin nga!" aniya at inilahad ang kamay. Syempre,I wont let him see it,mabubuko nya ako and I don't wan't that to happen.
"Saka na pag nadevelope na." ani ko,ngumisi at inilagay ko sa bag ang camera para hindi na sya makapangulit.
Nakagat ko ang lower lip ko ng magpout sya. Shit! The hell? What was happening? Bakit ganon?
"Okay,kuya! Basta next time,pwede ka naman magpaalam. Magpo-pose pa ako para sayo. Pangarap ko kaya maging model--"
Biglang may lumapit kaya hindi na nito natuloy ang sasabihin.
"Hoy! Kaley! Potangina! Kanina pa kami naghahanap sayo! Pinag alala mo kami,akala namin inatake--"
"Okay lang ako ano ba?!" sagot nung bakla. Kaley pala ang pangalan nya. Bumaling sya sa akin at nagsalita. "Basta ah? Next time ganon na."
Kinaladkad nito yung babaeng dumating at habang papalayo sila ay para silang nagtatalo. Napailing na lamang ako.
Minsan,mas magaganda pa ang mga bakla kesa sa mga tunay na babae. Kadalasan,sila pa ang mas totoo kesa sa ibang babae.
Nang makauwi ako ay agad akong dumiretso sa aking redroom para madevelop ang mga litrato,ewan ko ba sa sarili ko at excited akong makita ang mga litrato.
Nang madevelop na lahat ay pinatuyo ko na ang mga ito. Isa ako sa mga photographer na mas trip ang lumang pamamaraan kesa sa gumamit ng computer sa pag develope. Para sa akin mas madadama mong worth it ang lahat kung pati sa pagde-develope ay nahirapan ka. Kumbaga,sulit ang pagod at hirap.
Una kong napansin ay ang mga hindi sadyang kuha kay Kaley. Tinitigan ko itong mabuti. There's something in his eyes na hindi ko madecipher. Parang punung puno ng emosyon,pero hindi mo naman mahulaan kung anong emosyon.
Kaya hanggang bago matulog ay yung mga mata ni Kaley ang iniisip ko. Gusto kong malaman kung anong iniisip nya. Kaso parang ang weird naman ata ng naiisip ko.
Magkita pa kaya ulit kaming dalawa?
-- PASENSYA NA KUNG MAIKLI,BASTA YUNG STORY NA LAMANG PO ANG TUTUKAN NYO OKAY? :))
BINABASA MO ANG
Hiling : Book II (Christmas special)- Completed!
RomanceSHORT STORY (BOYXBOY) How would you celebrate Christmas if it only means hurt,death and loneliness to you? Isa kang lalaking ngyaon lang nagmahal ng higit pa sa iyong buhay ngunit ang lahat ay magbabago sa araw ng pasko.