"Hindi sya pwedeng napapagod. Hindi din sya pwedeng masobrahan sa tuwa o sobrang lungkot. Ang mga sobrang emosyon ang mga hindi pwede sa kanya. Hindi sya normal,hindi normal ang buhay nya!" ang sabi ni Zy sa kabilang linya. Napatingin ako kay Kaley na ngayon ay pinapaypayan nila.
"We should take him to the ospital." nag aalalang sabi ni Meiji.
"Wait,I thought asthma lang ang sakit nya?" ang tanong ko kay Zy.
"Yeah,asthma nga at... Uhm,nandito na sina Tito at Tita. Please bigyan nyo sya ng inhaler." at naputol na ang tawag. Napabuntong hininga ako at napatingin ulit kay Kaley.
"Huwag kayong masyadong dumikit! Hindi sya makahinga! Kailangan nya ng hangin!" ang bulyaw sa amin ni Jarra.
"Teka! May inhaler akong dala!" at biglang nagtatakbo si Gus papunta sa kwarto nila sa taas.
"O-okay na ako. G-guys." ang sabi ni Kaley at dahan dahang bumangon.
"Well,you don't look okay! Anong nangyari? Ano bang sakit mo? Anong mga gamot ang kailangan mo?" ani Blaise. Sakto bumalik na si Gus.
"Okay nga lang ako." ani Kaley at napatingin sa akin pero agad din itong nagbawi ng tingin.
Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang nasasaktan ako sa paraan ng pagtingin nya sa akin?
"Okay na naman pala sya." sarcastic na sabi ni Ava kaya lahat kami sa kanya ay napatingin. "Huwag nyo akong tingnan ng ganyan na para bang ako ang sinisisi nyo."
"Bakit hindi ba? Bitch!" sagot naman ni Meiji.
"How dare you?!" nanliit ang mga mata ni Ava sa nadinig kaya agad ko syang hinawakan.
"Ava,stop it?!" ang singhal ko sa kanya kaya bumaling sya sa akin.
"Kakampihan mo na naman sila--"
"Uuwi na ako. Ayokong masira ng tuluyan ang birthday mo Blaise dahil sa akin. Pasensya na talaga." ani Kaley at dahan dahang tumayo.
"No! Hindi ka uuwi." ang awat ni Blaise. Tumingin ulit sa akin si Kaley. This time,kita ko na ang sakit at pait sa mga mata nya.
Its my fault. Kasalanan ko kung bakit umabot sa ganito ang sitwasyon. I shouldn't said that.
"Pauwiin nyo na ako please? Para sa inyo at para sa akin?" ang nagmamaka awang sabi ni Kaley. "Nasan ang phone ko? Magpapasundo ako kay Zy."
Lumapit ako sa kanya at iniabot ang phone nya. "Im sorry,hindi ko dapat sinabi 'yon."
"Okay lang. Totoo naman ang sinabi mo na hindi ako dapat nandito. Pasensya na." at naglakad na ito papunta sa kwarto nila.
Natahimik ang buong tropa at nagkatinginan. Tiningnan ako nina Jarra at Meiji,halata sa mga mata nila na sinisisi nila ako.
"Wala ng bumabyahe ng ganitong oras,Kaley. Ihahatid na lang kita." ani Blaise ng makabalik na si Kaley.
"Huwag na. Salamat at Happy Birthday Blaise!" ngumiti si Kaley pero hindi sapat iyon para maitago nya ang nararamdaman nya. And Im actually starting to hate myself dahil ako ang dahilan. Parang pinipiga ang puso ko na hindi ko maintindihan.
"Ihahatid ka na namin please." pagmamaka awa nina Jarra at Meiji.
"Huwag na. Pag ginawa nyo yon,magagalit ako sa inyong lahat. Sige na,bye!" at tumakbo na palabas si Kaley,kita ko pang kumawala ang mga luha nya.
Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Masahol pa ako sa ibang lalaki na nanakit ng bakla. Wala akong pinagkaiba sa kanila.
Napatingin ako isa isa sa tropa. Yung mga tingin nila may sinasabi. For the first time in my life,I felt unwanted. Ayaw nila akong makausap ngayon kahit hindi nila sinasabi.
BINABASA MO ANG
Hiling : Book II (Christmas special)- Completed!
RomanceSHORT STORY (BOYXBOY) How would you celebrate Christmas if it only means hurt,death and loneliness to you? Isa kang lalaking ngyaon lang nagmahal ng higit pa sa iyong buhay ngunit ang lahat ay magbabago sa araw ng pasko.