Nang magising ako ay hindi agad ako bumangon. Tiningnan ko ang paligid ng kwarto ni Kaley. Nasaan kaya sya?
Pumasok sya sa kwarto at nagkunwari akong tulog,ngunit sinigurado kong nakikita ko pa din sya.
Katatapos lang nyang maligo,mukhang sa banyo na sya nagbihis. Sobrang payat na nya talaga,nahabag ako. Nang tanggalin nya ang towel sa ulo niya ay nagulat ako.
Halos makalbo na sya,kaka unti na lamang ang buhok nya. Parang gusto kong maiyak,bakit sya pa? Bakit sya pa ang nagkaroon ng leukemia at sakit sa puso?
Dumiretso sya sa drawer at may kinuha. Isang wig,humarap sya sa salamin at sinuot ito. At ng masiguro nyang ayos na ang itsura nya ay lumapit na sya sa akin. Agad akong pumikit.
"Krauss,tanghalian na. Kain na tayo." at dahan dahan nya akong niyugyog. Nagkunwari akong bagong gising at bumangon.
"Good morning baby! Ang bango ah!" hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap. "Sorry talaga sa nangyari."
"Kalimutan na natin yon. Tara kain na tayo. Ako nagluto,umalis kasi sina Mama at Papa." tumayo na sya at tumayo na din ako.
Pangako,pasisiyahin at aalagaan kita.
I pretended na hindi ko sya nakita kanina sa ganong itsura. Panay ang kwento at ngiti nya at gusto ko ang nakikita ko.
Nang dumating si Zy ay nagpaalam na ako na uuwi. Madami akong aasikasuhin,at lahat ng iyon ay para kay Kaley.
This love I have for him is so overwhelming,kaya kailangan kong ipakita at ipadama. Kailangan mapasaya namin sya,kailangan maging worth it ang mga huling araw niya.
Pagkauwi ko ay abala ang lahat sa paglilinis. Nadidinig ko ang boses ng parents ko sa dinning hall but I just ignored them.
Paakyat na sana ako sa hagdan ng tawagin nila ako. Tumigil ako at hinarap sila.
"Totoo ba yung mga narinig namin tungkol sa boyfriend mo?" ani Mama.
"Yes. He's dying,araw o linggo na lang. Hindi namin alam." sagot ko at tumalikod at nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan.
"We're sorry." ani Mama. Tumigil ako saglit. Pero nagdiretso na din ako sa kwarto ko. Hindi lang iyon ang gusto kong marinig sa kanila,gusto kong tanggapin at mahalin din nila si Kaley.
Kaley is a very special person,thats why we love him,thats why I love him.
December 20,ika limang simbang gabi namin. Medyo na late kaming lahat kaya sa labas kami pumwesto,mabuti at may mga nilagay silang monoblocks at screen,para na rin kaming nasa loob ng simbahan.
"Walang taong mahirap sa mata ng Diyos." simula ng pari sa sermon. "May mga taong mayayaman,lahat na ay mayroon sila,pero mahirap sila sa pananampalataya,mahirap sila sa tunay na kaligayahang hindi naibibigay ng salapi."
That was true. Karamihan sa tao ngayon ay pera na lamang ang pinapahalagahan. Natatakot ako na dumating ang araw na ganon na din ang mga magulang ko.
"Pero,may mga mahihirap na mayaman naman sa pagmamahal,sa pananampalataya." dagdag ng pari. Napatingin ako kay Kaley na napatingin din sa akin.
I held his hands. Sina Kaley mahirap,pero mahal na mahal nila ng pamilya nya ang bawat isa. May mga bagay talagang hindi maibibigay ng salapi o ng kayamanan.
BINABASA MO ANG
Hiling : Book II (Christmas special)- Completed!
RomanceSHORT STORY (BOYXBOY) How would you celebrate Christmas if it only means hurt,death and loneliness to you? Isa kang lalaking ngyaon lang nagmahal ng higit pa sa iyong buhay ngunit ang lahat ay magbabago sa araw ng pasko.