Wish # 8

1.8K 95 6
                                    

December 10 ang date ng date namin ni Kaley,at ngayon ang araw na iyon. Hindi ako nakatulog nung isang gabi at kagabi dahil sa date na ito.

Tanda ko pa kung paano ko sya napapayag,at hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.

"Huh?! Anong sabi mo?!" ang gulat pa nyang sabi saka lumunok.

"I said,I like you. Lets date." ang ulit ko at ngumiti.

"Ano,uhm.. Ano ba to." ang namumula nyang sabi na ikinangiti ko.

"Gusto kita Kaley. Ngayon lang nangyari ito at seryoso ako. Gusto kong kilalanin ka pa at ang nararamdaman ko sayo." ang seryoso ko pang sabi kaya parang napaisip sya.

"Uhm,hindi ba nakakahiya? Makikipag date ka sa gaya ko? Maraming pwedeng humusga sayo." aniya na seryoso din. Napangiti ako,iniisip nya pala ang magiging tingin sa akin ng mga tao.

"Huwag natin silang intindihin. Magdadala ako ng cam para may remembrance tayo." ani ko. Namilog ang mga mata nya at ngumiti.

That's it! Nahuli ko agad ang kiliti nya.

"Talaga? Sabi mo yan ah? Payag na ako! Magkita tayo sa mall na una tayong nagkita,same place."

"Deal. Its the day after tomorrow ang date natin."

Napangiti na lamang ako at tinapos ko na ang pagpapa gwapo sa harap ng salamin. Magustuhan kaya ni Kaley ang itsura ko ngayon?

Medyo nakaka kac,ito ang unang pagkakataon na makikipag date ako sa same sex. Paano ba ang dapat gawin? Para lang din ba silang babae?

Napatingin ako sa relos ko at nataranta ako.

"Shit! Magkalahating oras na akong late!"

Pagdating ko sa Mall ay nakita ko na agad si Kaley. Nakaupo sa dati nyang pwesto malapit sa puting christmas tree na ngayon ay mas puno na ng dekorasyon.

Parang araw araw ay paputla sya ng paputla at papayat ng papayat. Kinuha ko ang camera at muli syang kinuhaan ng litrato palihim.

Napakaganda lang tingnan. Para syang nasa ibang bansa dahil sa white christmas tree.

"Hi! Pasensya na at late!" nakangiti kong sabi ng lumapit.

"Okay lang. Medyo kumulo lang naman yung tyan ko sa paghihintay sayo." aniya. Balot na balot na naman sya dahil sa suot nya at naka cap naman sya ngayon.

"Hindi ka na naman kumain? Tsk! That's bad! Tara,kain muna tayo."

"Ano ka ba? Joke lang yon. So,saan tayo?" aniya at tumayo na. Napangiti sya ng makitang dala ko na ang camera. "Sa wakas,makakaranas na ako ng sarili kong photoshoot."

"Yup! And this is your day!" agad kong kinuha ang kamay niya at pinag intertwine sa akin.

Napasinghap ako,ang lambot ng kamay niya. Ang sabi nila,malalaman mo daw kung mahal mo ang isang tao pag hinawakan mo ang kamay nya,ang palad niya. At ngayon masasabi ko na sa sarili kong mahal ko na nga talaga si Kaley.

Sa Timezone kami unang pumunta. Kinukuhanan ko sya ng litrato habang nagdadance revo.

"Woohh! Ang sarap sa pakiramdam pero nakakapagod." aniya ng matapos. Ang sarap lang tingnan ng mga bawat ngiti nya.

Damn! Im really inlove with him!

"Magpahinga ka muna. Diba bawal kang mapagod? Then lets try another one." ani ko at iniabot sa kanya ang panyo ko. Agad nya naman itong ipinunas sa mukha nya.

"Okay lang ako! Ano ba ang sunod?" masaya pa din nyang sabi at bumaling sa akin.

"Ano pa ba ang mga ginagawa ng mga nagde-date?" ani ko at kunwaring nag isip. Pagtingin ko sa kanya ay namumula na ang pisngi nya at hindi mapakali.

"D-date talaga ito?" aniya,nagulat ako sa bilis ng pagbabago nya,ngayon ay parang hiyang hiya na naman sya.

"Yes. Date ito,kasi nga gusto kita. Ako ba gusto mo din?" hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob para tanungin iyon pero gusto ko lang makasiguro.

"Gusto? Uhm..Uhm..Siguro?" at nag iwas sya ng tingin. Napangiti ako,naglulundag ang puso ko sa tuwa. Ganito pala pakiramdam pag gusto ka ng mahal mo? Pero syempre hindi ko muna sasabihing mahal ko sya,may tamang panahon para dun. Paghahandaan ko pa iyon.

"Pareho lang pala tayo eh. So,ano ba ginagawa ng mga nagde-date?"

At iyon,namula na naman sya at hindi ko alam ang dahilan.

"Nagde-date? Ano,uhm pumupunta sa motel,tas nag a-anuhan." nakayuko nyang sagot na ikinalaki ng mga mata ko.

The hell? Ganon na ba ang date ngayon? Sa bagay,ganon kami ni Ava dati.

"Advance ka mag isip,Kaley. Saka na yon,liligawan muna kita at sasagutin mo pa ako." ani ko na mas lalo nyang ikinapula.

"Huwag ka ngang mag trip ng ganyan Krauss. Madali akong maniwala." aniya at tumayo. "Wait lang,cr lang ako."

Nakangiti akong pinanood ang pag alis nya. He's really adorable. And Im really inlove.

Biglang may tumunog na phone,pagtingin ko ay phone pala ni Kaley. Si Zy ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Bruha ka! Pinag alala mo ako,ang sabi ko ay magdala ka ng gamot! Ano ka ba? Gusto mo talagang mapadali ang buhay mo! Please naman bakla,alam mo namang konti na lang ang panahon mo,huwag mo naman paikliin pa lalo." ang mahabang sabi ni Zy,halata sa boses nya ang sobrang pag aalala.

Ako naman ay natigilan. Ano ba talaga ang sakit ni Kaley? At ano yung konti na lamang ang panahon nya?

"Si Krauss ito. May mga dapat ba akong malaman?" ani ko. Dinig ko ang pagsinghap ni Zy sa kabilang linya.

"Uy! Krauss! Ikaw pala yan! Pakisabi kay Kaley tumawag ako. Bye!" at naputol na ang tawag.

Napabuntong hininga ako,sakto naglalakad na pabalik si Kaley,iniabot ko sa kanya ang phone.

"Tumawag si Zy. Kung nadala mo ba daw ang mga gamot mo." ang agad kong sabi at tumayo na.

"Hay! Parang hindi ako umalis ng bahay nito."

"Nag aalala nga lang kasi sya." ani ko at namulsa. "Ano ba kasi ang sakit mo talaga? Im really bothered."

Bigla syang nagseryoso hinintay ko ang sasabihin nya.

"Hindi pa ako handang sabihin. I just want to enjoy everything. Please,huwag natin pag usapan na yan."

Napabuntong hininga ako. Sige,pagbibigyan ko siya,tama din naman ang gusto nyang ipahiwatig,maaaring makasira ng mood ang sasabihin nya.

Nakaramdam ako ng gutom kaya niyaya ko na lang sya kumain. Tutal mukhang nagutom din naman siya.

Habang kumakain kami sa isang fastfood ay panay ang kwento nya sa mga kabaliwan nila ni Zy. Ako naman ay totoong natatawa. Kasi kahit ng mawala ang virginity ni Zy ay kinwento ni Kaley. Kakaiba talaga sya,paniguradong magwawala si Zy kung malaman nyang kinwento ito sa akin ni Zy.

Hinatid ko na sya sa may labasan lang ng street nila kasi hindi pwedeng maipasok ang sasakyan doon.

"Salamat nga pala! Sobrang nag enjoy ako!" ani nya ng makababa na kami sa kotse,gabi na din at panay na din kasi ang missed call kanina ng Mama nya kaya nagdesisyon na akong ihatid sya.

"Salamat din. Tandaan mo,seryoso ako. I like you. No,I think I love you. Kaya liligawan kita." ani ko at kumindat.

Napahawak sya sa dibdib nya. May sinabi sya ngunit hindi ko na narinig dahil pumasok na ako sa kotse at umalis na.

- WAAHHH! SANA TULOY TULOY PAG UPDATE KO DITO. Comment and vote po kung nagustuhan :)

Hiling : Book II (Christmas special)- Completed!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon