Dumating ang araw na pinag usapan ng tropa. Ako daw ang huli nilang susunduin,napag desisyunan kasing maligo na lang sa dagat since matagal na namin iyong hindi ginagawa.
Today is November 17,at saka ko lang narealize na birthday ni Blaise,ito siguro ang pinaghandaan nya dahil ang tagal nyang hindi nagpakita sa tropa.
Nang may bumisina ay lumabas na ako ng bahay. Nakaparada na sa labas ang Van ni Blaise at nakatayo sa labas si Gus.
"Tara na." ang pag aya ni Gus ng makalapit ako.
"Saglit lang. May hinihintay pa ako." ang sagot ko naman kaya biglang nagsalita si Meiji.
"Sino naman?" anito. Sinilip ko ang loob at nakita ko sina Blaise at Kaley na nagtatawanan. Ang bilis naman ata nilang maging close sa isa't isa.
"Si Ava. Sasama sya." ang sagot ko. Tulad ng inaasahan ay napangiwi sila. They don't really like Ava,pero wala naman akong magagawa dun.
"Seriously Krauss?" ang pagtataray ni Jarra. Pero bigla ng dumating si Ava na kakababa pa lang sa taxi.
"Nandito na pala sya." ang pagbalewala ko kay Jarra at sinalubong si Ava.
"Hi guys! Its nice to see you all again. Im sorry kung late." ani Ava sa lahat. Tumigil sa tawanan sina Blaise at Kaley.
"Kumpleto na ba? Tara na!" sabi ni Blaise at sumakay na kami.
Habang nasa biyahe ay si Kaley ang kinakausap nila. Nakuha nga ni Kaley ang atensyon nila. Gusto ko din syang makausap pero hindi ko alam kung paano. Kaya kinuha ko na lang sa bag ang camera ko at inayos.
"Wow! Woi Krauss! May utang ka pa sa aking picture! Picturan mo ako sa dagat--"
"Krauss,magkakasama ba tayo sa isang room?" ang pamumutol ni Ava sa sasabihin ni Kaley. "At saka ngayon ko lang nalaman na nakikipag kaibigan na pala kayo sa ganyan."
Natigilan ako at hindi alam ang sasabihin. Ngumiti na lamang si Kaley kahit halatang napahiya siya.
"Excuse me? Wala kang karapatang magsalita ng ganyan! Kaibigan namin si Kaley!" ang singhal ni Meiji ngunit hindi sya pinansin ni Ava at humilig lang sa balikat ko.
"Ava,you shouldn't say that." ang mahinahon kong sabi.
"Nagsasabi lang ako ng napapansin ko." sagot ni Ava. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Kaley,ako na lang magpipicture sayo. Kahit hindi na ganung Cam gaya kay Krauss." sabi ni Blaise habang nagdadrive.
"Talaga? Hindi ba nakakahiya?"
"Ngayon ka pa nahiya. Eh kanina pa tayo nagtatawanan." sagot naman ni Blaise.
"Oh bro,baka mainlove kay Kaley nyan." ang natatawang singit ni Gus.
"Bakit hindi? Mabait sya at magandang bakla." sagot ni Blaise. Napatingin ako kay Kaley na namumula na.
Yun din ang tingin ko sa kanya. Mabait at maganda. Bihira lang kasi yung ganyang bakla,yung higit pa para sa isang babae. May ganon pala talaga.
"Kinikilig ako!" ani Jarra na ikinatawa nila.
Napatingin ulit ako kay Kaley,napatingin din sya sa akin. Bahagya syang ngumiti. At hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa akin. Parang biglang kumalabog ang puso ko.
"Wala namang matris. Puro blowjob lang ang alam." bulong ni Ava na ako lang ata ang nakarinig.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay tumunog ang phone ni Kaley,kinuha nya ito sa bag nya at sinagot.
"Hello,Zy? Oh may ibibilin ka ba?.. Ha? Hindi ako nakapag dala,saka hindi naman ako mapapagod eh!.." kahit hindi ko sya tinitingnan ay nakikinig naman ako. "Hindi ko ikamamatay yon! Ang OA nyo. Hay naku! Oo na! Sige na,bye!"
BINABASA MO ANG
Hiling : Book II (Christmas special)- Completed!
RomanceSHORT STORY (BOYXBOY) How would you celebrate Christmas if it only means hurt,death and loneliness to you? Isa kang lalaking ngyaon lang nagmahal ng higit pa sa iyong buhay ngunit ang lahat ay magbabago sa araw ng pasko.