Chapter 6

596 33 1
                                        

INABOT  ni Roni ang ikatlong lata ng beer. Nakasalampak siya sa rug sa paanan ng kama ni Borj. Pinili niya ang kuwarto nito dahil hindi maaaring mag-amoy beer ang silid niya. Walang maaaring madiskubre si Ate Mila kinabukasan. Isang lata lang ang ininom ni Borj, ayon dito ay mahirap kung pareho silang malasing pagkatapos dahil hindi siya maihahatid nito sa kanyang kuwarto.

She wouldn't be drunk. She intended to win, anyway. She had been going out with her friends but she only drank juice or iced tea despite her friends' insistence. But she would take the chance.

Ang kapalit niyon ay si Jane. And her pride.

For the zillionth time, nahuli niya ang masuyong pagtitig ni Borj nang ilapit niya ang lata sa kanyang mga labi. Saglit na nasilip niya ang mga mata nito ang pagnanais na agawin sa kanya ang hawak niyang lata ng beer, na agad ding napalis kaya minabuti niyang isiping guniguni lamang iyon.

Bahagya na siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Bumibigat na rin ang kanyang tiyan. Tumayo siyang hawak pa rin ang lata na wala pang kalahati ang nababawas.

"Hey! Where are you going?"

"M-magsi-CR lang ako," aniya.

"Pangatlo na 'yan, Roni. Ngayon ka pa ba mandaraya?" natatawang buska nito sa kanya.

"Shut up, Borj!" Nagpatuloy siya sa paglabas. Napahawak siya sa gilid ng pinto ng bathroom pagdating niya roon. Nahihilo na nga siya. She shut her eyes. Namalayan niyang nabitawan niya ang lata ngunit hindi na niya puwedeng habulin pa iyon. Lumikha iyon ng ingay sa tiles hanngang sa gumulong at matapon ang laman.

"No tricks allowed, Roni!" malakas na sabi ni Borj. Sumunod ito. Kapagdaka'y napalitan ng pag-aalala ang amusement sa mukha nito. "Lasing ka na."

Sinikap niyang dumilat at umiling. "Of course not!"

"Hindi mo na kaya." Hinawakan nito ang kanyang magkabilang braso. "Ihahatid na kita sa kuwarto mo."

"No." Sunod-sunod na umiling siya at muling pumikit. "I'm okay."

"Roni..." Napalunok ito. Tila gusto nitong sisihin ang sarili.

"You aren't... w-worrying, are you?" Her eyelashes fluttered.

Nag-angat ito ng kamay, he brushed his knuckles against her cheekbones.

Nagsikap siya na muling dumilat. "B-bumalik na... tayo sa kuwarto mo. P-palitan mo na lang 'yang isang natapon. "She started to walk. Hindi pa siya mabuway maglakad. Ang tanging senyales ng bahagyang pagkalasing niya ay ang pamumula ng kanyang mukha.

"Roni..." Naabutan ni Borj ang kanyang braso at maingat na iniharap siya nito. Bumangga ang katawan niya sa katawan nito. She settled her face on his chest and looked up.

"W-why? You want to kiss me... Borj?" she asked.

He swallowed hard again. "I want to, but will never dare." He breathed in and continued. "Never when you're drunk that you cannot stop me anymore."

Nagtatanong ang mga mata na lalo niyang tinitigan ito.

"Matulog ka na. Forget about this." Mabilis na pinangko siya nito.

She closed her eyes tightly and let his smell linger in her nostrils. "I want you to get rid of that Jane..." wala sa sariling wika niya.

"Sshh..." itinulak nito ang pinto pasara at dumiretso sa kama. Ibinaba siya nito roon.

Muling nagtungo si Borj sa bathroom. Pagbalik niya ay may dala na siyang face towel. Roni looked like she had just fallen asleep. He started wiping her face. Sa leeg. Sa mga braso. Kung magtatangka siyang palitan ito ng damit ay baka maisumpa niya ang sarili sa maaaring sumunod na mangyari. Wala siyang tiwala sa sarili pagdating kay Roni. Sa pagkakataong iyon ay wala si Tita Marite na maaaring sumilip sa kuwarto upang palitan ang anak nito upang maging komportable ito sa pagtulog. Kung si Ate Mila naman ang uutusan niya ay malalaman nito ang kalokohan nila. Isa pa, kanina pa ito namamahinga sa ibaba.

When I See You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon