KALALABAS lang ni Roni mula sa universidad. Pagkababa niya ng taxi ay natanaw niya agad ang isang pamilyar na sasakyan sa garahe katabi ng kotse ng mommy niya.
"Nariyan si Tita Kristine, Ate Mila?"
Tumango ang kanilang katulong.
"May kasama siya?"
"Si Borj." Ibinaba nito ang hose ng tubig at tinungo ang gripo upang isara.
Umangat ang isang kilay niya sa pangalang narinig. Himala! Ano ang nakain ni Borj at tumuntong sa pamamahay nila? Ito ang ampon ng bestfriend ng kanyang ina. Sa pagkakaalam niya ay nasusuklam ito sa umano'y kamalditahan niya. Bakit ngayon at naroroon sa kanila ang binata?
"Magpapamisa ako." Her eyes rolled upward. Mabilis na pumasok siya sa kabahayan.
Wala sa receiving room ang mga bisita. She headed for the stairs. Balak niyang magpahinga sa kanyang kuwarto hanggang sa makaalis ang mga ito. Ihahakbang na lamang niya ang kanang paa sa unang baitang nang maulinigan niya ang boses ng kanyang inang si Marite.
"Your mom is right, Borj. Isang sem na lang naman. It doesn't sound practical kung mangungupahan ka pa."
"Gusto kong mag-working student, Tita," sagot ni Borj.
"Oh, Borj," boses iyon ni Tita Kristine na mukhang anumang sandali ay mauuwi na sa pag-iyak.
"Listen to your mom, hijo. I understand, napilitan man ang mommy mo na ipagbili ang bahay ninyo, it doesn't mean you ---"
"Please, don't worry about me. I really can manage, Tita, Mommy."
"For once, Borj, let me decide for you. Anak, pagbigyan mo na ako. Ang kalagayan ng ama mo ay valid nang rason para sumakit ang ulo ko. Atleast, kung dito ka sa poder ng Tita Marite mo ay alam kong maayos ang kalagayan mo. You can't blame me. I just want everything to be all right before I leave. Mahirap bang intindihin iyon?"
Matagal na walang narinig na sagot si Roni. Her eyes literally widened in a realization. Dito titira ang mayabang! Oh, what a disaster! Mabilis na tumakbo siya paakyat sa kanyang silid. Paano siya mabubuhay nang tahimik sa loob ng ilang buwan kung nasa paligid ang antipatikong ampon ng kanyang Tita Kristine?
She hated him. He was her "tinik sa lalamunan."
NAPAIGTAD si Roni sa pagkakadapa sa kama dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang kuwarto.
"Pinabababa ka ng mommy mo, Roni. Handa na ang hapunan." Boses iyon ni Ate Mila.
"May bisita pa tayo?" Of course, hindi niya aasaming makasabay sa pagkain si Borj. Never again. Hindi niya narinig ang tugon mula sa kabila ng pinto. Mga yabag na lamang ni Ate Mila ang narinig niya. Napilitan siyang tumayo. Kumakalam na rin ang kanyang sikmura. At ang isa sa hindi niya maaaring salungatin sa kanyang mommy ay ang pagsabay rito sa hapunan na bihira na ngang mangyari.
Muntik na siyang pumihit palabas ng komedor nang bumulaga sa kanya ay ang matamang pagtitig ni Borj sa kanya. Four years had gone so fast. Finally, she admitted to herself that he became more good looking.
"Anong oras ka dumating, Roni?" narinig niyang tanong sa kanya ng mommy niya.
She blinked. Hindi niya namalayang napatitig siya kay Borj. "Kani-kanina lang, Mommy. Hindi ko alam na nandito si Tita Kristine kaya dumiretso ako sa kuwarto."
"Kasama niya si Borj, hija."
Nahimigan niya roon ang pagsaway sa kanya ng mommy niya. She smiled and turned to Tita Kristine. "Ilang buwan kang hindi nadalaw, Tita."
BINABASA MO ANG
When I See You Smile
RomanceNagsimula ang iringan at asaran sa pagitan nina Borj at Roni noong mga bata pa sila. Nakitira si Borj na ampon ng best friend ng kanyang mommy sa kanila. Several years passed. Muling nakita niya ito na isa nang ganap na binata. And the physical cha...